Chapter X

12 3 0
                                    


Nakapasok kami sa loob, nagmukhang disco bar ang naturang mansion. Hindi na rin nagkakaintindihan ang ilan sa lakas ng musikang kulob na kulob dito sa loob. Naglagay na lang ako ng earpiece at pinasakan rin ang tenga ni Vrint upang sa ganon ay magkaintindihan kami at kung sakaling magkalayo at hindi mahagilap ang isa't isa.

Sa pintuan pa lang ay hiyawan na agad ang bumugad sa amin at ang pakikipagkamay at bati sa kasama kong ngawit na ngawit na ang panga. Sa tingin ko ay parang halos lahat ay kilala si Vrint dahil sa panay ang bati sa kanya ng kung sino mang madadaanan namin.

Dahil na rin siguro 'yon sa pagiging kilala niya bilang isang formerly king ng University na pinapasukan namin ngayon, naging matunog at palausapin rin ang biglaang pagbabalik niya dito at isa na rin ako sa usapin ng halos karamihan sa kababaihang may lihim na pagtingin kay Vrint, isa na sa pinaguuapan ay ang pagiging malapit ko dito at paano ko nakilala ito gayong bagong salta lamang ako sa paaralang dati ng pinamalagian ng kanilang sinisinta, lalo na rin iyong maya't mayang paglapit sa akin ni Vrint, mabilis akong kumuha ng lakas ng loob upang pansamantalang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Vrint habang linga't ito sa pakikipagkamay at kamustahan sa mga kakilala't tagahanga. 

Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang magandang maipaliwanag sa akin kung bakit. At wala pa rin siyang sinasabing dahilan kung bakit siya naparito't kasama ko sa misyong ito.

"Woaahhh..oh my god is that you Mia?!" Biglang bungad na tili ng isang napakagandang babae sa harapan ko, na nagmukhang prinsesa sa suot nitong plain white dress na hanggang tuhod na kumikinang sa dami ng maliliit na dyamanteng palamuti dito.

"Sallena." Tawag ko sa kanya ng makilala ito, umaliwalas ang paningin ko ng makita ko na ang pakay ko, na kanina ko pa hinahanap sa dami ng tao rito, mabuti na lang at siya na ang nakakita sa akin.

Hinila niya kami sa isang side ng mansion kung saan hindi masyadong rinig ang ugong ng musika. May iilang mga nandidito rin at nag-uusap at nagiinuman. Mayroong soft music kung saan meron ring mga sumasayaw na magkasintahan. Pinaupo kami ni Sallena sa isang bakanteng table. May limang upuan kaya't sa tingin ko'y hindi lang naman kami ang makakaupo dito.

"Mia you look so good, and beautiful, you have this well physical body curves I really wished to have too, well, of course, I'm working on it. You didn't tell me you have this style also." Nahihiya't asiwang ngumiti na lamang ako sa kanya dahil sa sunod sunod na wika't komento nito na hindi ko malaman kung paano ito sagutin.

"Uh..you said.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sagutin na niya agad.

"Oh yes, sorry I haven't informed you that I changed the theme of the party since I think it well more perfect if we add boys as well, and there you can also be with your boyfriend Vrint.." Lumipat ang mata niya kay Vrint at saka ngumiti sa akin ng may ibang kahulugan, habang si Vrint ay ngingiti-ngiti lang."..well we can make another one party and it would be just for girls, what do you think Mia?" Dagdag nito at agad akong napangiti muli ng pilit sa tanong niya.

"Of course, that would be great and this party is fun! don't worry about me." komento ko at pilit na bigyang buhay ang tono ng malamig kong boses.

"Uh I forgot to mention, Zeyka can't make it to go celebrate with us, she also has her family and relatives gatherings in their house that's why I changed the location and the venue here at our house, had I already explained it to you? because I just asked my assistant to tell you this via message." Sabi niya.

"Y-yeah but not the whole thing, still thank you for telling me." Sagot ko na lang ng may pilit muling ngiti.

"Okay, I call the other guys so it would be more fun." Iniwan niya na kami ni Vrint, at muli na naman akong nakaramdam ng pagkaasiwa ng maramdaman kong nakahawak na naman ulit sa kamay ko si Vrint.

Andrina Von - THE SEEKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon