10: Friends?

27 5 2
                                    

HERA

“So... sino kayo?” naiilang na tanong ko habang sunod sunod silang tiningnan. Nakaikot kaming lahat at magkakaharap. Wala ng mas aawkward sa ganitong atmosphere na nararamdaman ko ngayon.

Agad namang sinira ng isang kasama naming babae ang katahimikan, “My name is Andromeda.” sabi nito habang nakangiti. She's wearing fancy clothes like Persephone's. Mukhang party goer din. Well, she looks... nice.

Wait, her name seems familliar.

“Ikaw yung naga-announce sa speaker last time.” nakasalumbabang sabi ni Zeus. Tumango naman ang babae, still wearing her smile. Ah, kaya pala pamilyar ang pangalan niya.

“Echidna here.” napatingin naman kami sa isang babaeng may maangas na pananalita. Nakasandal ito sa may kama habang nakapatong ang mga binti sa upuan. “Kasama ko yan si Perse at Andi papunta dito—”

“Obvious naman.” biglang sabat ni Persephone na nakasandal sa braso ni Zeus. Umirap ito at narinig ko naman ang pag ubo ni Andromeda, nagpipigil ng tawa.

“Ahh...” napatango nalang ako at hindi na nagsalita. Binalot na naman kami ng katahimikan kaya napalingon ako sa isa pa naming kasama na babae.

Katabi niya ang pinsan ko at nakayuko lamang. Hindi man lang siya umiimik. Napansin niya ata na tumahimik kami kaya inangat niya ang tingin niya, saka niya lamang napansin na nakatingin na kaming lahat sa kanya.

“A-ah...” yun lang ang lumabas sa bibig niya at yumuko ulit. She looks hesitant at first bago niya iangat ulit ang tingin niya. “I c-can't remember anything.”

Pagtapos ng sinabi niya ay narinig ko ang pagsinghap ng mga kasama ko. Hephaestus doesn't look surprised, mukhang natanong niya na rin ang babae kanina. “What do you mean?” tanong ko habang nakatingin pa din sa kanya.

She held her head at mukhang pinipilit niyang alalahanin ang pangalan niya, “I-I woke up not remembering my name... pati ang mga nangyari pati ang pagdating ko dito.” saad niya na mas lalo naming ikinagulat.

I-ibig sabihin lahat nakalimutan niya?

“N-nakita ko si H-hephaestus na naglalakad palapit sakin nung p-pagkagising na pagkagising ko.” nauutal na sabi niya. Tumango naman si Hephaestus, “Nakita ko siyang bumangon, akala ko nga nung una ay wala na siyang buhay dahil may mga nakahandusay din na estudyante doon.” saad nito.

“H-hindi ko alam k-kung anong nangyayare... b-bakit may mga p-patay?” naguguluhang sabi ng babae at tuloy tuloy na umagos ang luha niya. Agad namang lumapit sa kanya si Andromeda at pinakalma siya.

Again, an awkward silence.

Ang pagiyak lamang ng babae ang maririnig namin. Mababasa sa mga mukha ng kasama ko ang pagkalungkot. Sinira naman ni Zeus ang katahimikan ng magtanong ito sa pinsan ko, “Nasaan pala ang mga kasama mo?”

Napatango ako at tiningnan si Hephaestus, napansin ko nga na hindi niya kasama ang mga kaklase ko maging ang mga kaklase niya. “Nahiwalay ako sa kanila. Pumasok ako sa isang pintuan, naghanap ako ng makakain o ng kahit anong pwedeng gamitin at pagkabukas ko ulit ng pintong pinasukan ko, nagiba na daanan.” sabi ni Hephaestus.

Naguluhan naman ako, “Are you sure? Baka naman nakalimutan mo lang.”

“You know I don't forget things easily, Hera.” sagot nito. Totoo naman ang sinabi niya, kilala ko ang pinsan ko. Halos lahat ng detalye lalo na sa mga dinadaanan niya ay kabisado niya.

“Eh kayo naman? Sino kayo? At bakit kayo nadaan dito sa clinic?” tanong naman ni Hephaestus sa dalawang lalaki na magkatabi. Medyo mahaba ang buhok ng isa samantalang ang isa naman ay parang may buntot sa likod ng buhok nito.

“Hades!” masiglang sabi ng may buntot habang nakataas ang isang kamay nito na parang gusto magrecite. May ngisi itong nakakairita na mukhang normal lang sa kanya. I heard Persephone clicked her tongue kasabay ang pagsandal ni Zeus sa upuan dahilan para mapaayos ng upo si Persephone.

“Wow Persephone, finally, you've found your perfect match.” sarcastic na sabi ni Zeus at humikab. Umirap naman si Persephone, mukhang hindi niya type ang Greek husband niya.

Well, me either.

“Duh, I like you better.” sagot naman ni Persephone kaya ako naman ang napairap.

Wait, bakit ako umirap?

Napailing nalang ako sa ginawa ko. Tumingin ako sa kasama niya, “How about you? What's your name?” tanong ko. Natatakpan ng buhok nito ang mukha niya at mukhang tahimik. Naghintay kami ng ilang segundo ngunit mukhang wala siyang balak magsalita.

Tahimik nga siya.

Bigla namang tumawa ang kasama niya at hinampas ang braso nito, “Hahaha pasensya na sa tahimik kong kaibigan. Minsan lang kasi siya magsalita hahahaha.” napatango nalang kami.

Ngimisi namqn ito at inakbayan ang tahimik na lalaki, “Ayaw niya kasi sa mga tao, sa'kin lang nakakatiis. Crush ata ako nito—”

“Kailangan na nating umalis dito.” bigla nalang napahinto si Hades nang magsalita ang katabi nya at tumayo. Tuloy tuloy lang itong naglakad palabas ng clinic at dumiretso sa pintuan na dinaanan ng pinsan ko kanina.

“Problema nun?” tanong ni Echidna at tumayo na din. Sumunod na din nagsitayuan ang iba, samantalang nanatili namang nakaupo si Zeus maging ako.

'What a coincidence.' nasabi ko nalang ulit sa sarili ko.

Napatingin naman ang iba samin, “Oh, ano pang hinihintay nyo dyaan?” tanong ng pinsan ko. Saglit kaming nagkatinginan ni Zeus at bumuntong hininga.

“Sunod nalang ako.” sagot ko at prenteng humiga sa kama. Tumingin naman ang pinsan ko kay Zeus at tumango lang ito. Rinig ko ang pagbuga ng hangin ni Persephone sabay taray nito sakin, sumipol naman si Hades bago tuluyang lumabas.

Well, whatever.

“Sumunod kayo kaagad.” saad ng pinsan ko at lumabas na din.

Naiwan kaming dalawa ni Zeus dito at mukhang wala siyang balak sumunod. “Bakit di ka pa sumama?” tanong niya habang tumitingin tingin sa mga gamot.

“May gusto lang ako tingnan.” pagsisinungaling ko. Pero ang gusto ko lang talaga gawin ay magpalit dahil may menstruation ako ngayon.

Hindi ko ginusto, okay? Saktong papunta lang talaga kami dito ay nagkaroon ako. Mag iisang araw na din yung suot ko at hindi pa ako nakakapagpalit.

“Alin naman?” tanong niya ulit kaya napairap ako. Naumpog ba tong lalaking to? Ang dami niyang tanong.

“B-basta.” saad ko at pumunta na sa may restroom. Hindi ko naman kailangan pang magpaalam kung magsi-cr ako hindi ba?

Ilang minuto lang naman akong tumagal sa cr at agad na ding lumabas. “Tara na, sumunod na tayo sa kan—Zeus?” huminto ako sa pagsasalita ng hindi ko makita si Zeus sa pwesto niya kanina.

Naglakad lakad ako ngunit hindi ko siya makita, “Zeus?” pagtawag ko sa kanya ngunit walang sumagot. Napahinga nalang ako ng malalim at lalabas na sana sa clinic ngunit biglang nawalan ng ilaw kasabay non ang isang taong humatak sakin at tumakip ng bibig.

Shit, anong nangyayare?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChasedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon