HERA
Napamulat ako ng mata at biglang napabalikwas. Damn, napatingin ako sa paligid and there, I saw a mutt, sitting on the couch habang nakahawak sa sintido niya. Nakapikit ito at mukhang tulog.
Inalala ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Nagcut ako ng klase kasama si Hephaestus para kitain ang kliyente ko pero etong lalaki ang nadatnan ko.
Great! Just great!
“So you're awake.” bigkas niya kaya napatingin ako sa kaniya. “Why? You want me to sleep here forever?” I rolled my eyes at agad na tumayo. Nasa clinic ako ngayon ng school namin. I freaking hate this kind of scent.
Bago pa ako makalabas ng clinic ay bigla siyang nagsalita, “Just so you know, hindi ako naghintay dito para lang bantayan ka.” tumayo siya at pumunta sa tapat ko, his eyes are so cold. “I want you to come with me on the dean's office.”
Napairap na naman ako. It's the third time na pinapunta ako sa dean's office dahil sa mga trabahong ginagawa ko. “Para saan naman?” tanong ko while staring at him. Ofcourse, I know what's the reason. Malay mo lang.
“Oh, Hera. Don't act like a fool.” he said at nauna ng lumabas. Napamura nalang ako sa sarili. Napakadull at cold talaga ng lalaking iyon. I really hate him and his guts!
Sinundan ko siya at sinabayan ang paglalakad niya, “How did you find out na doon kami magmimeet ng client ko?” tanong ko out of curiousity.
Nakapamulsa siya habang cool na naglalakad, wala siyang pakielam kung may tao sa harap niya. They make ways kapag dadaan siya. He's the supreme student and the only son of the owner of this school by the way.
“Or by any chance, you're my real client? Pero sa tingin ko naman hindi mo na kakailanganin ng key-to correction—”
“His name is Calypso. You're having you're own client but you lack informations.” pagpuputol niya sa sinasabi ko. “Someone overheard your conversation with Calypso, she reported it to our office so we made a plan to stop your stupid transaction right away.” pagpapatuloy niya. Napataas naman ako ng kilay, sino kaya ang babaeng yon at nang masabunutan ko.
Bago pa ko makapagsalita ulit, huminto siya bigla. Nandito na pala kami sa tapat ng dean's office. Pinihit niya na ang doorknob at pumasok. Nakasunod lamang ako sa likuran niya. I gulped two times bago ko itaas ang paningin ko sa matandang nakatalikod na nakaupo sa swivel chair. He's in his late 80's, kulay gray na ang mga buhok nito pero still, nakakapangindig pa rin ng balahibo ang itsura nito.
“Hera.” halos nanlambot ang tuhod ko dahil sa pagkakatawag niya sa boses ko. His monotone voice gives me chills. Ibang iba ang tono ng boses nito, hindi tulad noong una at pangalawang bisita ko dito. “It's your third time here in my office.” sabi nito at inikot ang swivel chair na inuupuan niya to face us.
I gulped again, “I-I'm sorry for what I've done. I-I just want to help—”
Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay bigla akong napapikit dahil sa malakas na paghampas ng dean sa mesa niya. I bit my lower lip to stop it from trembling.
“Help? You urge them to cheat, Hera!” his voice raised up a little. Napayuko ako bigla dahil sa malakas na pagsalita nito. I looked at my hands that were shaking. Huminga ako ng malalim at naglakas ng loob magsalita, “B-but they really need to review the answers. S-sobrang hirap ng test this month—”
