Chapter 20 - Mission

115 4 1
                                        

Chapter 20: Mission

 

[ Cleniché’s POV ]

 

“Saan tayo pupunta?” Bigla nalang ako hinila ng kutonglupa na ito pagbaba ko ng kotse sa harap ng main gate ng school na ‘to.

“Mall?” sabi pa niya sakin sabay ngiti.

“Mall? O baka ospital kasi mukhang napagtripan ka sa kanto” sabi ko pa sakanya. Nagpapahila naman ako. Ang lakas niya kasi. Baka pag nanglaban ako madapa nalang ako bigla.

“Hindi, mall talaga. Bibilhan kita ng gusto mo at pakakainin kita ng pagkain. Friends na kasi tayo diba?” tanong niya ulit sa akin. Mas lalo niyang binilisan ang paglakad.

“May sinasbi ba akong magkaibigan na tayo?” bigla ko lahat nilabas ang buong pwersa ko para mahila ang kamay ko. Buti naman at nakaya ko.

“May temporary amnesia ka ba?” tanong niya sakin tapos bigla niyang chineck ang ulo ko. “Negative naman. Walang sugat sa ulo, paanong hindi mo naalala ang ating maliligayang araw?” mangiyak-ngiyak na sabi pa niya. Pero halata namang nageemote lang siya.

“Tigilan mo nga ako baka masuntok kita. Gusto mo akong sumama sa ‘yo pero wala kang sasakyan. Paglalakarin mo ako hanggang mall? O sige, ito piso magkahanap ka ng kasama mo” dumukot na ako ng piso mula sa bulsa ko. Ibibigay ko na sana sakanya kaya lang bigla nalang niya ako hinalikan sa pisngi, tapos tumalikod siya sa akin tapos lumuhod.

“Sakay na karwahe, mahal na prinsesa. Bayad ka na~” sabi pa niya sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. At doon lamang nag sink in sa akin ang pangmamanyak niya.

               

“MANYAK KANG KUTONGLUPA KA!” bigla ko nalang siyang kinutongan at sinipa ang likuran niya at lumakad ng mabilis para mauna sakanya.

“Mahal na prinsesa, ang inyong karwahe, h’wag niyong iwan” tumakbo siya palapit sa akin.

“Dalian mo! Uubusin ko laman ng wallet at atm card mo. Mapupuno din sa utang ang credit card mo” sabi ko pa sakanya sabay irap sakanya noong makasabay na siya sa paglalakad sa akin.

“It is my pleasure. At least, mauubos ang pera ko sa isang katulad mo. Worth it diba?” nag wink pa siya sa akin. Kaya tinapakan ko ang paa niya at tumakbo palayo. Bakit ba ako sumama sa ulupong na ‘to. Ang aga aga pa, mall daw? E tanga naman ako, sumama ba naman.

Pagpunta nga namin sa mall, sarado pa. 9 palang. 10 pa ang operating hours. Para naman kaming tanga na nasa harap ng saradong mall.

“Alam mo… SARAP MONG SAPAKIN!” inis na inis na sabi ko sakanya. Hakmang sasapakin ko na sana siya kaya lang bigla siyang lumayo at nag-peace sign. Bigla nalang niya hinila ang kamay ko.

“I’ll show you my castle” sabi pa niya sabay hila sa akin at dirediretso sa pagpasok. Akala ko babawalan kami ng guard kasi nga hindi pa naman talaga bukas ang mall. Pero nagpa good morning lang sakanya ‘to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deathless WorldWhere stories live. Discover now