Fourteen ☂ : Call Sign

525 13 0
                                    

Kunabukasan ay maaga akong nagising. Binuksan ko ang lamp sa may tabi ko para matignan anong oras na at 5:30 palang ng madaling araw ng makita ko ang oras kung tutuusin kailangan ko nadin bumangon pero sadyang ang bigat ng katawan ko at ayaw bumangon

Inayos ko ang sarili ko sa kama dahil sa totoo lang tamad parin akong bumangon. Kaya ko naman bilisan pagreready ko mamaya. Sadyang nagyon tamad akong bumangon. Siguro dahil narin sa pagod na pagod ako sa mga nangyari kahapon. Dami kasing nangyari na hindi ko matake.

*TOK TOK*

May kumakatok sa kwarto ko at di nagtagal binuksan ang kwarto ko at pumasok ang iaw mula sa labas. WAAAAAAH!!! Para akong aswang na nasinagan ng araw na natutunaw sa nangayayari ngayon kaya agad naman akong nagtalukbong sa ilalim ng kumot.

" Hayley hija " Binuksan pa ni Yaya ang ilaw sa kwarto ko. WAAAAAH!! Lalo akong natutunaw. Ilaw ilaw! Patayin niyo ilaw! 

" Hija! Gising ka naba? " At napabangon naman ako habang kinukusot kusot ang aking mga mata dahil masasabi ko. Ang hapdeeeeee!!!

" Ya naman bat binuksan mo yung ilaw ang sakit sa mata! " Kinukusot ko parin ang mga mata ko na maluha luha dahil sa biglaang pagpasok ng liwanag sa aking mga mata

" Sorry hija pero tatanung ko lang sana kung balak mong pumasok? " Bait ano ba meron? Gusto kong pumasok sadyang tamad lang ako kumilos ngayon

" huh? Bakit mo naman tinatanong Ya eh alam mo naman ang sagot " Tinitigan ko lang si Yaya ng blankong mukha dahil sa totoo lang di pa gising ang diwa ko.

" Ang lakas ng ulan sa labas hija. Baka suspended klase niyo " Agad naman akong napabangon at sumilip sa labas. At oo tama nga si Yaya ang lakas ng ulan sa labas. Bakit may bagyo ba? Parang kahapon ang ayos ayos naman ng panahon ah?

" Ayy oo nga po Ya. Teka buksan ko TV " Agad ko naman binuksan ang tv at bumalik sa kama at si Yaya naman ay nanatiling nakaupo sa may dulo ng kama.

" Kasalukuyan pong nanalasa ang Bagyong Igme sa bansa. Nakataas po ang iba't ibang storm signal sa iba't ibang parte ng Luzon "

Eh? May bagyo pala? Grabe naman parang kahapon eh ayos palang ang panahon. Talagang di mo rin nga naman maintindihan ang mood ng weather kung minsan

" Wala pong pasok sa lahat ng lebel sa buong Metro Manila " 

YES NAMAN! Walang pasok kaya ngayon makakabalik ako sa pagtulog ko. 

" Oh yun naman pala hija la kayo pasok. Sige na tulog kana ulit. " Papalabas na sana si Yaya ng biglang pumasok sa kwarto sina Mommy at Daddy

" Princess balita ko may bagyo. Wag ka na munang pumasok ke may pasok oh wala kasi- "

" Mommy Daddy, Wala po kami pasok kaya po hindi po ako aalis ng bahay. Besides, gusto ko rin po matulog "

" Osige tulog kana princess anjan pala si Yaya "

" Oo Judy chineck ko kasi si Hayley eh malakas ulan baka maligo pa eh nako sayang lang " 

" Salamat po Ya, hmm sige na po balik na po kayo salabas kung sa ano mang ginagawa niyo matutulog pa po ako . " 

" Sige anak matulog ka ng mabuti jan. Makapagpahinga ka. "

" Sige po " Lumabas na sina Mommy Daddy at Yaya sa kwarto ko at ako naman balik sa kama 

Nagkumot na ako at handa na akong matulog ulit. Sakto malamig na nga dahil sa aircon yung lamig sa labas nakakadagdag pa sa sarap ng tulog kaya masaya. 

Wrong Move [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon