HERA
Naiyukom ko ang aking kamao. Wow, mismong supreme student ang nagpaplano para masira ang school na ito. Supreme students are the one that should protect the image of their schools but why is it the opposite?
I mean, hindi naman ako against sa ginagawa nila. I don't like this school too but this is not the right timing. Really.
“I told you to calm down bago pa may makarinig sayo.” pagbabanta ni Zeus kay Persephone. Tch, who would have thought that I'm hearing them right now.
“Once na makilala ko kung sino man ang may kagagawan nun, I won't ever forgive them!” nanggagalaiti na sigaw ng babae. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit galit na galit ang babaeng nagngangalang Persephone, nasira naman na ang school but why she isn't satisfied?
Narinig ko ang isang pagkaluskos na parang may tumayo. Nakita ko ang anino ni Zeus na tumayo at tinalikuran ang kausap niya. Mukhang tapos na ang conversation nila. Akmang aalis na ako ng biglang nagsalita si Zeus na nagpatigil sakin, “I guess you heard it all.”
Tiningnan ko ulit ang anino nito ngunit nakatalikod pa rin ito kay Persephone. Nanlakas ang pantig ng dibdib ko. Damn! Damn! I think he caught me!
“Who's there?!” mas lalong kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Persephone. May bigla akong nakitang kulay pula na ilaw sa anino. What the fuck is that?
“Persephone!” mariing tawag ni Zeus sa kanyang kasama. Narinig ko ang malalim na paghinga ng babae, unti unting naglaho ang kulay pulang ilaw na nagreflect sa pader kanina.
“Just fucking show yourself.” kumalma na ang boses ni Persephone at ayon na ang chance ko para ipakita ang sarili ko. I glared at them, Persephone looked suprised but Zeus stayed his usual poker face.
“It's you... Hera, am I right?” nagaalinlangan pang tanong ni Persephone, mukhang nakalimutan nito ang pangalan ko. Bumalik na ang tono ng kanyang boses. Naging malambing ito at parang boses ng isang inosente. Her looks can be deceiving.
“Stop with the act, two-faced.” bulalas ko. Ang ngiti niya kanina ay napalitan na ng kunot ng noo. Mukhang hindi nito nagustuhan ang binigay ko sa kanyang nickname, “Excuse me?”
“Narinig ko lahat.” sagot ko at napairap nalang. Persephone clicked her tongue samantalang sumandal naman sa pader si Zeus, still his hands inside of his pocket.
“So what's with the plan? Care to share?” umupo ako sa isang upuan at tumingin sa kanilang dalawa, “It's kinda interesting. Isang supreme student at isang nagbabalatkayo na babae, made an evil plan.”
Napairap si Persephone, “Can you please stop calling me that?” pagrereklamo nito at umupo rin sa isa pang upuan.
“Why? It suits you tho.”
Zeus cleared his throat. Nabaling ang atensyon namin sa kanya, “We planned to destroy this school.” walang bahid ng emosyon na sabi nito.
“Me and the others made this plan since the first week.” pagpapatuloy niya. Wait? Others? Hindi lang silang dalawa?
“Ayaw na naming dumami pa ang estudyante dito sa lugar na to.” biglang sabat ni Persephone, she crossed her arms on her chest. “Pero hindi namin natuloy dahil tumapat ito sa araw kung kailan foundation day. We're not demons to kill innocent people.”
Napakunot ako ng noo, “Bakit ayaw niyong dumami pa ang estudyante dito? Diba mas maganda yun?” nagtatakhang tanong ko.
“You thought it's great? Nagkakamali ka.” sagot naman ni Zeus. “My father manipulated every student's parents.”
“What do you mean manipulated—”
Napatigil ako sa aking tanong nang biglang may nagsalita sa speaker, mukhang announcer iyon, “To all the students of Alectrona High. Please go to the main court. To all the students of Alectrona High. Please go to the main court.”
Tumayo na si Zeus maging si Persephone, “Let's go now.” nagsimula ng maglakad ang dalawa kaya sumunod na rin ako.
Habang naglalakad kami, kapansin pansin ang malaking pagbabago sa school building. Halos hindi na makilala ang mga gusali at puro sira sirang pader ang makikita. Puro butas na rin ang mga room at nasira na din maging ang mga gamit sa bawat room. Mukhang umalis na rin ang mga authorities dahil wala na rin silang nakita pang ebidensya.
Pagdating namin sa main court, marami raming studyante na rin ang nandoon. Nakita ko si Hephaestus at tumabi ako sa kanya, “Where have you been?” bulong nito sakin dahil medyo hindi na namin marinig ang boses ng isa't isa.
“It's none of your business.” bulong ko pabalik. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito kaya napangisi ako. Mukha talagang tanga to minsan.
Natigil ang paguusap ng mga estudyante ng may magsalita ulit sa speaker, “I guess you all knew what happened earlier.” pagsisimula nito. Tumango tango naman ang mga estudyante.
“Right now, this place is useless. So we're gonna evacuate to a new school! Don't worry! Your parents or whatsoever are all aware!” dagdag pa nito. Sa tingin ko hindi ito ang taong nag-announce kanina dahil sa tono at sa pagconstruct ng sentence niya.
“Sa tingin mo maganda yung bagong school na papasukan natin?”
“Oo naman! Nagbayad ng malaki dito ang uncle at auntie ko 'no!”
“Nakakaexcite naman!”
Rinig ko sa mga studyanteng kasama namin. Napairap na lamang ako, mukhang nakalimutan na nila agad ang nangyari kanina. “Oh, and by the way! Pack all your things tonight 'coz tomorrow is our evacuation!” masiglang sabi ng announcer.
Nagtilian ang mga studyante at humiyaw ng malakas. Mukhang excited na ang lahat sa paglipat sa bagong school. “So guys, see you all tomorrow here at the main court again at exactly 7:00 am! This is you gorgeous announcer, Andromeda! Have a nice sleep!” huling sabi nito.
Napailing na lamang ako. Umalis na ako ng court at naglakad na papuntang dorm. Maggagabi na rin at malapit ng maghapunan. Mabuti nalang at hindi nadamay ang boys' at girls' dorm.
Pagdating ko sa aking dorm ay agad akong humiga sa kama ko. This day is really tiring.
Marami pang tanong ang nasa isip ko. This is my third week at Alectrona High and yet, all of these incidents are all coming. Ang akala ko ay magkakaroon na ako ng normal na buhay dito. A normal highschool life without my adoptive parents.
Hindi pa kinakaya ng utak ko iabsorb lahat ng pangyayari. I closed my eyes and hugged the pillow on my side.
I wish my entire highschool life will be as normal as I want it to be.
Or I guess not.
