. o 1 6
x. Brand New
[ Cleniché's POV ]
Pag-uwi ko kagabi, doon lang naabsorb ng utak ko ang nangyari.
"Nagpahatid pa ako sa kutonglups na yun! BWISET SIYA! SIMULA NOONG DUMATING SIYA NAGING PERWISYO SIYA SA BUHAY KO!" bigla ko nalang binato yung remote sa pintuan, sakto itong bumukas at tumama kay Lieu. Napakagat ako sa mga daliri ko kasi sakto sa noo niya tapos bigla nalang siyang natumba. Dahan-dahan akong tumayo, nilapitan ko si Lieu na nakahandusay sa pinto, sinipa sipa ko sa paa kaya lang ayaw gumalaw. Bigla nalang ako napatakbo na parang tanga. 'Patay na si Lieu! Wala akong kasalanan! Waaaahh!'
Bumaba ako gamit ang hagdan, takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nabangga ako, hindi ako natumaba kasi niyakap niya ako. Tinignan ko kung sino,
"AHHH! PUNYEMAS KANG MANYAK KA!" Bigla ko nalang siya tinulak palayo sa akin. Bigla bigla nalang siyang nangyayakap. Nginitian lang ako ng nakakaloko.
"Bakit, honey?" Tanong pa niya sa akin. Yung ngiti niyang nakakaasar nandiyan pa rin. Sarap lapirutin ng labi niya. Asar!
"HONEY?! GUSTO MONG IPAKAIN KITA SA MGA BUBUYOG?!" tanong ko sakanya. Nagpameywang lang ako. Akala mo sino siya, porket ba kaibigan siya ng pinsan ko at prior member pala siya ng Uxbridge, gumaganyan na siya. Hindi naman pala siya yung most-sought gang leader.
"Campus queen ka diba? Kainin mo na ako, honey. Ibibigay ko ang lahat ko say— Aray!" Bigla siyang napahawak sa ulo niya noong sapukin ko siya ng ubod ng lakas.
"H'wag mo kong tawaging honey! HINDI KITA BOYFRIEND! HWAG KANG ASSUMING! LETCHE! TABI!" Tinulak ko pa siya para makadaan ako.
"Totohanin natin, please?" Bigla niyang hinawakan ang braso ko. Tumingin ako sa mukha niya. Mukha siyang seryoso. 'Pero, still. Ayoko pa rin!'
"AYOKO! KUNG YUNG DATING CHÉ, KAKAUSAPIN MO, OO LANG AKO. PERO IBA NA AKO, KAYA AYOKO! MAY MAHAL NA AKO. KAYA TIGILAN MO NA AKO!" simula noong nagmahal ako, marami akong natutunan. Natutunan kong gawin ang mga bagay na hindi ko inisip na magagawa ko. Pag-galit ako, galit ako. Hanggat wala akong nabubully o nasasaktan hindi ako tatawa ng made in china.
"Pero... mahal kita" Seryosong sabi niya ulit.
"That'simpossible. We'retotallystranger, how could you just fall with a person whom you just meet a few seconds ago?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Binawi ko ng braso ko at saka tumingin sa mga mata niya.
"From the moment you kissed me, I know it's you" He stated.
"That supposed to be Kiel, but unfortunately, it happened to be you. Akala ko siya ikaw, kaya hinalikan kita. I was loosen up by that time, kaya akala ko ikaw talaga siya. Walang kahulugan 'yon, kalimutan mo nalang" Inexplain ko sakanya ng nangyari. Baka iniisip niya na mas gusto ako sakanya noong hinalikan ko siya sa stage sa La Vista.
YOU ARE READING
Deathless World
Mystery / ThrillerDisclaimer: No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by means of electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise without prior written permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME. Copyright © Baekjie...