Thirty-five ❁: Hugot

395 12 2
                                    

As promised ng barkada ay lumabas nga kami kinabukasan para lumibot bago pa kami magkanya kanya na pumunta sa mga families namin for mini vacation. Madalas kasi pag sembreak nagoout of town halos lahat kami together with our families.

Dapat after 2 days pa itong lakad naming ito pero sadyang mabilis lang naming nagawa ang projects namin kaya nakakashock din at di namin expect na ngayon na kami makakalabas bilang barkada hindi groupmates na maghahanap ng materials for their project.

" San tayo? "

Tanong ko naman habang nakaupo ngayon sa may tabi ng driver's seat. Di ko alam pero feel ko muna dito umupo. Madalas kasi pag sa byahe katabi ko si Christian pero ngayon nagdecide muna akong lumayo.

" Hmm mall? "

Sabay sabay naman sagot ng 3 Maria. Ano nga bang gagawin namin sa mall?

" Any other ideas? "

Tanong ko naman at nagtaas ng kamay si Christian.,

" Ayaw niyo muna sa Amusement Park? Parang kasi nakakasawa sa mall. Mukhang window shopping lang magaganap kung dun tayo. "

Napaisip nga ako ano pwede mangyari sa mall at ganun nga ang magiging labas nun. Window shopping lalo na pa't mahilig tumingin sa stores tong mga kasama ko. 

" Unfair naman sakin lalaki diba? 4 kayong babae. Alam niyo naman kaming mga boys di mahilig jan. "

Ahh kaya pala may punto siya. Napatingin naman ako dun sa 3 maria at mukhang ok naman sakanila.

" oh ano? Amusement Park nalang tayo? "

" Okiedokes!!!! "  - Andrea Patricia and Abigail

" Manong Amusement Park daw po "

Umandar na nga ang sasakyan papunta sa amusement park

**

" AYOKO! HIHINTAYIN KO NALANG KAYO DITO! BASTA AYOKO!!!! " sigaw ni Abigail habang asa labas kami ngayon ng Horror House

" WHAT A KJ! ABI! DALI NA ANDITO NAMAN KAMI NI PAT RIGHT? " Tumingin naman si Andrea sa katabi nitong si Pat

" Oo naman Abi we won't leave you out there hanging " nagpakawala ito ng matamis na ngiti. Sus kung alam ko lang mauuna pa silang tumatakbo pag may multong lilitaw

" NEKNEK NIYO!!! NANGIIWAN KAYA KAYO! BASTA HINTAY KO NALANG KAYO DITO!!! " 

Walang nagawa ang dalawa at pumasok nalang sa Horror house

" Ok ka lang talaga jan Abi? " Tanong ko bago kami pumasok ng tuluyan sa Horror House.

Wrong Move [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon