HERA
After 20 minutes na paghihintay, agad na kaming pinapila by section. Humiwalay na si Hephaestus dahil mas matanda siya sa amin ng isang taon. Nahiwalay din si Persephone dahil sa class A-1 siya nagkaklase but I'm surprised to see the mutt here. Hindi ko alam na magkaparehas lang kami ng section since I didn't see him before inside the class even once. Siguro dahil sa sobrang busy kaya hindi na ito nakakapasok sa mga klase niya.
“Kumpleto na ba kayo? Bus 31, kumpleto na ba?” sigaw ng adviser namin gamit ang megaphone. If I'm not mistaken, her name is Ma'am Khione. Sumagot naman ang president ng klase namin na kumpleto na daw. I guess her name is Anthena? Antherna? I'm not sure.
“It's Antheia.” napatingin ako bigla sa gilid ko nang may magsalita. I clicked my tongue when I saw, ofcourse, none other than Zeus, the mutt. May lahing mushroom ba to at mind reader?
“It's too obvious. Kanina pa nakakunot yang noo mo habang nakatitig sa president.” sabat niya ulit at mukhang nabasa na naman ang nasa isip ko. This guy is too weird.
Napailing na lamang ako at hindi na siya kinausap. Baka mamaya pati kulay ng undies ko malaman na rin niya, o pati mga sikretong tinatago ko. Mahirap na.
Ilang minuto lang ay isa isa na kaming pinaakyat sa kanya kanya naming bus. Excitement was written on my classmates' faces.
Dahil nasa pinakadulo ako nakapila, ako ang pinakahuling pumasok. Naghanap ako ng vacant seat and there, I am surprised once again that the empy seat was beside Zeus. Wala na akong nagawa kaya dumiretso na lamang ako roon at umupo na.
“Mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana, Mr. Zeus.” saad ko pagkaupo na pagkaupo ko sa tabi niya. I hugged my bag and pulled out my earphones in my pocket. “It's not destined. They just don't want to seat there.” sagot nito nang hindi man lang tumitingin.
“Why?”
“It's cursed, I think?” wala man lang emosyon na sabi nito. Napairap na lamang ako, really? Cursed? Baka kamo siya ang cursed dito.
Nilagay ko na lang ang isang earpiece sa tenga ko. Mukhang wala namang balak magsalita ang katabi ko kaya mas okay ng enjoyin ang katahimikan ngayon. Pero hindi naman nagtagal ang katahimikan ng magsalita si Ma'am Khione, “May mahigit 5 hours pa tayo bago makapunta sa destination natin. We will be stopping by later at 9:30 am. May gusto na bang mag-cr or something?”
Wala namang sumagot at umiling lang ang mga classmates ko. Ma'am Khione smiled sweetly, “Prepare yourselves okay?” sabi nito at nagsitanguan naman ang mga kaklase ko at ngumiti rin. Tumango tango si Ma'am at umupo na ulit sa upuan niya.
Naramdaman ko ang paggalaw ng ulo ng katabi ko. I guess he turned his attention to Ma'am Khione a while ago at tumingin nalang ulit sa bintana. Nilagay ko ang isa pang earpiece sa tenga ko at pumikit. Ma'am's smile is bothering me, pati na rin ang sinabi niya.
Prepare ourselves? For what?
Tinanggal ko ang mga bumabagabag sa isip ko. Masyado ng malalim ang iniisip ko dahil sa sinabi ni Persephone kanina pati na rin sa mga information na nakukuha ko at sa mga nangyayare ngayon. This is not good. This school is too mysterious for me. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang noon ay ramdam ko na ang nakakakilabot na ambiance doon.
Sumandal ako sa upuan at umiglip saglit. Siguro kailangan ko na lamang magrelax muna ngayon.
——
“Hera, wake up.” nagising ako bigla dahil may sumisiko sa akin. I hummed and hugged my bag tighter. I was about to sleep again but someone poked my arm. “What?!” I groaned.