Seventeen ♫ : We'll Sing

494 13 4
                                    

" Bes, game na? "

" Oo sige. Wag mo masyadong ipush baka masakit di ko kakayanin "

" Oo Bes oh ito na ah? " Dahan dahan ng pinush ni Christian

" Uyy masakit! Bes!!! Di ko carry! "

" Kaya yan! Ipupush ko pa ah? Kayanin mo sakit "

" Masakit! Aray ko Bes sagad na hindi ko na kaya Ahh! Masakit! "

" Aish teka nga wala na bang mas larger size? "

Andito kami ngayon sa may shoe store at namimili kami ng heels. Kasi kailangan daw ng heels. Ito naman si Christian eh pinipilit isuot sa paa ko iting sapatos eh halatang di ko naman kasya -___-

" Pinipilit pa kasing ipasok di na nga kasya diba? " Sabay ko siyang inirapan siya

" Maganda kasi itong shoes Bes, maganda kasi sa cocktail dress na isusuot mo. " 

" Oh yun nga maganda naman kaso di ko naman kasya sasakit lang paa ko. "

" Aish teka nga papahanap ako ng larger size "

Inabot ni Christian sa may sales lady yung shoes at ngayon tumabi muna sakin si Christian habang naghihintay

" Bes may talent ka naba? " Napatingin naman ako kay Christian

" hmm oo eh " 

" Ano naman? "

" Sasayaw? Haha sana kayanin ko " 

Kung tutuusin kasi di naman ako palasayaw, di rin naman ako palakanta. Sakto lang kumbaga. Nahihiya din ako humarap sa harap ng madaming tao eh 

" Ikaw pa? Kaya mo yan! " 

" Eh ikaw ba Bes ano talent mo? "

" Hmm kakanta lang ako pero Bes siya nga pala ano pala iprerpesent natin as partners. meron pa daw kasing performance per partner eh " 

May ganun pa ba talaga? Akala ko naman wala. Ano naman kaya? Wala kaong kaalam alam.

" Hmm no ideas ako Bes. Ngayon ko lang nalaman na may ganun. Ano sa tingin mo pwede nating gawin? " 

Sa totoo lang naiinis ako dahil may ganun pa! Grabe double pactice wala man lang silang intindi samin? Hirap kaya ng ganun na double practice!

" Kung kumanta nalang kaya tayo? " 

" ano naman kakantahin natin Bes? "

" Sir ito na po yung sunod na size . " Dumating bigla yung sales lady na may dalang box at yun na nga yung shoes. Ngumiti naman si Christian dahil may size pa na susunod ang shoes.

" Great! Thanks Ms! " 

Sinuot sakin ni Christian yung sapatos at kasayang kasya ko kaya naman.

" Yan Bes! Kasya tayo ka nga. " Tumayo naman ako at sinubukang linakad ang sapatos. At masasabi kong komportable rin ako sa sapatos na napili ni Christian kaya naman payag akong ito bibilhin namin

" Sir kukunin po ba ninyo yung shoes? " 

" Oo! Kukunin namin. "

" Sige po Ma'am pakihubad na po yung sapatos at ibibigay ko na po sa counter. " Agad ko naman hinubad ang sapatos at si Christian ay dumiretso na sa counter naiwan ako kasama yung sales lady

" Alam niyo Ma'am napakaswerte niyo sa boyfriend niyo "

" Huh? "

" Ang sweet niya po kasi sainyo tsaka napakasupportive sana po makahanap ako ng ganyan " 

" Ayy Ms! Nagkakamali ka. Bestfriend ko lang siya hindi ko siya boyfriend may kaMU na ako eh " 

" Sigurado po kayo Ma'am? Akala ko po kayo kasi bagay po kayo. Sayang naman may kaMU na kayo Ma'am pero sana someday eh maging kayo din " Nginitian ko na lamang yung sales lady at pumunta na sa counter kung nasan si Christian

" Making friends with a sales lady Bes? "

" I guess " 

" That would be Php 1,485.00 sir "

" Here " 

Agad namang binayaran ni Christian ang shoes.

Pagkatapos nun ay agad kaming dumiretso sa school dahil kailangan din naming magpractice.

Agad na kaming nagpractice sa kanya kanya naming talents at after nun ay prinactice ko na ring ilakad yung heels

" There! Perfect! Ang galing mong maglakad gamit ang heels bakla! "

" Never knew na kaya mo mga ganyang shoes " 

Andito ako ngayon sa room at prinapractice ang heels na nabili namin ni Christian. Kasama ko ngayon sina Andrea sa pagprapractice

" uyy di naman ehe " Hinubad ko na ang sapatos na suot ko para naman makapagpahinga. 

" Oo kaya! Duh! haha sooo musta nageenjoy ka naman na ba? " 

" Hmm siguro oo? ewan a part of me hindi pa din eh " 

Linabas ko ang cellphone ko at agad kong nakitang may message si Kyle sakin. 

From: Kyleee <3

Hi Haye enjoy your day po ingat 

Hindi ko alam bat this past few days nagiging dry sakin si Kyle. Hmm may problema ba? Bakit parang biglaan naman siyang dry eh parang minsan ang say saya pa lang naming magtext. Atsaka hindi niya ako tinatawag sa tawag niya sakin na nakapagpafeel sakin ng disappointment.

" Haye ayos ka lang ba? " Tanong sakin ni Patricia 

" Mukha kang nawalan ng kaluluwa anyare? " - Andrea

" Kay Kyle ba? " - Abigail

" Ahh wala. Sige na girls meryenda muna tayo " 

" Sigurado ka ah? "

" Oo pagod lang ako tara na kain na tayo. "

Dinaan ko nalang sa kain ang nararamdaman ko. Bakit ganun parang nanlalamig ang lahat? Sana naman hindi mangyari yung sinabi sakin ni Christian dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nangyari yun

**

Pauwi na ako dahil pagod narin ako sa practice. Kailangan ko magpahinga dahil baka wala na akong energy. Lalo na sumabay din yung nangyayare samin ngayon ni Kyle na di ko lubusang maintindihan kung bakit nalamang siya naging cold sakin. Haiyy. Tinext ko si Manong Jules upang magpasundo. Dahil gusto ko mahiga sa likuran ng kotse dahil di ko naman pwedeng gawin yun pag nagtaxi ako. Kaya ngayon naman eh nasa may gate na ako ng school at hinihintay na dumating si Manong Jules 

" Bes! " Napalingon naman ako ng may tumawag sakin at si Christian yung tumatawag sakin dahil siya lang naman nagtumatawag sakin ng ganun

" Bakit Bes? May problema ba? "

" wala naman Bes! Hmm maya daan ako sainyo " 

" Oh bakit naman? "

" Practice tayo may naisip na akong talent natin "

" Ano naman naisip mong talent natin Bes? "

" kakanta tayo "

Wrong Move [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon