Chapter III

22 4 0
                                    

CHAPTER 3:

Nakatingin lamang ako sa screen kung saan makikita ang duguan at wala ng malay na babae.

Kanina pa rin nakakuyom ang aking kamao, pakiramdam ko ay nasusugatan na ng kuko ko ang aking palad dahil sa lakas ng pagkakadiin ko dahil sa galit.

Nanatili akong walang reaksyon.

"Hindi mo na siya maililigtas." agad na basag niya sa pananahimik ko alam niya kung ano ang namumuong galit sa akin. "Ang misyon mo ay alamin, at kilalanin kung sino ang nasa likod nito at ano ang dahilan kung bakit pinahirapan at pinatay ang babaeng iyan." ma-awtoridad na paliwanag ng supreme commander sa akin na agad ko rin namang tinalikuran, at kinuha ang mapa na nasa lamesa.

"Andrina." tawag niya sa aking pangalan. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating ako ng pintuan.

"She's not your mother, matagal ng wala ang iyong ina, focus to your mission huwag mong pairalin ang galit sa dibdib mo."

Bago pa man ako makalabas ay napahinto ako, gusto kong magalit, pero tama siya. Sandali akong pumikit at bumuga ng mahinang hangin, agad ko namang naikalma ang sarili at tuluyan ng lumabas ng hindi siya nililingon.
















Nagtungo ako sa kwarto ko at agad na nagpalit ng damit. Nagpolo lamang ako na puti, na sinapawan ko ng leather jacket at fitted na black leather pants, nagsuot ng shades at relo, bago ako lumabas ay isiniksik ko ang dalawang 45 calibre ko sa loob ng jacket ko, nagsapatos at umalis.

Pagkalabas ko ng building ay agad kong hinanap ang motor ko, agad naman tumambad sa akin si Vrint. Nakaupo siya sa motor niya sa tabi ng motor ko.

"Hey stone girl." Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa motor ko at sinakyan yun. "Ang sabi ni supreme commander sasamahan raw kita." patuloy na salita nito, hanggang sa wala pa rin siyang sagot o sulyap na nakuha galing sa akin.

At pinaandar ko na nga ang motor at iniwan siya, pero agad rin naman siyang nakasunod mas pinabilis ko ang motor, hanggang sa makarating sa abandonadong lote, kung saan nakatayo ang marupok na at mukhang bibigay ng gusali.

Tumayo ako sa motor at hinubad ang helmet, agad na may lumapit sa aming matandang lalaki may kaliitan ito, gusgusin ang damit at may dala-dalang sako na puro lata ang laman, humahangos ito at ramdam ko ang takot at kaba nito habang papalapit sa amin.

"Ma'am isa h-ho ba k-kayong pulis?" nauutal nitong tanong, na mukhang dahil sa kabang nararamdaman. "m-may p-patay ho doon, halikayo n-nandodoon ho." agad na lakad niya sa direksyon kung saan ang tinuturo niya.

Nanatili lamang kaming tahimik ni Vrint at naging alerto sa paligid. Sinundan ko ang direksyon kung saan patungo ang lalaki

~~~~~~~

SORRY FOR THE LATE UPDATE.

Andrina Von - THE SEEKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon