Chapter 14 - Confirmed Feelings

87 4 0
                                    

                             . o 1 4

x. Confirmed Feelings

Tuesday. 7:00 P.M

[ Cleniché's POV ]

-*-

"B-bea. C-claire. D-dayne. V-venus. There you are" Nag-smirk pa ako sabay open arms yayakapin ko sana sila kaya lang hinila ako pabalik sa round black leather sofa.

"Six o'clock na. Kanina pa ba nandito?" Tanong ni Bea sa akin.

"From the moment I text-ed you, nandito na ako.. ayy. Wala nang laman" Tinapon ko yung bote sa kung saan. Buti hindi nabasag kasi matitibay ang bote nila, lalo na impoted ang mga ito at mamamamamamahaaaaaallliiiinn. Kukuha pa sana ako ng isang bote sa lamesa kaya lang inagaw na yun ni Dayne at siya uminom.

"Ano ka ba?! Akin na yan!" Pinilit kong tumayo pero hinawakan ako ni Claire pabalik. Bakit ba nakapagitna ako sa dalawang to?

"Nakarami ka na, Ché" Pagsaway sakin ni Claire.

"oo nga. Mukhang tinamaan ka na" dagdag pa ni Venus.

"A-ako? T-tinamaan ng alak? Ha-ha-ha!" tumawa pa ako ng malakas. Hindi pa naman talaga ako lasing. Alam ko pa ginagawa ko, ang di ko alam ay kung ano ang nararamdaman ko. "b-buti pa ng K-Kiel's Syndrome pwede pa. Ha-ha-ha. A-ang sakit dito*sabay turo ng madiin sa dibdib ko* oh. Noong makita ko siyang may kayakap na iba tapos sinabihan pa niya ng 'I love you' Hahahaha!" Ginaya ko pa ang boses ni Kiel habang humalakhak ng sobrang lakas. "A-ayaw daw n-niya sa akin... S-sinong gusto niya... Y-yung. Kati... Kati... Makating- kater... Basta yun na yun! N-nagbago na nga diba?" Bigla kong inagaw ang natitirang bote ng whiskey na kinuha sa akin ni Dayne at saka tuloy-tuloy na ininom yun. Ramdam ko ang pag-agos ng luha ko sa pababa ng mga mata ko.

Sinubukan nila akong pigilan pero hindi nila nagawa. "Pinapunta ko kayo dito hindi para pigilan ako sa gagawin ko. Gusto ko lang ng makikinig sa putang*nang nararamdaman kong ito!"

Kahit medyo may tama na sakin ang alak alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko. Pinindot ni Dayne yung buzzer at saka nagsalita doon sa parang mic na katabi lang ng buzzer. Maya-maya pa ay may dumating na waiter at dala dala ang ilang bote pa ng whiskey at tequila. Kinuha ito ni Dayne sa waiter at pinatong ito sa lamesa namin.

"Oh? Ano na?! Mahaba-habang usapan to. Tara! Inuman na!" Kumuha si Dayne ng isang boteng whiskey binuksan ito at itinaas sa ere.

"Game oh! Unang bumagsak! Talo!" ganun din ang ginawa ni Claire

"Hahaha! Tignan natin sinong matalo!" ginawa rin sila ni Venus.

"Ako pa pahuhuli? Pro ata ako dito!" Lahat sila may hawak na bote at isa-isang inunom ang mga yun ng walang hinto. Nakisabay lang ako sakanila at halos sabay sabay naming inilayo ang walang laman na bote, sa mga bibig namin.

"Alam mo, ché. Al—"

"Sabi ko na nga ba! May iba sayo. In love ka na pala. Woooo!" Biglang sumingit si Dayne kaya tinignan siya ng masama ni Bea 

"Nakikita namin ang pagbabago mo" Deklara ni Claire.

"Ang alin? Yung pagpasok at pag-susuot ko ng proper uniform?" tanong ko sakanila.

Deathless WorldWhere stories live. Discover now