Chapter 9

680 69 9
                                        

Matthew's POV.

Nandito ako ngayon kila Andrea. Namiss ko kasi sya kahit kagabi lang magkasama kami haha. De joke lang. Namiss ko talaga sya. Nasa taas pa sya at nag aayos.

*dingdong**dingdong* sino kaya yun?

Bubuksan ko na sana nang biglang may humawak sa braso ko. Si Andrea pala.

"Ako na." sabi nya. At umupo na ko.

Andrea's POV.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay para tingnan kung sino yung doorbell. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako dahil si Jason pala yon. Pano yan? Nandito si Matthew? Nandito yung dalawa kong crush hahahaha :">

"Oh Jason? Anong kailangan mo?" tanong ko

"Di mo man lang ba ko papapasukin?" tanong nya naman.

"Ahh? Oo nga! Lika tuloy ka!" yaya ko at pumasok na nga kami.

"May bisita ka pala" sabi nya.

"Ahh? Oo e" sabi ko.

"Sino yan? Sya ba yung Jason? Yung close FRIEND mo?" tanong ni Matthew at diniinan pa nya yung word na 'friend'

Jason's POV.

"Sino yan? Sya ba yung Jason? Yung close FRIEND mo?" tanong nung lalaking nakaupo sa couch na hindi ko naman kilala! FRIEND lang pala tingin ni Darah sakin?

"Ah oo :)" sagot ni Darah. Ibig sabihin friend nga lang :(

"Sino yan? Boyfriend mo?" tanong ko kahit masakit.

Sabay silang sumagot.

Darah: Hinde.

Yung lalaki: Oo.

Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Andrea's POV.

Ako: Hinde.

Matthew: Oo.

Sabay naming sagot nung tinanong ni Jason kung boyfriend ko ba si Matthew. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sagot ni Matthew. Hindi naman kami pero bakit sinabi nyang boyfriend ko sya? Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Tumayo sya sa kinauupuan nya at inakbayan ako.

"Bakit bro? May problema ba don?" tanong ni Matthew kay Jason na may halong yabang.

"Uhh wala naman. Di nya naman kasi sinasabi sakin na may boyfriend na pala sya." sagot ni Jason.

"Hindi na naman nya siguro dapat ipaalam sayo diba? Diba nga CLOSE FRIEND lang kayo?" tanong ni Matthew at pinaka diin pa ang word na 'close friend'

"Ok." sagot ni Jason na halatang nababanas na.

"Uhh Darah, tutal magkaibigan naman tayo, pwede bang dito muna ko tumambay? Sigi na. Mapagkakatiwalaan naman ako e. Diba nga NIYAYA mo pa ko kagabi na MAG OVERNIGHT? Alas dos na nga tayo nakatulog kagabi diba? Tapos nakayakap ka pa haha :D" dugtong ni Jason na parang pinagseselos si Matthew. Ihhh patay </3

"Uhh haha o.." di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Matthew.

"Bebs. Anong oras na oh. Malelate na tayo sa lakad natin. Nalate ka na nga kahapon diba? 5 ka na nakapunta." sabi ni Matthew.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon