Andrea's POV.
Hayyy. Monday nanaman :3 Nakakapanibago. Wala kasing nambubulabog. Yan ang nafi-feel ko ngayon, pero bigla kong naalala yung ginawa nya. And I was like, buti naman wala nang nambubulabog! -_- tss... Ok...Ok... papatawarin ko naman sya agad kung babawiin nya lahat ng sinabi nya kay Jason e.
Nandito ako ngayon sa classroom. Maaga pa kaya konti palang yung tao dito. Ako at yung iba kong classmates pati si Matthew. MATTHEW?????? Oh that guy. Kahit galit ako sakanya, parang gusto ko parin syang kausapin. E kasi nga crush ko :3. Nilapitan nya ko at tumabi sakin.
"Usap naman tayo, pwede? Di mo na sinasagot mga tawagko e." tanong ni Matthew pero di ako umiimik.
"Silence means yes." sabi nya at hinatak nya ko papunta sa tapat ng cafeteria kung saan may bench at vending machine. Kinuha nya ko ng rootbeer in can. Alam na alam nya favorite drink ko haha :D Kinuha ko yon at binuksan.
"Iinom lang ba tayo ng rootbeer dito?" tanong ko at akmang aalis na.
"No. No." sabi nya na parang pinipigilan nya akong umalis kaya umupo na ko.
"Sorry." sabi nya at tumango nalang ako.
"Ganda naman ng sagot mo. Sorry na please." sabi nya.
"Oo na nga." sabi ko. Kasi nga crush ko kaya napatawad ko agad haha lol.
"YES!! Thank you." sabi nya sabay yakap sakin.
"Ok na. Ok na." sabi ko at medyo tinulak ko sya. Ngumiti lang sya awww killer smile ^_^
Parang may naaamoy akong malansang hanging papalapit dito. Kaya naman pala e. Form here sa kinauupuan namin, may natatanaw akong group of girls (actually 4 lang sila :D) and it's Jasmin and her company :3 remember her? Yung mapambully at napaka arteng babae na feeling virgin :3 (whahaha ang harsh ko :D)
Yun nga. Dumaan sila sa harapan namin at nilapitan si Matthewbaby ko -_-"
"Hi Matt :)" bati ni Jasmin kay Matthew.
"Hi." bati ni Matthew.
Nagulat ako dahil bigla syang kumandong kay Matthew at yumakap pa. Ughhhhh!! Pigilan nyo ko!! Hahambalusin ko ng vendin machine tong babaeng to!! Tsss napaka linta -_-"
"I miss you Matt. Really! Di ka na ngtetext." sabi ni Jasmin kay Matthew. Aba matinde! Kala mu naman jowa nya si Matthew :3
"Ehem ehem....LINTA! Ehem" pagpaparinig ko hahaha. Tumingin silang dalawa sakin.
"What are you sayin'?" tanong ni Jasmin.
"Sabi ko ang ganda mo! Bagay kayo!" sigaw ko.
"IKR (i know right)" sabi ni Jasmin.
Tumingin ako kay Matthew at nakita kong nagssmirk sya. Aba loko to ah!
"Uhmm excuse me Jasmin." sabi ni Matthew at tinulak nya si Jasmin. Tumayo na si Matthew.
"Sorry hah. I have some business with my bebs." rinig kong sabi ni Matthew kay Jasmin sabay tingin sakin at tumayo na ko. Naglakad na kami pabalik sa classroom.

BINABASA MO ANG
Secretly In Love
Teen FictionYung, inlove ka sakanya at inlove rin sya sayo? At inlove ka sa isa pang guy at inlove rin yung guy na yon sayo? Gulo no? Nagkaka inlaban na haha :D Well, dito iikot ang story. Tungkol sa medyo nerd na matalinong girl na maraming crush :D Djk dalawa...