Chapter VII

15 4 0
                                    


Lunch time na at kailangan ko ulit gumawa ng paraan para dumikit muli kay Sallena, gustong-gusto ko mang lagyan ito ng recorder device ng hindi niya na hahalata ay hindi pwede, dahil siguradong maingat rin ang sino mang pumoprotekta sa kanya. Ayoko namang masira lahat, umpisa pa lang ito kaya naman dapat kong busisihing mabuti, pagaralan at malaman muna kung ano ang tinatago ng babaeng ito, sa gano'y doon ako makakahanap ng tiyempo at makagawa ng mga plano.

Tulad nga ng sabi ko noon hindi ko dapat madaliin ang misyong ito dahil bago pa man ako pumasok rito ay planado na ng kalaban ang bawat galaw ko. Hindi lang ito basta-basta simpleng tao na kaya mong ipasok ng walang kahirap hirap sa selda, dahil malaking tao ang na sa likod nito.

Kanina kaya ako hinintay ni Sallena ay upang hindi ako masyadong paginitan ng propesor namin dahil late kami ng dalawang minuto sa klase nito, at base sa kwento niya ay mainipin at laging mainit ang ulo nito, ayaw na ayaw nitong makakita ng kahi na isang butil na kalat, ganun rin ang pag-iingay at lalong lalo na ang pagiging late sa klase nito. Sinamahan niya ako dahil may takot sa kanya ang kahit na sino mang teacher rito dahil mas nakakataas ang posisyong pinanghahawakan niya kaysa sa mga ito. Ang pagiging S.Q. niya o Shįvarrą Sayāádi's Queen nito ang dahilan kung bakit kinatatakutan siya ng ilan o di kaya'y halos lahat, iyon ang sa tingin ko.

Ngayon gusto kong malaman ang ibig sabihin ng kinauupuang posisyon nito at ano ang dahilan kung bakit siya ang nagmamay-ari nito, gayon din kay Vrint na dati ng naupo sa posisyong tulad nito.

--—–—--–—--

Nandito pa rin ako ngayon sa kinauupuan ko at panakanakang sulyap, at iwas sa katabi ko. Pinagdarasal na sana ay mapalingon na lang ito, kaysa ako pa ang bumwelo. Ang hirap pala talagang magkunwari. Lalo na pag hindi mo nakasanayan ang mga bagay na bago lang sa'yo.

Naiinis na rin ako sa suot kong uniporme na pakiramdam ko'y nakalimutan kong magsuot ng pambaba sa sobrang kaiklian nito.

Aktong puputulin ko na ang mga bumabagabag sa akin at handa ng harapin ang kanina ko pa dapat kinakausap na katabi ngunit may tatlong pumasok na babae at dire-diretso't walang pasabing lumapit kay Sallena.

Kung titingnan ang mga ito ay hindi rin papatalo at halos pumantay lang rin sa ganda ni Sallena, maging ang pananamit at galaw ay mukhang mga artistahin rin ang dating. Elegante at hindi mabahiran ng putik.

Sa tingin ko ay galing rin ito sa mayayamang pamilya tulad ni Sallena, pero kung titingnan silang apat mas angat ang kagandahan at ka-elegantehan ng babaeng na sa tabi ko na ngayo'y nagaayos na ng gamit.

"Sallena, shall we?" Maarteng tanong ng isang babaeng may mapupulang labi. Agad akong napakunwa'y may ginagawa upang mapakinggan ang pinaguusapan ng mga ito.

Kinuha ko ang ballpen at pinindot ang voice recorder button sa taas nito.

"Wait...where we going?"

"Oh girl, seriously..have you already forgotten of what you have planned today?" Sabi naman ng isang medyo light ang makeup. "We have an all girls party today in Zeyka's house and this lunch we have to settle it down now." Dagdag nito, at habang ako nanatiling matalas ang pandinig habang nakatutok sa papel na sinusulatan ko ng alphabet letters saktong natapos ko ito hanggang Z ng tumayo na si Sallena kaya naman dali dali kong nilukot iyon at itinabi ang gamit ng hindi nila napapansin.

Andrina Von - THE SEEKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon