Chapter 16- When...

97 3 0
                                        

                 . o 1 6

x. When...

[ Kiel's POV ]

Simula noong araw—kahapon na makita ko siyang may kahalikan sa stage sa La Vista, napag-isip isip ko na masyado lang ako nag-assume. The way she stole a kiss when I was sleeping sa hospital at noong nandun ako sa unit ko, ganoon din yung pagkakahalik niya sa putang*nang transferee na kaklase ko pa. Sana hindi nalang ako nag-alala sakanya, sana wala nalang akong nakita, sana hindi nalang niya ako tinuring na special kasi hindi naman pala. Ang bading nito, pero ang sakit.

Ang hirap layuan ng taong alam mong nagpapasaya sayo, pero ano ba magagawa ko? Alam kong di naman niya sinasadyang masaktan ako, masyado lang talaga siyang sweet at caring sa lahat... na akala ko sa akin lang kaya nag-assume ako.

Nerd na gangster tapos makapag-emote parang gay. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Maayos naman lahat bago sila dumating sa buhay ko.

"Kiel mylabs~" Bigla lumapit sa akin si Katerine at sumandal sa balikat ko habang nakaupo kami sa sofa.

"hahaha. Ang awkward talaga nito~" Sabi ko pa sakanya habang nakatingin lang sa t.v.

"Nakoo. Sanayin mo na sarili mo, isipin mo lang ako si Cleniché, para di ka malungkot" Alam niya kung gaano ako nasaktan sa nakita ko. Kaya nag-isip siya ng paraan para mapasaya ako. Sabi niya, magpapanggap daw siyang si Ché, ang kailangan ko lang daw gawin ang imaginin na siya talaga si ché para sumaya ako. Medyo effective naman...  kaya lang iba pa rin yung pakiramdam ko pag sa mata mismo ako ng taong kayang patibukin ang puso ko ng sobrang lakas.

"Ano ba naman kasi naisip mo, kati-kati~" Pagbibiro ko sakanya. Kati-kati kasi tawag sakanya ni Ché. Tapos humalakhak pa ako.

"Sige. Maki-kati-kati ka pa diyan. Gusto mo bang bukingin kita sa harap ng pinamagandang babae sa balat ng lupa?" Tanong niya sa akin.

"Hahaha. Wala namang pakielam sa kin yun" Tumawa lang ako pero may kumirot sa dibdib ko.

"Tawa tawa ka pa diyan. Hahahaha~ Kaboses ni Cleniché mo yung natawagan natin kanina" Sabi pa niya sa akin tapos layo ng kaunti para tignan ako.

"S-siya kasi yun..." mahinang sagot ko.

"WEHHH?!!! ODI NARINIG NIYA BA SINABIHAN MO KO NG I LOVE YOU?!" Gulat na gulat pa niyang sabi sa akin.

"O-oo... e bat gulat na gulat ka?" Ako rin naman kanina, gulat na gulat kaya lang kasi.... kung akong tatanungin niyo, ayoko rin naman na marinig niya yun. Baka anong isipin niya, di naman totoo yun. Pero kasi... wala rin naman pala siyang pakialam. Kaya ganoon din naman diba?

"E baka isipin niya.... tayo" Napa-gulp pa siya at halatang kinakabahan.

"Hayaan na natin, kung 'yon iisipin niya. At saka... ewan ko ba sayo, mahal na mahal ng kuya mo si Ché, pero parang mas gusto mo pa ako para sa babaeng 'yon" Napabuntong hininga nalang ako. 'Kaya ko bang panindigan si Katerine kapag inisip niyang kami?'

"Kuya deserve someone better. Hindi sila para ni Cleniché, and I can feel it. Kasi para kayo sa isa't-isa" Sabi pa nito sa akin sabay ngiti ng sobrang lapad. 'Ang cute talaga niya'

"Ay. Ewan ko sayo" Tumayo nalang ako at pumuntang kusina. Pagkarating ko doon, tumunog phone ko.

Unknown Calling....

Sinagot ko naman. Baka importante. Pero... alam ko namang hindi e. Lagi nalang may tumatawag sa number ko. Wala laging sumasagot.

"Hello?" Tanong ko. Asa naman akong sasagot yan.

Deathless WorldWhere stories live. Discover now