Fifteen ♕ : Mr. and Ms. Intrams ????

524 14 4
                                    

Thursday na ng makapasok kami ulit sa skwelahan dahil sa bagyo. Haiy namiss ko din ang school pero at the same time ayos lang naman kasi katext ko naman si Kyle magdamag ng nakaraang dalawang araw.

" Bes! Mukha mo! " 

Kasabay ko ngayong papasok sa school si Christian. Napagdesisyunan namin na magsabay palagi tutal naman magkasubdivision naman kami.

" Oh napano? May dumi ba? "

" Hindi! Sobra sagad na kasi yang ngiti mo abot tenga baka mapunit yang mukha mo ha? " 

" Talaga naman tung si Bes oh! " Sinuntok ko siya sa may balikat. Light lang naman kaya hindi masakit.

" Si Kyle nanaman nuh? "

" Sino pa ba Besh? " 

" Basta ah? Pag linoko ka niyan lagot yan sakin. "

" Wag kang magalala Bes! Hindi mangyayari yun! "

" Sana nga kundi lintik yung gagong yun "

Nakarating na din kami sa may entrance ng subdivision at dun nagabang ng taxi. Mas gusto kasi naming nagcocommute kesa naman sa hatid sundo kami ng mga family divers namin. Atsaka para magspend time together nadin kami kahit papano para mapunan mga panahon na hindi kami nagkasama.

" Bes sakay na " Agad nakapara si Christian ng taxi at agad niya naman akong pinasakay at agad siyang sumond sa loob pagkasakay ko.

" Manong sa St. Therese Catholic School po " 

Agad naman umandar ang taxi papuntang school. Hindi kami nagkibuan sa taxi dahil kanya kanya kami ng ginagawa. Ako katext ko si Kyle at siya naman nakikinig ng music sa kanyang iPod. Hindi namin namalayan na nakarating na kami sa skwelahan.

Agad naman kaming pumasok sa school. Lahat ng studyante eh nakatingin samin. Lalo na sakin. Siyempre gulat din sila dahil bat agad kaming close ni Christian eh kakatransfer palang naman niya? Pero bakit ba? Bestfriend ko kaya ito.

" Wow ah? Kelangang sabay Talaga kayo? " - Andrea

" Talagang sinundo mo siya Tian ah? A+ for effort " - Abigail

" Haba ng hair mo teh! " - Patricia

Nagtinginan kami ni Christian at nagpakawala ng isang tawa. Oo nga pala, hindi pa alam ng mga girls na magkasubdivision kami kaya ganito sila makapagreact.

" Girls, magkasubdivision kami ni Hayley " Nanlaki naman ang mga mata ng mga ito. Jusme! Parang napakabig deal naman nung sinabi ni Christian

" WHAT?! DI NAMIN ALAM!! DI NIYO NAMAN SINASABI!!! " - Andrea

" KAYO AH!!! SO LAGI NA NIYAN KAYONG SABAY? " - Patricia

" WOW!!! " - Abigail

" Oo para tipid nadin. Di naman kami exact magkapitbahay eh. Iba street namin sa street nila "

" Ahh! Sus siya nadin yun! " - Andrea

" Oo nga atleast magkaparehas kayo ng subdi! " - Abigail

" So ngayon Haye may kasabay ka na palagi ayos ka na ba dun? " - Patricia

" Oo nga eh may kasabay na ako at may kapitbahay nadin ako sa barkada "

" Yea right! " - Patricia

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

" Guys pasok na daw po tayo agad sa loob ng classroom dahil maaga daw na darating si Ma'am " Sigaw naman ng aming Presidente kaya naman agad kaming pumasok sa loob ng classroom

Wrong Move [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon