. o 1 7
x. Who?
[ Cleniché's POV ]
Siya yung... brown eyes. 'Ah. Sh*t!'
"HOW DARE YOU TO KISS ME, KUTONGLUPA!" tinulak ko siya ng malakas sabay sigaw sakanya. 'Nandito si Kiel and he kissed me in front of him!'
"Why? Didn't you tell him na girlfriend kita?" Nagkibit balikat lang ito at nagkamot ng ulo. "Sorry. Akala ko naman sinabi mo na sakanya na tayo. He-he. Peace tayo, honey pie" Nag-peace sign pa. 'HINDI KO SIYA BOYFRIEND. NEVER!'
"ANG GALING MONG UMARTE! SINASADYA MONG SABIHIN E! PUNYEMAS KA!" Bigla kong hinila ang buhok niya at pinagsasapok siya. Aray lang siya ng aray pero ayaw ko siyang tigilan.
"Itigil na ang kahibangan na yan!" Bigla nalang sumulpot si Lieu. Naka costume pa na pang superhero.
"Nandito na ang, super duo, tagapagtanggol ng naaapi!" Dumating din si Hans. Aba at naka-costume din.
"Gusto niyo pati kayo apihin ko?!" Binigyan ko sila ng death glare. Kaya napatago sila sa likuran ni Kiel. Napatingin ako sa mga mata niya. Biglang naging gray lang ang mata, light pa sa gray. Walang expression ang makikita sa mga mata niya.
"Tang*na, Hans. Yung pinsan mo, kakalbuhin at bubutasin ata ulo ko!" Pagrereklamo ni Francis habang habang hawak ang gulo-gulo niyang buhok at ulo. "Naku! Buti, mahal ko yang pinsan mo. Kung hind—" Bigla siyang natigilan noong ipakita ko sakanya ang kamao ko.
"Kasalanan mo, g*go! SYINOTA MO SIYA E!" Napasigaw si Hans. Yung sigaw na galit pero may halong pang-aasar.
"Wala e, natamaan ako ni kupi—"
"HINDI KA BA TITIGIL? BABANGASAN KITA" muli akong humarap kay Francis. Punyemas to! Anong pinagsasabi niya?!
"Tang*na. Buti bumalik ka pa. SANA HINDI NA!" Sigaw ulit ni kuya. Lumabas na siya mula sa likod ni Kiel. Tinanggal niya ang costume niya, buti nakapandoble siyang damit. Akala ko maghuhubad siya dito, kukutusan ko siya.
*-*
[ Francis' POV ]
"Tang*na. Buti bumalik ka pa. SANA HINDI NA!" Sigaw niya sa akin. Alam ko namang dalawa ang meaning ng sinasabi niya e. Alam ko at alam ko. Pero wala akong magagawa kung hindi nila maiintindihan ang gusto kong mangyari.
"Paano kayo nag-kakilala ni Cleniché" tanong sa akin ni Lieu. Kung pwede ko lang sabihin, sinabi ko na. Pero wala silang pwedeng malaman, bumalik lang ako para kunin ang hindi dapat kay Kiel.
"Secret. Hahaha" Humalakhak ako ng malakas sabay kamot sa ulo.
"e paano naman kayo nagkakilala ni KIEL?" Diniinan niya ang pagkasabi ng pangalan ni Kiel. Yung nga tingin niya sa akin kakaiba at puno ng galit. 'Wala pa ako sa kalahati ng plano ko, pero galit na siya. Paano pa kaya pag nagtagumpay ako?'
"Nakilala ko siya sa US, bigla ko nalang siya nakita doon. Kumakain siya sa cafeteria mag-isa, so yun. Nilapitan ko siya at kinaibigan, diba Kiel?" Tinapunan ko naman ng tingin si Kiel. Walang bakas ng emosyon sa mukha. Nakatingin lang siya sa malayo, nakakabit ang kamay sa loob ng kanyang bulsa. 'Still the old Kiersten we knew'
"Alam mo ba?" Tanong ni Hans sa akin. Alam kong naghihintay siya ng sagot mula sa akin.
"Ang alin?" Pagpapatay malisya kong tanong. Pero alam ko naman tinutukoy niya.
6 years na ang nakalipas, simula noong umalis ako at iwan sila dito sa pinas. Iwanan ang grupong hindi pa natatatag pero balak naming itayo. Pagpunta ko sa USA, hindi ako nagparamdaman. 13 years old ako noon, pero alam ko na ang tama sa mali, kaya ngyong, 19 na ako, mas itatama ko ang mali at bagay na hindi pwedeng mangyari.
"Ahh. Wala" Napabuntong hininga si Hans. Malamang ay iniisip niyang wala akong alam. Kung alam lang nila, na mas marami pala akong nalalaman kesa sakanila. Hindi nila pwedeng sirain ang plano na iningat-ingatan ko.
"5 years na kaming magkaibigan ni Kiel. Dapat sabay kaming uuwi rito pero nauna na siya. Buti pala, kilala niyo siya?" Tanong ko sakanila. Lahat ng pwede kong itanong, alam ko ang mga kasagutan. Gusto ko lang ipakita sakanila na wala akong alam kahit meron talaga.
"Member na siya ng Uxbridge" seryosong sabi ni Lieu. Minsan lang sumersoyo lang. Ngayon lang siguro nag-sink sa utak niya ang mga nangyayari ito. Parehong tahimik si Cleniché at Kiel. Alam na alam mo talaga na may nangyayari, ito talaga ang plano ko. Ang ilayo si Juliet kay Romeo bago pa mahuli ang lahat.
Official member ako ng Uxbridge, noong tinayo nila 15 years old kami, alam ko. Kinausap nila ako sa skype at tuwang-tuwa sila. Akala ko tuluyan ng mabubuwag ang grupong to, pero ito, matatag pa pala.
"Weh?! Paano?!" Gulat na gulat kong tanong.
"Pasado siya sa screening" Malungkot na sabi ni Cleniché.
Maaring naguguluhan kayo sa nangyayari, kaibigan ko na sila simula noon. Bata palang kami, kami na ang magkakasama. Pero kailangan ko silang iwan para sa isang mas nangangailangan sa akin. Wala akong ibang pinagsabihan ng tunay na dahilan ng pag-alis ko, tanging parents at parents lang niya ang may alam.
"Ayy! Oh! Talaga? Ikaw, bro ah! May tinatago ka palang galing" Tinapik ko ang balikat niya para magising na siya sa katotohanan na sadyang may mga bagay talaga na hindi mapapasayo kahit gustuhin mo. "Ang pagkakakilala ko sa isang Kiel Elton, tahimik, di makabasag pinggan, mahilig mag-aral, mahilig sa music, magaling kumanta. May tinatago ka palang anggas, bro" Tinapik ko ulit ang balikat niya. Napatingin naman siya sa akin, nagtataka. Ito ang Kiel Elton na kilala ko. Walang alam sa mundo.
"H-huh?" Tanong pa niya sa akin. Bigla niyang inayos ang salamin niya. Bakas ang lungkot sa mata niya. 'Kiel Elton. Kiel Elton, ikaw pa rin yan' I thought. Yan ang siya na kilala ko sa loob ng 5 na taon. Hindi marunong mag-taka ng emosyon.
"Wala, bro. Sabi ko, long time no see" Ngumiti ako sakanya. Tumango naman siya, pero hindi siya nakatingin sa akin, kay Cleniché. Nawala ulit ang emosyon niya sa mukha, mahirap basahin ang nasa isip niya. 'Wala akong dapat problemahin. Normal lang 'yan'. "Sige, bro. Kita kita nalang tayo sa school ah. Pakilala niyo ako sa members natin." Inakbayan ko si Cleniché. Hindi siya pumalag, sumama lang siya sa akin. Pero parang maiiwan ang ulo niya kay Kiel, nakatingin lang siya sakanya habang palayo ako. 'I have do to and stick to what we have plan'
Hinatid ko na sa bahay niya si Ché, tahimik at walang kibo. Pagkababa niya biglang nagring phone ko.
It's tita Zenaida.
"Yes, Tita. Opo. Opo. H'wag po kayong mag-alala. Aayon po satin ang kapalaran. Ilalayo ko po si Cleniché sa anak niyo"
-///-
SAY A: exciting part! xD. naeexcite ako. Kayo rin ba?
VOTE, COMMENT AND BE A FAN :)))
YOU ARE READING
Deathless World
Mystery / ThrillerDisclaimer: No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by means of electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without prior written permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME. Copyright © Baekjie...