Chapter I

37 5 0
                                    

CHAPTER 1 : ANG BANGUNGOT NG NAKARAAN

Masaya akong kinakantahan ng aking ina ng paborito kong kanta. Hinahaplos haplos pa nito ang aking buhok, habang hinihintay naming umuwi ang aking ama.

"Inay anong oras uuwi si Itay?" biglang singit ko sa kumakanta kong ina. Napahinto sa pagkanta ang aking ina at tumingin sa akin.

"Anak maya-maya lang ay andito na ang iyong ama, sigurado akong maraming pasalubong ito sayo."

"Talaga po? Yehey!" masayang tugon ko. "Sana po ay makauwi na siya isang linggo na rin po kasi nung huli siyang umuwi, miss ko na ho si Itay." agad naman akong nalungkot ng maalalang ang tagal pa noong huling araw na umuwi ito galing sa kanyang trabaho. Isang pulis ang aking ama, kaya't madalang lang itong umuwi minsan kung umuwi pa ito ay hindi rin siya nagtatagal at aalis na naman.

Isang telepono ang tumunog kaya't bumangon ang aking ina sa aking tabi at agad na sinagot ang tawag.

Agad akong napaupo sa kama at malawak ang ngiting nakatitig sa aking ina habang sinasagot niya ang tawag.

Ilang sandali lang nakita kong nagbago ang hilatsya ng mukha ng aking ina at tumalikod ito sa akin, maya maya pa ay gad njyang ibinaba ang telepono at nilapitan ako.

Nakangiti ito ngunit ramdam kong may masama itong pakiramdam. Kaya't unti unti ring nawala ang malapad kong ngiti na napalitan ng pagkunot ng noo.

"Inay may problema ho ba? Si itay na po ba ang tumawag? ano pong sabi? Hindi ba siya makakauwi?" sunod sunod na tanong ko habang nakabusangot. Dahil pakiramdam koy hindi na naman makakauwi ang itay.

Ngunit kita ko pa rin ang pangamba sa mata ng aking ina at ramdam ko na rin na hindi ito mapakali, ngunit pinanatili lamang niyang kalmado sa harapan ko.

"Anak, gusto kong maglaro tayo." pangungumbinsi ng aking ina, na ikinakunot uli ng aking noo.

"pero gabi na po inay." pagtataka ko.

"Anak, gusto kong magtago ka sa ilalim ng kama mo, hangga't hindi dumarating ang iyong itay wag na wag kang lalabas maliwanag?" nakangiting utos sa akin ni Inay habang haplos haplos ang aking buhok at mukha. Agad niya akong niyakap at hinalikan ng mariin sa pisngi at sa aking noo.

"Inay saan po kayo pupunta?" tanong ko ngunit agad niya na akong pinatago sa ilalim ng kama.

"May pupuntahan lang si inay, babalik din ako agad, huwag kang magiingay anak at huwag na huwag kang lalabas, kapag may nakita kang ibang tao dito sa bahay huwag na 'wag kang magpapakita sa kanila, okay?" Pakiusap ng aking ina, habang nakangiti ito at saka muling dumampi sa aking mukha ang kanyang huling mariing halik at saka umalis na.

Natatakot ako ng mga oras na iyon, at biglang isang kalabog sa aming pinto ang aking narinig, gusto kong lumabas non pero naalala ko ang sabi ng aking ina, sinunod ko ito hinintay ko ang aking ama na dumating.

Ngunit sunod sunod na putok naman ng baril ang aking narinig. Doon ay sobra akong natakot at napaiyak, tinakpan ko gamit ang aking kamay ang aking mga tainga.

Isang boses ng hindi ko kilalang lalaki ang sumigaw sa gitna ng putukan.

"Arina!" sigaw ng lalaki sa pangalan ng aking ina.

"Huwag ka ng pumalag Arina, sumama ka na lang samin kung gusto mo pang mabuhay ang asawa mong si Rico, nagiisa ka lang wala kang kakampi ngayon at matagal ka na ring tumiwalag sa grupo, wala ka ng laban kumpara sa amin."

Isa na namang putok ng baril ngunit kasabay nito ang boses ng aking ina.

"Bitawan mo ko.." pagpupumiglas nito.

"Pinaaanyayahan ka lang ni bossing dahil meron ka raw atraso sa kanya na hindi mo binabalik."

Kitang kita ko sa ilalim ng kama kung paano magpumiglas ang aking ina ngunit pinagbubugbog lamang siya ng mga armadong lalaki. Tinakpan ko ang aking bibig ng aking mga kamay, pinipigilan huwag magingay.

Naaawa ako sa kalagayan ng aking ina, hinihiling ko na sana bumalik na ang aking ama upang iligtas si ina.

Nagsusuka na ng dugo ang aking ina dahil sa mga natamo nitong sipa at suntok sa likod at sa tiyan, halos di na makagalaw napahiga ang aking ina at napatitig sa aking direksyon na parang sinasabi sa akin na huwag akong mag-alala.

Gusto kong lumabas at yakapin ang aking ina ngunit takot na takot akong lumabas na baka ako'y mahuli at hindi ko maisumbong sa aking itay ang lahat ng nangyari, tandang tanda ko pa ang kanilang mga mukha, pulis ang aking ama kaya't maaari niya itong mahanap.

Binuhat na ng isang lalaki ang aking ama at sabay-sabay ng umalis ng bahay  kasama ang aking ina, ng makalayo na ang mga ito, doon na ako nagsimulang humagulgol ng iyak, nanghina at natrauma ako sa pangyayaring iyon.





















Dumating ang ilang oras ay dumating na ang aking ama.

"Mahal? Nakauwi na ako, anak ko nasan kayo?"

Nagising ako sa pagkakatulog, nasa ilalim pa rin ako ng kama, nadinig ko ang boses ng aking ama.

"Mahal? Anak? Asan kayo nandito na si tatay."

Hindi ako makagalaw sa posisyon ko nanghihina pa rin ang buong katawan ko.

Nakatulog akong kakaiyak at nagising na pagod na pagod.

"Itay.." maliit at mahina ang boses ko na tinawag ang aking ama. Sa pangatlong tawag ko ay doon niya lamang ako narinig.

"Anak?" kabadong tawag nito sa akin nakita niya na ang magulong bahay puno ng mga kalat ng basyo ng bala at dugo sa sahig. "Anak? Nasaan ka? Mahal?" muling tawag niya sa amin ng aking ina.

"Itay.." tawag kong muli at humagulgol ulit ng maalala ang nangyari. Dahil sa iyak ko ay natagpuan na ako ng aking ama sa ilalim ng kama, agad niya akong kinuha at binuhat.

Pawis na pawis ito at kabang kaba. "Anak? Anong nangyari? Nasaan ang iyong ina?" tanging iyak lang ang naging sagot ko at doo'y niyakap ako ng aking ama.

"Itay.. si Inay.."

"si Inay iligtas mo siya..."

Buhat buhat ako ng aking ama ng mga oras na iyon ng bigla siyang saksakin sa leeg at doo'y natumba, hawak niya ang aking ulo bago ako bumagsak sa sahig ay naalalayan niya pa na huwag akong mabagok bago siya bawian ng buhay.

Doon ay tuluyan na akong nawalan ng malay sa sobrang takot at pagkabigla sa mga pangyayaring naganap.

Bago pa manlabo ang aking mga mata naramdaman kong may bumuhat sa akin at doo'y nawalan na ako ng malay.

***

Fb: @Chichilin Wp
Twitter: @AteChil

Thank you for reading this chapter..
See you to my next updates....

Andrina Von - THE SEEKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon