HERA
Ilang minuto palang ang nakakalipas nang bumukas bigla ang pintuan na tinutukoy ng bata kanina. Tumahan na ang iba naming mga kaklase at agad ng tumayo. Pinangunahan ng class president namin ang pagpasok sa pinto at sumunod na kami.
"Where are we...?" tanong ng isa kong kaklase pagpasok namin. Agad naman siyang binatukan ng katabi niya, "Tanga ka ba? Kitang covered court 'to. Mukha bang canteen ha? Mukha ba?"
Pinagtinginan sila ng iba pa naming kaklase at natawa nalang sa dalawa. Napangiti nalang ako, ewan ko kung tapos na itong bangungot na 'to.
I hope so.
Napatingin kami bigla sa isang pinto sa may gilid nang tumunog ito. Mabilis na umurong paatras ang mga kaklase ko upang maging handa. Baka mamaya may biglang umatake samin.
Ngunit nabuhayan naman kami ng loob nang marinig namin ang mga boses ng estudyante. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay lumabas ang isang grupo ng mga estudyante na pinangungunahan ng isang matangkad na lalaki.
"H-hephaestus..." agad akong napatakbo sa gawi nila at agad na niyakap si Hephaestus. "I thought you're gone!" pagpapatuloy ko at naramdaman ko din ang mahigpit na yakap nito.
"Me? Oh come on, I'm not that coward unlike you." pang-aasar pa nito kaya napatawa ako. Para akong nabunutan ng tinik dahil nakita ko ang pinsan ko na parang kuya ko na rin.
Hindi din nagtagal ay bumitaw na kami sa pagyayakapan. Hindi pa nagtatapos ang lahat dito dahil simula pa lamang ito. Lumapit sa amin si Zeus at tinanguan naman siya ni Hephaestus.
"Glad you're fine." saad ni Zeus at ngumiti naman ang katabi ko, "Same bro."
"Iilan nalang kayong natira?" tanong ko sa kanya at napahinga ito ng malalim, "15. We've lost 20 students." malungkot na sabi ni Hephaestus so I pat his shoulder.
"How about your class?"
"23. 10 died." saad naman ni Zeus kaya napatango ang pinsan ko. "Siguro mas magandang magsama-sama nalang muna tayo since parehas naman tayo ng pupuntahan." suggest nito at mukhang payag naman ang mga taong nakarinig sa pinag-uusapan nila.
Hindi din nagtagal ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Dumiretso kami sa may hallway ng lumang building at sinusundan lamang ang mga arrow na nakalagay sa sahig pati ang mga signs sa tuktok ng dinadaanan namin.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang tumingin sa buong paligid. Halos walang dungis o sira at bakas ng dugo ang dinadaanan namin kahit na sa labas nito ay sobrang luma na. Ngunit mararamdaman mo ang sobrang kilabot dahil sa katahimikan ng buong building. Pansin na pansin din ng ibang kasama namin ang kilabot na nararamdaman ko ngayon dahil hindi sila naghihiwalay at halos magsisiksikan na sila sa isang sulok.
Di nagtagal, napahinto ang class president namin maging ang pinsan ko na nagli-lead ng dinadaanan namin. May dalawang daanan ang nasa harap namin ngayon ngunit hindi iyon ang dahilan para mapahinto sila, "D-did you hear that?" rinig kong tanong ni Achelois.
"Yeah... mukhang-"
"AHHHHHH! TULONG! TULUNGAN NYO KO!"
Nagulat kaming lahat ng may makita kami na babaeng schoolmate namin na tumatakbo galing sa west wing ata ng building. Nadapa ito sa harap namin at agad siyang napatingin sa likuran niya. "H-hindi... hindi hindi! HINDI!" nag-aaligagang tumayo ang babae ngunit may biglang humablot sa kanya na isang lalaking nakasalamin na mukhang kaschoolmate rin namin.
"P-pinahirapan mo pa akong habulin ka..." hinihingal na sabi ng lalaki at sinabunutan ang babaeng nakahandusay sa sahig, "W-wag mo ako patayin, C-caerus..." pagmamakaawa ng babae ngunit hindi natinag ang ngisi ng lalaki at agad na tinarak ang hawak nitong kutsilyo sa leeg ng babae.
Napaatras kaming lahat at halos lahat ng kaklase ko ay napatakip ng bibig dahil sa nakita. Tumawa pa ng malakas ang lalaki habang sumisirit ang dugo ng babae na tumatalsik sa kanyang pisngi. Napakapit ako sa katabi ko dahil feeling ko ay masusuka ako sa aking nakita.
"Stop right there!" malakas na sigaw ni Hephaestus ngunit mukhang hindi siya naririnig ng lalaki. Kahit ilang beses pang sumigaw ang pinsan ko ay parang bingi ang lalaki dahilan kaya may naalala ako.
"He can't hear you..." mahinang sabi ko kaya napatingin sila sa'kin. "What do you mean?" naguguluhang tanong ng pinsan ko. Napatingin ako sa lalaki na bigla na lamang napitingin sa likuran niya nang may marinig siyang mga malalakas na yapak galing sa direksyon na pinanggalingan nila kanina.
"N-nasa ibang dimensyon sila." sagot ko nang maalala ko ang sinabi ng batang babae kanina. Agad na napatingin din ang iba naming mga kasamahan at napatakip ng bibig nang makitang halos pagtatagain ng mga kararating lamang na iba pang estudyante sa lalaki kanina.
"Napatay na natin siya! Wala na tayong dapat ikabahala." sigaw ng isang lalaking may kulay pulang buhok. Malaki ang ngisi nito sa kanyang mukha habang taas nito ang kanyang kamao.
"Mabuti naman!"
"Mukhang sinapian na talaga siya ng mga demonyo dito."
"Bagay lang sa kanya yan."
Rinig kong sabi ng ibang kasama niya at sabay sabay na humalakhak habang tinitingnan ang walang ka-awa awang mga kaklase nila na nakahandusay ngayon sa kanilang harapan. Kitang kita ang mga nakakatakot na ngisi nito sa kanilang mga mukhang natalsikan ng mga dugo.
Hindi...
Hindi lamang mga pinatay nila ang mga demonyo sa bagong paaralan na 'to...
Kundi sila mismo.