Chapter VIII

12 2 0
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali sa isang tabi, hindi tulad ng kahapon na sabik na sabik sa magaganap ngayong gabi. Hindi na nga ako makapaghintay sa gabing ito.

Ngunit ngayon ay para akong robot na panay ikot, halungkat dito, punta doon, himas sa sintido, balik upo, lakad at halos magkandahilo-hilo na ako sa paulit-ulit kong ginagawa.

Naghahanap ako ng maisusuot na formal dress para sa party na pupuntahan. Hindi ko naman alam na kailangan ko palang magbitbit ng dress o anuman, kaya naman kahit anong halungkat ko dito ay puros itim na mga suit at mga malalaking t-shirt, kung hindi ganon ay pantalon at mga sweater jackets. Wala man ni isang palda o sleeveless ang nandidito. Eh paano ba naman ako magkakaroon nun, e kahit bumalik ako't maghalungkat sa bahay o kaya sa kampo ay wala ako nun at hinding hindi ako magkakaroon nun.

"So.. You're going to attend on the all girls party tonight huh." Biglang bungad sa bintana ni Vrint na presentableng nakaupo at nakadekwatro sa railings ng bintana.

Inaasahan ko talagang darating siya, tuwing ganitong oras kaya't iniwan kong bukas ang bintana para sa kanya, saka kailangan ko rin ng tulong niya ngayon.

"Of course I go." Walang gana at pagod ang boses na sabi ko sabay buntong hininga.

Naramdaman kong bumaba na siya sa railings ng bintana at tuluyan na ngang pumasok at walang pasabing dumiretso't humiga sa kama ko.

"Can I sleep here?" Tanong nito na nauna pa ang paghiga't pikit ng mata bago ang permiso ko.

"No." Mabilis pa sa pagong na sagot ko, agad itong napabangon at ramdam ko ang titig nito sa likuran ko.

"So then.. Can I go with you?" Tiningnan ko ito, kung nagbibiro ba ito ngunit seryoso ito at walang bahid ng pangiinis.

He knows that it's for all girls party only, he heard it all out, he's with us when the girls talk about the party lately when we're having lunch, so that's why I wonder why he want to come along too.

"It's no Vrint just help me find a clothes to wear that will suit in this party." Pang-iiba ko at saka turo sa mga damit na nakalatag sa sahig.

"They're not for party. Well if it's only a sports or cosplay costume themed party you can dressed any of that." Suhestiyon nito. Kahit na mainis ako ay wala naman akong ibang magagawa dahil totoo nga naman talga ang sinasabi niya.

Natahimik ako at nagiisip pa rin habang nakatitig sa mga damit na nakakalat sa sahig. Napaangat ako ng ulo ng pinagdadampot yun ni Vrint.

"Seriously Andrina? Don't you have anything like girly things to show of here?..." Matapos niya yung sabihin ay tapos na rin niyang pagdadamputin ang mga damit kong nakakalat at muling maayos na inibalik sa closet at humarap sa akin. "Don't forget you're a girl not a boy so sometimes you must act like a way a girl does, stop on being boyish, just be yourself.. I missed it.. the real you."

Pansamantala akong hindi agad nakahinga sa mga sinabi niya, lalo na ang mga huling sinabi nito. Nagtitigan kami ng ilang sandali at natural lang ang mukha nito at walang ibig na ipahiwatig. Ngumiti siya bago umalis sa harapan ko at may kung anong sinusungkit sa gilid ng bintana, matapos na may makuha ito ay humarap na ito at naglakad muli palapit sa akin bitbit ang isang paper bag na malaki ng kaunti.

"What have you bring up there?" Hindi ko napigilang usisa sa hawak nito.

"It's for you." He just says.

"For me? And what makes you gave it to me..what is it?" Naguguluhang mga tanong ko sa kanya.

"Just see it yourself, babe that's a gift from me and it's for you, since I didn't make it to give you when this happened so early, you haven't been able to celebrate your birthday—it's a birthday present and mukhang tama lang rin na ngayon ko na naibigay tutal magagamit mo."

Andrina Von - THE SEEKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon