Chapter XI

4 0 0
                                    


The Guy in a Mask

Andria.. Andrina..

Andria.. Andrina..

Andria.. Andrina..

Buong gabi akong ginugulo ng aking isipan. Hindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman sa tuwing iniisip ang mukha nito, ang bawat linya, at kurba ng kanyang mukha, para kong nakikita sa kanya ang batang ako.

...

Noon pang gabing iyon ay halos bangungutin si Andrina, puyat at lumalalim na ang nangingitim na ilalim na mga mata nito.

Masakit ang ulo na gumising siya ng alas kuwatro ng madaling araw, nagsuot ng sports bra na pinatungan ng jacket at leggings. Lumabas ng bahay na hindi pa rin mapalagay sa iniisip.

Nagsimula na siyang tumakbo iniisip na baka ay mabaling sa iba ang isipan at mawala ang kabang nangingibabaw sa kanyang dibdib.

Nakalahati na nito ang 500 meters na haba ng gilid ng academy, at nakahanda na siya sa panibagong 500 meters pabalik muli ng makita si Sallena, may kasama itong lalaki parehas na nakapang sportswear ang mga ito. Isang pares ng sports bra at maikling cycling short naman ang sa babae, kitang-kita ang ganda ng hubog ng katawan at ang kinis ng maputing balat nito, may mababakas ring malilit na muscles na halatang madalas rin mag ehersisyo.

Napansin niya ang katabi nitong nagjo-jogging rin kasabay ng babae, isang simpleng sando't jogger pants na hanggang ilalim ng tuhod. Batak na ang mga muscles ngunit katamtaman lamang ang laki ng katawan pero kung tutuusi'y pwede ng maging bouncer kung titingnan.

Masaya at may lambingang tumatakbo ang dalawa, alas sinco trenta na ng umaga at may kaunti na ring sinag ng araw, may kalayuan pa ang dalawa pero batid niyang papunta ang mga ito sa direksyon niya.

Agad siyang gumilid sa isang halamanan at siniksik ang katawan doon at ng makalampas na ang dalawang pinagtataguan ay maingat siyang lumabas, panakanakang sumusulyap sa dalawang magkasintahang walang malay na naglalambingan habang nage-ehersisyo, nagiisip siya kung anong maaaring mapapala niya kung susundan ang dalawa ngunit natigilan siya sa napansin at napatitig habang inaaninag ng mga mata muli kung tama ba ang nakikita niya.

Agad napataas ang sulok ng mga labi at napapatanga sa sigla ang isipan ni Andrina ng makilala ang lalaki. Hinding hindi niya makakalimutan ang marka sa batok ng lalaking nakamaskara, imposible rin namang nagkakamali siya sa abilidad pa lang niya ay kaya niya ng memoryahin ang isang bagay kahit pa hindi niya gustuhing tumatak ito sa isipin. Kaya siguradong sigurado siyang iyon nga ang nakita niya.

Isip-isip niya ri'y imposible rin namang marami ng nakapagpatattoo ng ganong may napakalalim na simbolo. Tiyak niyang iisa lang ang meron nun at iyon ay ang iisa lang ang taong nakamaskara at ang kasintahan ni Sallena, kaya pala'y may kutob na ito noon pa lang ng makita ang lalaki sa malayuan pa lamang.

Isa na ito sa mga pattern na dapat niyang buuhin, at ngayo'y nagsisimula na siyang ganahan, sapagkat nahuli na niya ang isa sa mga bubuo sa tasks na kailangan niyang matapos.

Sa mga sandaling iyon ay pansamantala niyang binalewala ang mga nararamdamang mga kaba't isiping kanina pang bumabagabag sa kanya. Sa ngayon ang iniisip na lamang ay ang buhay na buhay niyang dugong makahanap pa ng isang pilas na bubuo at magdadala sa kanya sa totoong misyon.

Biglang nanumbalik ang pagiging matapang at tigasin nito, ang dating Andrina na sobrang lamig at napakaseryoso, nagiisip ng sandamakmak na plano, bago pa man dumating ang totoo ay nakahanda na muli siya at hindi papalya-palya katulad ng mga nagdaang nangyari dahil sa laging may bumabagabag sa isipan.

Andrina Von - THE SEEKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon