02: No Traces?

81 6 17
                                    

HERA

Nakaupo ako ngayon sa isang bleachers habang yakap yakap ang mga braso ko. Halos tatlong oras din ang tinagal bago makarating ang mga ambulansya, bumbero, at ang mga pulis. I sighed, seeing this kind of scene reminds me of my traumatic childhood. Napailing na lamang ako, hindi ito ang tamang oras para mag-reminisce ng past.

"Hera! I've been looking for you!" napatingin ako sa isang lalaking naghahangos habang papalit sakin. He's wearing glasses but you can see his tattoo on his neck. He also wears earrings on his right ear, "Hephaestus." bati ko sa kanya.

"Thank God, you're still alive!" bulalas niya kaya napairap ako. "Matagal mamatay ang masamang damo, remember?" saad ko at napahinga naman siya ng malalim.

Tumingin tingin siya sa paligid, "Ano bang nangyari dito?" umupo siya sa tabi ko at inayos ang buhok niya, "May nagbabalak bang sumira ng school natin?"

Napasandal na lamang ako sa upuan. Maging ako ay hindi ko alam kung ano ang reason ng kung sinuman ang gumawa nitong malaking gulo na ito. Siguro may galit siya sa may-ari nito, or maybe trip lang nila?

All students here are problematic.

"Tsaka saan ka nanggaling? Iniwan mo ako sa casino bar! I waited there for almost 3 hours!" I clicked my tongue, naalala ko na naman ang nangyari kanina. "Someone ruined my plan."

"Who? Your client? What a scam-"

"It's the supreme student-oh, speaking of the devil." nakita ko ang papalapit na lalaki sa direksyon namin. Wala pa ring ekspresyon ang mukha nito, wala kang makikitang pag-aalala sa emotion nito. What a devil.

"So how's the investigation of the authorities?" bungad ko sa kanya pagkalapit niya sa amin. Kanina pa kasi siya nakatambay doon sa lugar kung saan may unang pagsabog. "About the bomb case, the bomb squad used IED."

"IED?" tanong ko kay Zeus. Hindi kasi ako pamilyar sa mga bomba at ang alam ko lang ay ang pagnakaw ng files. "Improvised Explosive Device, it is a homemade bomb. IEDs are commonly used as roadside bombs." paglelecture ni Zeus, napatango tango naman ako.

"And what is the reason kung bakit pinasabog itong school natin?" takhang tanong ni Hephaestus, maging ako ay nagtatakha kung bakit gustong sirain ang school kung hindi naman madaling hagilapin ang lugar na ito. Sa totoo lang, madaming reason.

"Hindi pa alam ng authorities kung ano ang reason. Walang ano mang evidences ang nakita sa lugar ng pagsabog." walang emosyong sabi ni Zeus. Napahawak ako sa aking baba. "Pero..."

Tumingin sakin ang dalawa dahil sa pagsasalita ko, "Ano naman ang nangyaring sunog sa laboratory? Ang layo ng laboratory sa pinanggalingan ng pagsabog which is the east and west wing." naguguluhang tanong ko.

Nilagay lamang ni Zeus ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang slacks at walang anumang bahid ng pagkabahala ang mukha nito. Hindi man lang sinagot ang tanong ko. Something's off.

"Oh? Zeus!" nabaling ang atensyon naming tatlo sa isang boses na tumawag sa kasama namin. And there, we saw a long-haired girl, her eyes are like doll's. Her height is a bit small, I think it's 5'1. May yakap-yakap siyang libro, nakangiti itong papalapit sa kasama namin. And yeah, she's pretty.

Tumingin lamang sa kanya si Zeus at hindi niya man lang nginitian ang babae. Oh, what an emotionless guy.

"What happened here? Mukhang may onting gulo ah." saad ng babae. What?! Onting gulo? "Oh, I'm surprised! May mga kaibigan ka na pala?" pagpapatuloy niya pa at medyo lumaki ang kanyang mata habang nakatingin saming dalawa ni Hephaestus.

"They are not my friends, Persephone." pagtatama niya. Good, sasabihin ko palang sana. Napatango naman ang babaeng tinawag ni Zeus na Persephone, napatingin ito sa akin at pumunta sa harap ko. "Hi! I'm Persephone, and you are?" inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko.

Nagdadalawang isip pa ako sabihin ang pangalan ko, "Uh... Hera. I'm Hera." pagpapakilala ko at tinanggap ang kamay niya. Napa-'Oh' naman siya at tumingin kay Zeus. Ha, I knew it.

"Hello, Hera. Pleased to meet you!" masiglang bati nito at pumunta naman sa harap ng katabi ko, "Hi! I'm Persephone!" sabay lahad ulit ng kamay nito.

"Yeah, I heard your name two times." Hephaestus said coldly. Saka ko lang naalala, allergic nga pala siya sa babae, except me. Nagpout naman ang babae dahil hindi tinanggap ni Hephaestus ang kamay niya.

"By the way, can I borrow Zeus for a while?" sabi ni Persephone. She clings her arm on Zeus's, wala namang pakielam si Zeus sa ginawa ng babae. Halatang sanay ito sa ugali ni Persephone. Tumango na lamang kami ni Hephaestus at iniwan na kami.

"So..." tumingin ako kay Hephaestus dahil nagsalita siya bigla, tinaas ko ang kilay ko bilang sagot. He put his fingers on his chin, I think he also felt that something's not alright. "That girl is suspicious."

Napakunot naman ako ng noo, "Eh? What do you mean?" nasiraan na ba to ng ulo at kung sino sino ang pinagdududahan?

"I saw her walked out of the library earlier. She's the only person na dumaan doon sa hallway kung saan two blocks away lamang ang library sa laboratory." mahinang saad ni Hephaestus.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. So it means, "Sa tingin ko siya ang dahilan kung bakit nagkasunog sa may laboratory." pagpapatuloy pa nito.

Agad akong napahakbang papaalis at pumunta sa kung saang direksyon pumunta ang babaeng mapagkunwari pati ang supreme student. Kailangan malaman ito ni Zeus! That girl is the primary suspect!

Nang makita ko na ang dalawa na naguusap sa may bakanteng room, I was about to say that Persephone is suspicious ngunit narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Persephone. Ibang iba ang boses nito kumpara sa malambing na boses niya kanina. Napatago ako sa pader at tahimik na nakinig sa usapan nila.

"Stop shouting, Persephone." narinig ko ang kalmadong boses ni Zeus. Narinig ko ang malalim na paghinga ng babae.

"What?! They ruined our plan, Dan! Kung hindi sana sila nakielam, kanina pa sunog ang buong school na ito!" sigaw ni Persephone. Napatakip ako ng bibig at nanlaki ang aking mga mata.

They planned to burn this school into crisps! This suspicious girl and the supreme student?! Kaya pala walang pagkabahala ang mukha ng supreme student because they planned to destroy this school all along!

Now everything's complicated!

ChasedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon