HERA
“P-papa...”
Napatingin ako bigla sa gilid ko nang may makita akong maliit na liwanag galing sa isang pinto. Dahan dahan ko itong binuksan at sumilip, doon ko nakita ang isang batang babae. Nakaluhod ito habang nakatalikod.
“P-papa... sorry po...”
“Sorry?! Pinahiya mo na naman ako!” sigaw ng lalaking nakatuxedo at agad na hinatawan ng sinturon ang batang babae. Agad akong napaatras at napatakip ng bibig. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kaawa awang bata. Hindi ko mapaliwanag ang pananakip ng dibdib ko dahil sa nakikita ko.
“Manang mana ka talaga sa nanay mo! Sana namatay ka nalang din! Wala kang kwenta!” sigaw pa nito at paulit ulit na sinasaktan ang batang babae. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinapanood ang batang babae na umiyak at mabahiran ng dugo ang kulay puti nitong suot na bistida.
“T-tumigil ka! Wag mo saktan ang bata!” sigaw ko pero mukhang hindi niya ako naririnig at paulit ulit pa ding hinahataw ang likod ng bata. Ayoko ng tumingin, hindi ko na kaya!
Ngunit parang nakapako na ang mga mata ko sa batang babae. Kitang kita ko kung paano magsugat ang likod nito pati ang pagtalsik ng dugo nito sa sahig. “Tumigil ka na! Tumigil ka na!” malakas na sigaw ko at pumikit. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko na tumulo.
“Pigilan?” napadilat ako nang may marinig akong boses ng isang batang babae. Dahan dahang tumigil ang lalaki sa paghataw at binitawan ang sinturon na ginamit niya panghataw sa bata. Bigla itong naglakad palayo at nang nawala ito sa paningin ko ay tiningnan ko ulit ang bata.
Rinig ko pa din ang mga maliliit na hikbi nito kaya dahan dahan ko siyang nilapitan, “H-hey... are you alright...” mahinang saad ko. Hahawakan ko sana ang kanyang balikat ngunit...
Tumigil ito sa kanyang paghikbi at dahan dahang lumingon sa akin. Nagulat ako nang unti unting humalkhak ang bata at makita ang kanyang pamilyar na mukha, “I-ikaw—”
“Hahahahahaha! Wala kang kwenta!” sigaw ng bata at agad akong sinakal. Nakita ko ang pagluwa ng mga mata nito at ang malaki nitong ngisi. Patuloy ito sa pagtawa na parang baliw, “B-bitiwàn m-mo—”
“Hahahahahahaha! Mamatay ka!” malakas na sigaw nito at umalingawngaw ang kanyang pagtawa sa maliit na silid na halos nakakabingi. Agad akong napapikit habang hawak hawak ang kanyang kamay. Unti unti na akong nawawalan ng hininga dahil sa higpit ng pagkakasakal sakin nito.
Hindi! Hindi ako pwedeng mamatay! Hindi pa! Hindi pa pwede! Agad kong hinawakan ang kamay niya upang tanggalin ito ngunit nanghihina na din ang mga kamay ko. Hindi pwede! Kailangan ko ng tulong!
Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala akong maisip na paraan para makaalis sa sitwasyon ko. I just kept thinking how to stop this girl but there's one person that popped inside of my head that can help me.
Right, he can help me!
Ginamit ko ang natitirang lakas ko at agad na sinigaw ang pangalan niya. I hope he can help me... please!
“ZEUS!”
“Hera!” napabangon ako bigla at sumalubong sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Zeus. Hinihingal ako at halos maubusan ako ng hininga. Zeus was holding my hand tightly. Looking at me worriedly he asked, “Are you alright? Binabangungot ka ba?” but no words came out from my mouth. Napahawak ako sa leeg ko, sobrang lamig ng mga kamay ko at namamawis ako ng sobra.