06: Let the Game Begin

32 4 0
                                    

HERA

Nagsisigawan ang mga babae kong kaklase at halos mangiyak ngiyak na. Hindi ako makagalaw dahil sa narinig ko. D-dito na kami mag-aaral?

Ngunit... nasaan ang iba?

Napatingin ako sa dinaanan namin ngunit wala pang dumarating na bus kahit isa. Hindi kaya kami ang nauna? O kami ang nahuli?

Tumingin ako sa katabi ko at kasalukuyang nakatitig lamang siya sa papel na nakadikit sa dingding. Hindi ko mabasa ang dumadaloy na emosyon sa mata niya.

Nabaling ang atensyon naming lahat nang may biglang sumulpot na bata sa loob malaking gate. Mukha itong inosente at nakasuot ng puting dress. Nakatitig lamang ito sa amin dahilan kaya napasigaw ang iba naming kaklase. Nagsisitaasan ang balahibo ko dahil sa pagtitig ng itim na itim na mata nito.

Ilang saglit pa ay naglakad na ito papunta sa amin, napaatras ako ng kaunti dahil sa kilabot na dala dala ng batang iyon ngunit may biglang humawak sa braso ko. Tiningnan ko si Zeus at nakatingin lang din ito sa bata habang hawak hawak ako.

Nang makarating na ang bata sa tapat namin, kusang bumukas ang matarik na gate. Ngayon ko lang napansin ang maliit na parrot na nasa balikat niya, kulay green ito ngunit ang binting bahagi ng parrot ay kalansay na.

"Kayo na ba ang bagong papasok dito?" walang emosyon na sabi nito at isa isang pinasadahan kami ng tingin. Saktong nahinto ang tingin niya sa akin at halos mapaluhod na ko dahil sa lalim ng kanyang mga mata. Para akong hinihigop ng kaitiman nito kaya umiwas ako ng tingin.

Wala niisang sumagot sa aming klase kaya tanging tango lang ang naging sagot ng president namin. Bigla kaming nagulat lahat ng may magsalita, "First batch! First batch!" napatingin kami sa parrot na nasa balikat ng batang babae.

Tumango ang bata at nilagay nito ang kanyang daliri sa bibig at pinatahimik ang parrot, "Shh, wag ka na maingay.." mahina niyang saad at tumalikod na. Nagsimula siyang maglakad at naiwan kaming nakatayo pa rin doon.

Nagtinginan ang mga kaklase ko at tumingin muli sa nakakakilabot na school building. Bigla namang humarap sa amin ang president, "Makinig kayo A-2. Wag na tayong mag-aaksaya ng panahon! Kailangan na nating pumasok sa loob. Wag na wag kayong matatakot, naiintindihan niyo ba?!" sigaw nito.

Nagsitanguan naman ang mga kaklase ko ngunit hindi pa rin mawawala ang kaba at takot na nararamdaman nila. Naunang naglakad ang president papasok sa loob at sumunod na kami.

Nang makapasok na kaming lahat, awtomatikong nagsara ang matarik na gate.

At dito na magsisimula ang malaking bangungot ko.

Pumasok kami sa main building ng school. Nasurpresa ako dahil mukhang bago at malinis ang loob hindi gaya ng labas ng school na ito. Nakita namin ang bata na nasa may counter. Nakaupo siya sa may desk nito at nakatitig lamang sa amin.

"Pwede ba tayong maglaro?" bigla kaming napatingin sa bata dahil nagsalita ito. Walang imik ang mga kaklase ko kaya nilakasan ng president namin ang loob niya para makapagsalita, "A-anong klaseng laro?"

"Simple lang naman, kakanta ako. Pag tumigil ako sa pagkanta dapat hindi kayo hihinga." saad ng bata kaya napaatras ng onti ang mga kaklase ko.

"P-paano kung huminga kami?" tanong naman ng kaklase kong lalaki. Nagkibit balikat lamang ang bata, "Ewan ko." sagot niya naman.

Narinig ko ang malakas na paghalakhak na ginawa ng lalaking nagtanong kanina, "Kalokohan! Ayon lang ba ang gagawin natin dito?! Maglalaro?!"

Tumitig lamang sa kanya ang bata kaya mas lalo itong tumawa, "Hoy batang babae! Nasaan ba ang may-ari ng school na 'to?! Magulang mo ba ha?! Sabihin mo sa kanila na wala kaming panahon para makipaglaro sayo dahil kailangan naming mag-aral! Sayang lang ang pagiging rank 1 ko kung dito lang ako babagsak sa malaking kalokohan na 'to!" malakas na bulyaw niya.

"Maingay! Maingay! Maingay!" paulit ulit na saad ng parrot kaya nainis din ang kaklase ko, "Mas maingay ka! Nakakarindi ka!" lumapit ang kaklase ko papunta sa bata pati sa parrot. Akmang hahablutin nito ang parrot ngunit bigla na lamang itong napahinto at wala pang tatlong segundo ay humandusay ito habang nakatirik ang mga mata at may lumalabas na dugo sa kanyang bibig.

Nagsigawan ang mga kaklase kong babae at nagulat ako nang magsalita ulit ang parrot ng paulit ulit, "Maingay! Maingay! Maingay!"

Isa isang humandusay ang limang babaeng tumili kanina at katulad ng nangyari sa naunang lalaki, nakatirik din ang mga mata nito at may lumalabas ng dugo sa bibig nila. Napaatras ako at awtomatikong sisigaw na sana ngunit may biglang tumakip ng bibig ko, "Wag na wag kang sisigaw..." bulong ni Zeus. Nanginginig na tumango ako at kinalma ang sarili ko.

"Ayan kasi, ang iingay nyo eh." maktol ng bata at parang wala man lang takot na nararamdaman. Umiling iling ito ngunit wala pa ring bahid ng kahit na anong emosyon sa mga malalalim na mata nito.

Nanginginig na halos lahat ng mga kaklase ko at hindi pa rin makapaniwala sa nangyayare. Maging ako ay hindi nagsisink in ang mga pangyayare kani-kanina lang. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Gulong gulo na ang isip ko.

Hindi ko alam kung nasaan ang iba pa, buhay pa kaya sila? Ganito na din ba ang nangyayari sa kanila?

Bigla na lamang nagsalita ang bata na para bang nabasa ang nasa isip ko, "Ang iba pang mga estudyante ay nasa loob na rin ng main building na to ngunit sila ay nasa ibang dimensyon. Kung makakaligtas kayo rito at nagawa niyo ang misyon ko, maaaring makita niyo pa sila sa loob ng pintuan na yon." tinuro niya ang isang maliit na pintuan at may nakalagay doon na 'This Way.'

Napatingin ako bigla sa bata at naglakas loob na magtanong, "A-ano ba ang misyon na ipapagawa mo sa amin bukod sa p-paglalaro?"

Saglit na nag-isip ang bata at tumingin ulit sa amin, "Patayin niyo itong parrot." sagot niya dahilan kaya nagulat kami.

"P-pero bakit?"

"Nakakarindi kasi eh." prenteng sagot nito at ngumisi. Napalunok na lamang ako at nagdasal sa loob loob ko. Sana isa na lang itong panaginip.

Ngunit alam kong ay isang malaking bangungot at mukhang si Kamatayan na ang naghihintay sa amin.

"Tara! Magsimula na tayo maglaro!"

At alam kong hindi lang ito isang bangungot,

Dahil ito ay isang realidad.

Realidad na hinding hindi na namin matatakasan pa.

ChasedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon