Eight ❤ : Surprise

568 14 19
                                    

Bigla akong napabangon at nakita ang orasan at laking gulat ko na alas siyete na ng umaga kaya naman kinabahan ako dahil malalate ako or shoud I say.. LATE NA AKO!

Di ko na alam ang gagawin ko ng bigla akong napatingin sa may orasan ko at nakita ko kung anong petsa ngayon 

August 2, 2012 - Saturday

Gusto kong sapakin ang sarili ko nung makita ko na Sabado pala ngayon. Siguro sa dami ng nangyare kahapon ay nakalimutan ko na Biyernes kahapon at sabado ngayon kaya ok lang na late akong magising.

Binalak ko na bumalik sa aking kama upang matulog ng mapansinko ang mga arrows na nakadikit sa may floor ng kwarto ko. Sino naman kaya nagdikit nito? Si Yaya? Ano naman klaseng pakulo niya at gagawin niya ito?

Nakita ko ang isang note na nakadikit sa may kwarto ko.

" We don't want our princess to be sad. Come follow the arrows and let me change that frown into a BIG HUGE SMILE "

Kinuha ko ang nakadikit na note sa may pintuan ko. Ano nanamang pakulo nalalamn ni Yaya at may nalalaman pa siyang ganito. Agad ko namang binuksan ang pinto at kalabas ko ay nakakita nanaman ako ng arrows at sign na saying to follow yung direction na pupuntahan ng arrow.

Habang naglalakad ako ay may pinupulot akong sticky notes na nakadikit sa may floor

" Smile now princess "

" Sorry for making you sad. We didn't mean it "

" I hope we could make you smile again "

Ano ba yan! Wala naman ginagawa si Yaya ah? Teka Bakit WE? Kasama si Manong Jules? Ano bang meron wala naman silang ginagawa sakin ah para maging malungkot ako at ano pa itong pakulo na ginawa nila.

Nagpatuloy lang akong naglakad at sinusundan mga arrows. Hanggang nakarating ako sa garden ng bahay at huminto sa malaking puno.

" Don't move a feet princess. Let us come to you " 

Ano ba yan! Ano gagawin ko dito tititigan puno hanggang mamaya? 

Nanatili akong nakatitig sa puno at di nagtagal may tumakip sa mata ko. At kinapa ko naman sino ito at feel ko ito si Yaya.

" ya naman kung ano itong pakulo niyong ito itigil niyo na kasi wala naman kayong-- " 

Naputol ang sasabihin ko ng biglang tanggalin ni Yaya ang bandanang tinakip niya sa mata ko.

" SURPRISE PRINCESS!!! " 

Linibot ko ang paningin ko at ang daming balloons at and daming food na nakahanda. Andun din ang favorite flowers ko na nasa lamesa. Di ko man lang agad napansin lahat ng ito. Tuwang tuwa ako sa nakikita ko. Sobrang tuwa ko hindi lang dahil s amga nakapalibot na bagay na nakikita ko dito sa garden

Dahil ang sumorpresa sakin ay sina Mommy at Daddy.

Hindi mapigilang tumulo ng luha ko sa saya. Di ko alam ano mararamdaman ko. Bute ginawa nila lahat ng ito.

" Mommy Daddy! " Napatakbo ako sakanila at yinakap sila ng mahigpit

" We're sorry princess kung lagi kaming wala sa tabi mo. " - Mommy

" Lagi ka naming napapabayaan na sa sobrang busy ng trabaho namin ay hindi na namin napapansin kung ano na nangyayar sayo. " - Daddy

" Pero lagi mong tatandaan anak na busy kami para sa ikabubuhay natin kaya ganun pero mali padin ginawa namin kahit sana busy kami eh sana natutukan ka namin sorry talaga anak nahayaan ka namin. " - Mommy

Naiiyak padin ako sa nangyayari dahil sa sobrang tuwa ko. 

Parang sa lahat ng ginawa nilang ito eh parang nawala ang disappointment ko sakanila or lets just say galit ko sakanila. Hindi naman ako galit na as in galit kundi konti lang dahil nahahyaan nila kao dahil sa trabaho nila. Oo intindi ko sila pero sana naglalaan sila ng oras para sakin.

" Anak sana kaya mong intindihin ang Mommy at Daddy mo ha? Pasensya na talaga. Pangako babawi kami sayo anak. Hindi na magiging katulad ng dati na lagi kami pokus sa trabaho. Kahit gaano pa kabusy eh gagawa kami ng paraan para makasama ka namin. "

Yinakap ko pa sila lalo ng mahigpit.

" Daddy, Mommy ayos lang. Salamat nageffort pa talaga kayo ng ganito. May pakulo pa kayong sticky notes eh simpleng sorry lang ninyo ok na. "

" Anak, alam naming malaki kasalanan namin sayo at di lang basta basta yun. Kung tutuusin kulang pa nga itong ginawa namin na- "

" Ayos lang mommy kahit sorry lang ayos na nga eh. Intindi ko naman po talaga sitwasyon niyo eh. Talaga pong nageffort pa kayo para dito. Salamat talaga Mommy Daddy :''D "

Yinakap ko sila ulit ng mahigpit at hinayaan ko lang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

" Salamat sa pagintindi mo samin anak. Lahat ng ito para naman sayo eh. Aish We love you anak. "

At yinakap nila ako ng mahigpit at nagiyakan kami. Di naming maiwasang di maging emosyonal dahil nga naman sa hindi lang basta basta nangyayari sa bahay namin. Mahirap nga naman na mawalan ng oras sainyo ang magulang niyo.

After naming malabas lahat ng nararamdaman namin sa isa't isa ay nagaya ng kumain sina Mommy at Daddy sa may hapagkainan na nakahanda sa may garden. At dun kami'y nagkwentuhan at nagtawanan.

Masasabi ko nga talagang namiss ko sila dahil napakatagal bago ulit nangyare yung ganito na magkakasama kaming nagsasalo salo dahil madalas lagi silang umaalis ng maaga para sa trabaho kaya hindi man lang kami nagkakaabutan at kung paguwi naman eh lagi silang super late umuuwi at pag gising maaganag umaalis.

At ngayon nakakasalo ko na sila ulit at nakakausap ko pa sila kaya masaya ako.

After naming kumain ay agad akong pinagbihis nila Mommy at Daddy dahil lalabas daw kami.

" Mommy Daddy wala ba kayong work ngayon? Bute po lalabas tayo? "

" Nagabsent kami ngayon anak. Para sayo itong araw na ito. "

At yinakap ko sila

" Maraming salamat po Mommy .. Daddy "

" Walang anuman our princess " At hinalikan nila ako sa may noo.

After nun ay agad akong naligo nagayos at nagbihis. Saktong pagkatapos ko ay ready to go na kami nila mommy at daddy.

Pumunta kami sa iba't ibang park at sa Mall din para mamili ng mga damit. At di padun tapos ang araw namin dahil nanuod din kami ng movie at after nun nagpapicture sa isang studio.

Umaapaw sa saya ang araw ko ngayon dahil nakasama ko parents ko. I was longing for this for a long time and finally it's happening.

Sana magtuloy tuloy pa ito at hindi lang ngayon mangyari.

Wrong Move [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon