Chapter II

34 4 0
                                    

CHAPTER 2: ANG PAGSAPIT NG APAT NA TAON

Nagising ako na akla ko'y panaginip lamang ang lahat ngunit ng ibaling ko sa apat na sulok ng kwarto ang aking paningin ay siya namang pagtataka ko.

Sobang liwanag, nasa loob ako ng malawak na kulay puting puti na kwarto tanging isang lamesa lang at kama ang nandidito, dumapo ang tingin ko sa aking mga kamay nakita ko ang dextrose na nakakabit pa sa akin. Sa harap ko ay may nakita akong salamin, halos hindi ko makilala ang repleksyon ng babae sa salamin.

Tinanggal ko ang dextrose at tumayo, naninibago ako dahil pakiramdam ko'y may kakaiba sa aking sarili, naglakad ako dahan dahan palapit sa salamin.

Tinitingnan ko ang aking mga paa bawat yapak ko at napahinto na ako ng nasa harapan ko na ang salamin, ang repleksyon ng babaeng nakatayo ay ako, hinawakan ko ang aking mukha at buong katawan.

Sobrang nakakapanibago ang aking katawan at istura sa isang apat na taong gulang na ako, tumangkad rin ako hanggang limang talampakan.

Agad akong napalingon ng may pumasok na babaeng blonde ang buhok maganda ito at nakasuot ito ng lab dress. Nakangiti ito sa akin na medyo nagulat pa.

"You're awake." masayang bungad niya sa akin at nilapitan ako at dinalang muli sa aking higaan at pinaupo.

Hinawakan niya ang aking kamay at nilagay na muli ang dextrose dito, at saka naman tinurok ang syringe na may kulay asul na likido, mahapdi ito pero natitiis ko naman.

"It's your medicine, so you can get well as soon as possible. Your dad is waiting for your recovery, he'll be here later to check on you." Hindi pa ako gaanong nakakaintindi ng lengwaheng ingles kaya naman hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya, ngunit isa lang ang naintindihan ko.

"Dad?" tanong ko, may halo itong pagtataka. Nanibago rin ako sa boses ko dahil may kalakihan na ito.

Bigla kong naalala ang nangyari sa mga magulang ko, at bigla na lang akong nag-panic at hinahanap ang aking mga magulang.

"Nasan si Inay? Nasan si Itay? Dalhin niyo ko sa kanila pakiusap." pagmamakaawa ko.

"Calm down, Andrina. I will call your dad to come here, don't worry okay? Just calm down." pagpapakalma nito sa akin, ngunit tanging isa lang ang naintindihan ko sa mga sinabi niya.

"Pasensya na ho, pero hindi ko po kayo maintindihan."

"I'm sorry, I said tatawagan ko ang iyong dad upang puntahan ka niya rito, just calm-I mean huminahon ka muna sandali, okay?" Hirap na pagtatagalog nito.

At dahil doon kumalma ako pero hindi pa rin maalis sa sarili ko ang takot at pangamba ang gusto ko lang ay makita ng ang mga magulang ko.

Sariwang sariwa pa sa aking isipan ang lahat ng pangyayari na pakiramdam ko'y kahapon lang nangyari ito.

Buhay pa ba talaga ang aking Itay?

Makikita ko ba siya?

Kasama niya ba si Inay?

Nangilid muli ang aking mga luha ng makita ang kaawa-awang dinanas ng aking ina, at kung paano bumagsak ang aking ama, pinatay siya, ngunit ano ang ibig niyang sabihin.

buhay ba ang aking ama? Kamusta ang aking ina?

Nasaan sila?

Habang naiyak ay nakita kong isa na namang syringe ang tinurok sa akin maya-maya pa ay naramdaman ko ang panghihina at pagbigat ng talukap ng aking mga mata.

Nakatulog ako at hanggang sa tulog kong diwa dala dala ko pa rin ang takot at sakit na nararamdaman, naaalala ko ang bawat sandaling kasama ko ang aking mga magulang.

Andrina Von - THE SEEKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon