.o 13
x. Pains
Wednesday
[ Cleniché's POV ]
Panibagong araw na naman. At padagdag ng padagdag ang mga love birds dito. 'Nakakainis! Bakit dito pa sila naglalampungan?!'
"Oy! Kayo! LeNus at Bein love team, pwede ba. Pinaayos to ni daddy hindi para maglampungan kayo dito! MAGSILAYAS NGA KAYO NAALIBADBADRAN AKO! ANG KEKESO NIYO, P*TA!" natigilan naman sila sa ginagawa nilang pag-lalampungan. Nakuha ko rin ang atensyon nina Dayne at Lieu, nasa kusina sila, nilalagyan ng ice pack ang mga pasa at sugat sa mukha ni Lieu. 'Kainis! Asan na ba yung Kiel na 'yon?! Bakit wala?! Kahapon ko pa siya hinahanap ah!' Inirapan ko nalang sila sabay hirap. Wala akong klase ngayon. Ewan ko ba kung bakit wala ang mga prof namin. Mas pinili ko nalang lumabas kesa makasama yung mga yun. Nakakainis!
Dumadagdag pa sila sa sakit ng ulo ko. Ilang beses kong tinatawagan si Kiel pero cannot be reached ang p*ta! Ganoon ba siya kabusy? Tang*na lang ah! Makakapatay na ata ako!
Dinaial ko ulit number niya. First ring palang, buti sinagot na niya.
"Bwiset kang nerd ka! Wala ka bang balak magpakita sa akin?! Kahapon pa kita hinahanap. At kahapon pa kita tinatawagan. ANO BANG PROBLEMA MO SA AKIN?! HUH? SUMAGOT KA! PAPATAYIN KITA!"
[ ahhh. T-tulog po si Khaye-khaye. May sakit po kasi. Sino po sila? Unregistered po kasi # niyo e. Sasabihin ko nalang po na tumaw— ] boses ng babae 'No-oh! Nooo!'
"ano mo si Kiel?" parang may tumusok sa dibdib ko. Parang hindi ko ata kakayanin pag sinabi niyang girlfriend siya ni Kiel.
[ Malapit po siyang tao sa akin ]
"AHHH! SH*T! ASAN KAYO?! TANG*NA TALAGA! PAGDATING KO DIYAN SIGURADUHIN MONG WALA KA NA DIYAN. KUNDI PAPATAYIN KITA!" Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Galit at masakit ang nararamdaman ko. Tanggap ko pa kung pinsan niya 'yon. Pero hindi e! Naiinis ako! May sakit pala siya bakit sa ibang tao pa tinawagan niya. Nandito naman kami— ako, para alagaan siya. 'Bakit gusto ba niyang ikaw mag-alaga sa akin?' Ramdam ko ang pagpitik ni dibdib ko. Masakit na parang gusto kong umiyak nalang pero nag-aalala ako sakanya. Gusto ko ako lang ang mag-aalaga sakanya pag may sakit siya. Ako lang. Wala nang iba.
Mabilis ko lang tinakbo ang parking lot para kunin ang kotse ko. Pumasok ako at mabilis na pinaandar ang kotse ko. Racer si Hans dati, kaya naturuan niya akong magpatakbo ng mabilis. Malapit lang town house dito kaya aabot ako.
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa town house. Pinark ko na agad yung sasakyan ko sa malapit lang sa lobby. Dire-diretso ako.
Sandali lang tinagal ko sa elevator kaya napunta ako agad sa harap ng unit ni Kiel. Alam ko ang passcode kaya nakapasok ako agad. Tinungo ko ang kwarto niya, at to my surprise....
"I... love... you..." sabi niya doon sa babaeng yakap-yakap niya. Unconscious siya alam ko 'yon pero ang sakit lang na makita siyang ganoon. Siguro, mahal niya talaga tong babae na 'to. Kahit na tulog siya, sinasabihan niya pa rin ng I love you.
Unti-unting pumatak ang luha ko sa mga mata. Pinunasan ko agad 'yon noong mapatingin sa akin yung babae. 'S-she looks familiar'
.
.
.
Siya yung babae, na nagbibigay ng ibang liwanag sa mata ni Kiel. Siya yung babae sa party. Ang dahilan kung bakit naeechapwera ako ni Kiel.
![](https://img.wattpad.com/cover/9457181-288-k803746.jpg)
YOU ARE READING
Deathless World
Misterio / SuspensoDisclaimer: No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by means of electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without prior written permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME. Copyright © Baekjie...