04: Evacuation

49 3 2
                                    

HERA

"Hey, wake up sleepyhead." napamulat ako ng mata nang may tumawag sakin na isang pamilyar na boses. I automatically stood up and yawned.

"What time is it?" I asked, still my eyes closed. "5:40." sagot naman nito at mukhang malayo na ito sakin.

"Oh-wait, what?!" napadilat ako ng mata dahil sa oras. "What the heck?! It's too early, Hephaestus! And wait, how the heck did you get in here?" sigaw ko at binato sa kanya ang unan na gamit ko kanina. Sa pagkakaalam ko kasi, nilock ko ang pinto bago matulog.

"Lock picking ofcourse!" proud pa na sabi nito at sinangga ang unan na binato ko sa kanya. "At aalis na tayo sa school na 'to diba? Tama lang na maaga kita ginising dahil sobrang bagal mo kumilos." pagdadahilan nito.

Tumayo ako at pumunta sa kitchen sink. Nakita ko ang mga supot ng groceries pagdaan ko sa mesa. "Sino nagbigay nito?"

"Your dad."

Natigilan ako bigla sa pagkuha ko ng toothbrush at tumingin sa kanya. My eyes widen, m-my dad?

He saw my reaction so he chuckled, "Just kidding, alam kong wala ng groceries sa refrigerator mo so I took mine."

Napahinga ako ng malalim, I thought he need something again. Ganun humingi ng favor ang ama-amahan ko.

Pagtapos kong magsipilyo at maghilamos ay pumunta ako sa may kama at kinuha ang malaking bagahe sa ilalim nito. Nilagay ko ang lahat ng gamit na nakalagay sa kwarto ko. Sinarado ko na ang bag ko at saktong naamoy ko na ang niluluto ni Hephaestus.

Damn, he's really good at cooking.

Umupo ako agad sa may mesa. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Hephaestus kaya tinaasan ko siya ng kilay, "What?"

"Say "Please feed me, my handsome brother~" sabi nito at inakto pa na parang nagpapacute. Napabuga ako ng hangin, the fuck?!

"Gawin mo." sabi ko at umirap. Bigla niya namang tinanggal ang pagkain na nakahain sa mesa, "Bakit mo tinatanggal?!" bulyaw ko sa kanya.

"What? Baka nakakalimutan mo, may utang ka pa sakin. Ginawan pa kita ng pagkain-"

"Sinabi ko bang gawan mo ko?"

"Edi akin na 'to."

"NO!"

Agad akong tumayo at inagaw sa kanya. "Akin na kasi!" maktol ko at pilit na inabot ang pagkain na tinaas niya. Unfortunately, he's taller than me.

Well, that's how I usually bond with my cousin, Hephaestus. And that's my daily routine, messing up with him.

Hindi naman sa wala akong kaibigan, meron akong nakakasalamuha. I'm a bit friendly, I think? Pero hindi ko naman kailangan ng kaibigan. As much as possible, gusto ko ng tahimik na buhay.

Hephaestus laughed out loud dahil sa pagtalon talon ko. Binaba niya na ang pagkain kaya napangiti ako. Victory!

Umupo na ako ulit at agad na kumain. Baka mamaya kunin niya pa ulit. Umupo rin siya sa harap ko at nagbrowse sa phone niya. "Hoy Hera."

"Hmm?" I answered, still munching and savouring the taste of victory.

"Nasaan na naman ang kadormmate mo? Clio is her name right?" he asked. Still browsing on his phone. I shrugged and swallowed my food, "Hindi ko alam bakit?"

"Oh, stop fooling yourself Hera, I know you've done something again." saad naman nito at dinuro duro pa ako. "Nangprank ka na naman ano?"

Napabuga ako ng hangin, "What?! No!" pagpoprotesta ko. "Anong prank prank sinasabi mo dyan?!"

"Last time I heard, you put cockroaches on her bag." he scoffed. The fuck? Paano niya nalaman yon?

"She told me that." sagot niya naman na tila nabasa ata ang nasa utak ko. "Seriously, Hera? Are you a ten-year old or something?"

Napairap na lamang ako. Ayoko kasi ng may kasama. I prefer living alone. Kumain na lang ako at hindi na siya sinagot. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at tumayo na.

--

"Ang bagal bagal mo talaga!" bulyaw niya at napatingin sa relo niya. "Malapit na mag 7:00!" dugtong pa nito kaya binaba ko ang bag ko.

Umirap ako at tumingin sa kanya, "Sinabi ko bang hintayin mo ako?" pambabara ko sa kanya. Instead of answering my question, he quickly grabbed my bag at siya na ang nagbuhat. I smiled secretly.

Pagdating namin sa may court, madami ng mga estudyante. Mukhang kanina pa sila nandito dahil sobrang tumatagaktak na ang kanilang pawis. Seriously, ganyan sila kaexcited?

While roaming my eyes on the court, nakita ko ang dalawang tao na nakasama namin magdamag kahapon. Zeus and Persephone.

"Goodmorning everyone!" saktong pagdating namin sa court ay agad ng nagsalita ang nasa speaker na para bang kami nalang ang hinihintay. Mukhang ito yung babaeng nagsalita kagabi, what's her name again? Andromeda?

"Sa tingin ko ay super excited na kayo, right?" she asked happily at humilinghing pa ang tawa nito sa speaker. Agad namang nagsihiyawan ang mga estudyante. Well, stating the obvious, I guess they are.

"So what are we waiting for? Ang mga bus ay naghihintay na sa may parking area! See you, guys!" saad niya at namatay na ang speaker. Agad na nagsitakbuhan papalabas ang mga estudyante at hindi na sila nasaway ng mga professors.

Gumilid na muna kami at hinintay na makalabas ang lahat. Ayokong makipagsiksikan sa mga tao.

Nang makaalis na ang lahat, nakita ko ang dalawang tao na mukhang nagpaiwan rin. "Zeus, Persephone." bati ni Hephaestus sa dalawa nang maglakad ito papalapit samin.

Tumango naman si Zeus at si Persephone naman ay todo ngiti, her arm clinging on Zeus's as usual. "Hi! Goodmorning!" malambing na bati nito samin. Ugh, I really hate her, why is that?

Sabay sabay na kaming lumabas at naglakad papuntang parking area, "So ano sa tingin niyo ang pakulong ito?" biglang salita ni Persephone, still wearing her sweet smile.

I shrugged, "No idea."

"Me too." saad naman ni Hephaestus. Persephone giggled at tumingin sa amin, "We'll see." she said and there, I saw her smirked.

So, what will happen?

ChasedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon