HERA
Halos nanginginig na sa takot ang mga kaklase ko dahil sa malaking ngisi ng batang babae. Pumikit ito at nagsimulang kumanta.
“Twinkle twinkle little star~ How I wonder what you are~”
“A-ano ng gagawin natin?” nangangatog na sabi ng isa naming kaklase habang hinihigit ang braso ng katabi niya. Maging ang katabi niya ay nanginginig na rin.
“Up above the world so high~”
“A-ayaw ko pa mamatay...” naiiyak na sabi pa ng isa.
“Like a diamond in the sky~”
“I-itigil na natin—”
“BOO!” napatigil sa pagsasalita ang kaklase namin ng biglang dumilat ang bata. Napatakip ako ng aking bibig at huminto sa paghinga. Halos nanginginig at namamawis ang katawan ko.
Isa isa kaming pinasadahan ng mga mata ng batang babae. Tumigil ang mga mata nito sa isang kaklase namin na umiiyak habang takip takip ang kanyang bibig.
Tumawa ang bata habang tinititigan ang babae at biglang, “AHHHHH—” hindi natapos ang pagsigaw ng babae dahil bigla na lamang itong humandusay at dumugo ang bibig.
Dahil sa nangyari, biglang sumigaw ang isa pa naming kaklase na nasa sulok at ilang segundo lang ay humarap ang bata sa kanya at bigla na lamang itong nawalan ng buhay. Mas lalo pang humalakhak ang bata sa nangyayari, hindi nagtagal ay nagsimula na siya ulit pumikit at kumanta.
Halos napabuga ako ng malakas dahil sa tagal ng hindi ko paghinga. Napakapit ako sa katabi ko dahil feeling ko ay matutumba na ako dahil sa takot, “Are you alright?” tanong sakin ni Zeus pero hindi ko siya nasagot dahil bigla na lamang dumilat ang bata.
Akmang sisinghap ako ng hangin ngunit agad akong napigilan ng kamay ni Zeus. Nanginginig ang buong katawan ko at pumikit. Nagdadasal na sana ay hindi na lamang ito totoo.
“Ano ba yan, walang gustong matalo.” dismayadong saad ng bata dahil walang nagbalak huminga sa amin. Halos sampung kaklase na namin ang nawala, hindi na kami papayag na may mawala pa sa amin.
Pumikit ulit ang bata at nagsimula ng kanta, huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. “I need your help, Hera.” narinig ko ang pagsalita ni Zeus kaya napatingin ako sa kanya.
“Kailangan nating mapatay ang ibon.” saad niya ngunit paulit ulit akong napailing, “P-paano? N-natatakot ako!”
“Just calm down and trust me.” sabi niya at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Ngayon ko lamang nakita ang ganitong side ng supreme student, gusto ko sana siyang asarin ngunit hindi ito ang oras para magsaya.
Patuloy lamang akong nakamasid sa bata habang ineexplain sa akin ni Zeus ang mangyayari, “K-kakayanin ba natin yon?” tanong ko matapos niyang sabihin sakin ang plano.
“Yes, just be a little bit careful. I know we can do it.” matigas na sabi niya at may binulong siya. Kailangan ko siyang pagkatiwalaan kahit ngayon lang.
And I hope it works.
Tumingin ako sa bata at kinuyom ko ang mga kamao ko. Bago ko gawin ang pinaplano namin ay tiningnan ko muna si Zeus, tinanguan niya ako at sinagot ko naman siya.
“Twinkle twinkle little star~ How I wonder what you are~”
Dahan dahan akong naglakad ng diretso palapit sa bata at napansin ko na sinasabayan ako ni Zeus sa paglalakad na nasa kaliwa naman dumaan. Kita ko ang pagkagulat at pagtataka ng mga kaklase ko sa ginagawa namin ngunit kailangan nila kaming pagkatiwalaan kahit ngayon lang. Nang ilang metro na lamang ang layo ko sa bata bigla akong napahinto at napatakip ng bibig nang huminto ito sa pagkanta at mabilis na lumingon paharap.
“AHA! KALA MO DI KITA MAPAPANSIN AH!” masayang sigaw ng bata ngunit bigla akong napangisi ng mapatunayan kong tama ang hinala ni Zeus. Nakatingin ito sa direksyon ni Zeus at masayang nakangiti dahil akala niya'y siya na ang mananalo.
Ngunit nagkakamali siya.
Hinintay niyang gumalaw si Zeus na ilang metro na lang rin ang layo sa kanya ngunit bigo ito. Tumalikod na ito ulit at nagsimulang kumanta ngunit agad akong tumakbo ng mabilis at hinablot ang parrot na nasa gilid niya.
“PATAY! PATAY! PATAY! PATAY!” paulit ulit na huni ng parrot ngunit agad kong binali ang leeg nito at sunod sunod na umagos ang dugo sa kanyang katawan. Piniringan ni Zeus ang mga mata ng bata na ngayon ay nagsisigaw sigaw at agad na tinakpan ang kanyang bibig gamit ang panyo niya para makatulog ito.
Ilang segundo lumipas ang katahimikan at sabay sabay na narinig ko ang paghinga ng malalim ng mga kaklase ko pati na rin ang paghikbi ng iilan. Napaupo ako sa sahig at agad na tinakpan ang mukha ko.
Tapos na ba?
Tapos na ba ang lahat?
“Hey.” napataas ako ng tingin ng bigla kong marinig ang boses ni Zeus. Umupo siya sa tabi ko at tumingin lamang ng diretso. Napangiti na lamang ako, kung hindi dahil sa kanya ay malamang hindi na kami nabubuhay ngayon. Siguro'y walang makakasurvive sa klase namin.
---
“Just calm down and trust me.” matigas na sambit ni Zeus habang nakatingin ng diretso sakin. Nilapit niya ang kanyang mukha at bumulong, “I think she can't feel your presence, Hera. She can't see anything, she's blind but she can sense all of us except you.” paliwanag niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
“P-pero paano—”
“I don't know either. Hindi na mahalaga yun sa ngayon, kailangan mo munang marinig ang plano ko.” sabi niya kaya napatango tango. “I want you to come closer behind her, dadaan ako sa gilid niya para guluhin siya. Kung hindi man ako mamamatay at nagsimula na ulit siyang kumanta, tumakbo ka at patayin ang parrot na nasa tabi niya.” saad nito at pinisil ang magkabilang kamay ko.
“K-kakayanin ba natin yon?” tanong ko sa kanya. “Yes, just be a litlle bit careful. I know we can do it.” matigas na sabi nito at lumapit ulit sa aking tainga upang bumulong.
“I know you're strong. You can survive here, Hera. I trust you.”