Thirty-one ✍ : Review Day

403 14 0
                                    

Lumipas ang mga araw pagkatapos ng birthday ko ay wala padin makaget over dahil sa surprise na ginawa at plinano ni Christian. Well sino nga ba hindi makakalimot? Halos nga ako mabaliw noong araw na yun sa mga nangyari.

Katulad nga ng sabi ko, lumipas na ang mga araw at ngayon ay 3rd Quarter Exam na namin. Maglalastweek na kasi ng October at malapit na ang so called SemBreak ng mga high school students na di tulad sa mga college students na mahigit kumulang na isang buwan eh samin naman isang linggo.

Andito kami ngayon sa bahay, sa may study room at kanya kanyang dala ng mga gamit pangreview para sa darating na eksaminasyon sa lunes at pagkatapos nun ay bakasyon na. 3 araw lang naman ang exam namin kaya ayos nadin yun at halfday pa kami bawat araw.

" hanggang ngayon talaga di parin ako makapagmove on nun sa birthday ni Hayley " Ika naman ni Andrea habang hawak hawak ang librong binabasa sa Physics na nakahiga sa kama.

" Oo nga noh? Haba ng hair ni ateng! " - Patricia

" Si Christian lahat pasimuno ng lahat pero feyrness ang ganda ng surprise lalo na yung pumunta talaga si Hayley na naaksidente kuno si Christian. haha hirap humagilap ng medyo matanda na lalaki para magsalita sa phone! Hahaha " - Abigail

" Pero atleast agad napatakbo si Haye. Yieee concerned si Ateng!!! " - Patricia

" YIEEEEEE " - Andrea and Abigail

Nananatili lang na nagbabasa si Christian na nagbabasa at hindi pinapansin ang tatlo. Ako naman etong napapailing nalang dahil alam ko kung san nanaman nila gustong patunguhin ang kwento. Nagpatuloy lang akong binabasa ang librong hawak ko at ang notebook ko para hindi gaanong malito. Minsan kasi mga teachers mas pinapadali ang terms kaya mas maganda yung lecture minsan ang iureview hindi yung mismong asa book.

" Aray ko! " Napahawak naman ako sa ulo ko dahil binato ako ng unan ni Andrea. Oo unan lang pero medyo matigas na unan kasi binato kaya masakit.

" Kunware pa kayong dedma diyan ni Christian! Sus! If we only know na kinikilig lang kayo jan deep inside! " - Andrea

" Umamin na kasi na kinikilig kayo aarte ng mga tuh! " - Abigail

" Pramis! Peksman di namin pagkakalat na kinikilig kayo sa isa't isa " - Abigail

Nagtinginan kaming dalawa ni Christian at ngumiti sabay iling. Mabuti at nagkakaintindihan kami ng dalawang ito sa anong gusto ipamukha ng mga 3 baliw sa amin. Eh hindi nga pwede hanggat friends lang kami pero sila todo pilit padin.

" HOYYY!!! " 

Binato nanaman kami ni ANdrea pero this time hindi unan kundi notebook naman.

" Bahala ka hindi ko na sososli toh. Bleh! " Pangasar ko naman dito at tinaasan lang ako ng kilay ng bruha. Haiy ano ba kasing kailangan ng mga ito para tumigil?

Wrong Move [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon