Chapter 12

632 72 13
                                    

Matthew's POV.

After 1234567890 years...

Wla parin si Andrea. Ano bang nangyari sa babaeng yun? Puntahan ko na ba? Tss...

Chineck ko yung phone ko para tingnan ang oras nang mahagip ng paningin ko si Zhey na naglalakad ng padabog. Naalala ko nanaman yung picture nila ni Wella :D

"Zhey!" sigaw ko at lumingon sya sa akin.

"Ang ganda ng picture nyo ni Wella ah!" pang-aasar ko.

"Really?" tanong nya na nagpapacute nang lumapit sya sa akin.

"Hanapin mo muna yung pake ko hah! Ayaw mo naman sigurong mawasak yang napakagwapo mong mukha diba? Pwes wag mong iniinit ang ulo ko!" sabi nya habang hinihimas himas ang mukha ko at naglakad na palayo.

"Tss... haha tomboy ba yun?" bulong ko sa sarili ko.

"No i'm not." sigaw nya. Wow ah narinig pa nya yun? :D

May itim na kotseng pumarada sa harapan ko at kinagulat ko nang makita kong si Andrea ang iniluwa nito. Iniluwa talga e no? Mas harsh kasi kung 'isinuka' xD K na.

"Hi! Good morning!" bati ni Andrea matapos isara ang pinto ng kotse.

"Good mo..." natigilan ako sa sinasabi ko dahil biglang bumaba sa kotse si Jason. Pshhh...

Tinaas nya ang dalawa nyang kilay at tumango

"Jason? Una na ko hah! BYE :)" paalam ni Andrea at nakipag beso pa talaga -_-" Wala kasi ako dito e!

"Sige lang!" sabi mi Jason.

Naglalakad na kami papunta sa room.

"So kaya pala ayaw mong sunduin kita? Kasi susunduin ka nya?" tanong ko kay Andrea.

"Huh? Hindi sa ganun. Hindi ko nga alam na susunduin nya ko e."sagot nya.

"Lagi naman e." sabi ko at binilisan na ang paglalakad. Ungentleman ba? Nakakapang tampo kasi e :(

Papasok na kami sa room nang biglang...

"Matt! Matt!" sigaw ni Keischa.

"Uyy Kei!" sigaw ko. Lumapit sya sa amin.

"Hi Drea! Hiramin ko lang saglit si Matt ah :) Usap tayo later ;)" paalam nya kay Andrea. Pshh muka ba akong gamit?

"Uhh sige." sabi ni Andrea with a weird smile. 

Hinila na ako ni Keischa palabas.

Kung nagtataka kayo kung sino si Keischa, sya lang naman ang best best best bestfriend ko. OA ba ako? E totoo naman kasi. Since birth mag bestfriend na kami.. Yung mommy kasi namin, mag bestfriend din. Sabi nga nila mommy, pag laki raw namin dapat kami ang magkatuluyan haha fool no?

But that was before. Simula kasi nung nalaman ni Tita Francin (Mommy ni Kei) na may affair si Tito Romeo (Daddy ni Kei) at ang Mommy ko, inilayo na nila si Keischa sa akin at huwag ko na raw siyang guguluhin. Madalang nalang kamingnakakapag usap ni Kei. Pero BFFs parin ang tingin namin sa isa't-isa. At sigurado ako dun.

"Hoy Matt! Are you really listening?" tanong ni Kei. Oopss dami ko na palang satsat haha sowrey.

"Uhh? Of course." sagot ko.

Andrea's POV.

Pagkahila ni Keischa kay Matthew ay umupo na ako sa dek ko.

Si Keischa? Ang kwento sa akin ni Matthew ay mag bestfriend daw sila. At si Keischa, Kabilang sya sa 'Sassy Seven'. Group of girls na famous dito sa campus. Hindi naman sila mga flirt di gaya ng ibang groups. Define 'Sassy Seven'? Uhm... honorable students, magaganda, talented, pero medyo siga. Paano ko nasabi? Kasi sa tuwing daraan sila, ayaw nilang may nakaharang, at sa cafeteria meron silang spot na sila lang ang pwedeng umupo. But I don't find them maarte and mayabang naman.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon