Chapter 19 - Revelations

61 4 6
                                        

CHAPTER 19: Revelations

[ Hans’ POV ]

 

“Bro…” pagtawag ko sa pangalan ni Francis. Nandito kasi sa mall. Ewan ko ba kung bakit ako sumama sakanya. Siguro, kinuha ko na rin tong oppurtunity na ito para kausapin siya na layuan na si Cleniché para kay Kiel.

“Anong maganda bro? Ito o ito?” bigla nalang niyang itinapat sa mukha ko yung mukhang bading na aso at teddy bear.

“Wala~” Tipid kong sagot. Ibibigay niya raw yan kay Cleniché. Alam ko daw kasi ang gusto ng pinsan ko. Pero kung akong tatanungin, hindi na dapat siya mag-effort kasi palalayuin ko na siya. Sigurado namang maiintintidihan niya ako, lalo pa at alam niya na ang pagkakamali niya noon.

“Wala ka namanng kwenta, bro~” tinapik naman niya ang balikat ako at hinampas sa akin ang mga ‘yon. Tinitigan ko lang siya ng masama pero natawa nalang rin ako. Wala e. Kahit lalaki ako, may kabadingan din naman minsan. 6 na taon siyang nawala, kasabay ng pagkamatay ni Kiersten ang pag-alis niya papuntang US.

“Bro, layuan mo nalang pinsan ko. Para na siya kay Kiel e~” I slid my hands on both of my pockets. I looked into his eyes, biglang nalungkot siya at hindi maipinta ang mukha niya.

“I… I can’t, bro. I can’t” tipid niyang sagot habang nakatingin lang sa akin.

“It is for Kiel’s” sabi ko pa sakanya. I know, hindi niya alam ang nalalaman namin, pero kaibigan niya si Kiel for 5 years at alam kong maiintindihan niya ang gagawin ko.

“I know… he loves your cousin. But, I just can’t. I… I also love her” binalik niya yung aso at teaddy bear sa pinagkuhanan niya. Lumabas kami ng shop na ‘to. At alam ko kung saan kami pupunta, sa parking lot. Wala tao, at kami lang. May privacy.

Pag dating namin doon, sumandal siya sa kotse niya. Tinitigan ko muna siya bago mag salita. Mukhang ang daming gumugulo sakanya.

“Bro, he’s your friend for almost 5 years. Bakit hindi mo nalang siya hayaang maging masaya sa babaeng gusto niya” sabi ko pa sa kanya. Nakatingin lang siya sa malayo.

“So what bro? Mahal ko ang mahal niya. And I can not just move back para bigyan siya ng daan para maging masaya siya tapos ako naman ang magiging malungkot” tumingin ito sa akin. Kita ang determinasyon niya. Kahit na kaibigan niya, kakalabanin niya para sa taong mahal niya. Pangalawa na ito, at ayaw ko nang maulit pa. He’s wrong, kaya dapat itama na ‘to.

“Bro, 6 years. 6 years kang nawala, tapos mang-aagaw ka lang pag balik mo?! THIS IS YOUR SECOND TIME. FIRST OFFENSE, YOU ARE FORGIVEN. PERO HINDI KO NA PALALAMPASIN ANG PANGALAWA!” medyo lumakas at tumaas na rin ang tono ng boses ko. Ramdam ko ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

“Bro, kay Kiersten ang una, at kay Kiel ang pangalawa. Hindi lang sa iisang tao, bro.” medyo pa cool pa niyang sabi. Lagi naman siyang ganyan, always calm kaya minsan nakakaasar na.

Deathless WorldWhere stories live. Discover now