Chapter 1

503 11 0
                                    

"Hey, anong ginagawa mo dito?"

"Uy, wala nagpapahangin lang."

"I see"

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Sa peripheral vision ko ay nakita ko kung pano niya tinignan din ang tinitingnan ko. I heard she sighed heavily.

"Kamusta?" my glances stayed in where it was.

For the second time, muli itong bumuntong hininga. Nilingon ko ito, but to my surprise I saw pain crosses her eyes. Panandalian akong nahinto, ito ang unang pagkakataong muli kong nakitang may bakas ng lungkot ag mga mata niya. But, she's trying to keep it herself with her smiles.

"Okay lang"

"That's the most casual answer I got from you after awhile, okay ka lang ba talaga?"

"Yep, ano ka ba! Caloy 'to no. Walang oras sa drama." bahagya siyang tumawa saka niya sinagi ang balikat ko.

"Ewan ko sayo" ito na lamang ang sinabi ko at hind na umimik pa. I focused myself sa UP Pep Squad na kaninang pinanonood ko bago dumating si Caloy. Yep, Its none other than Diana Mae Carlos.

Pero kahit anong focus ko sa pinanonood ko, patuloy pa rin akong binabagabag ng malungkot na mga mata ni Caloy kanina.

Muli ko siyang nilingon, nakaukit ang isang maliit na ngiti sa labi niya habang nakatuon ang mga mata niya sa sapatos niya. A thing that she does unconsciously when something bothers her.

May nakita akong sorbetes vendor malapit sa'min. Tumayo ako pero hindi man lamang niya napansin. I just shrugged at saka nagtungo na sa kinaroroonan ng sorbetes vendor.

Bumili ako ng dalawang cheese-ube na tig-20 pesos at agad ng bumalik sa kinauupuan namin ni Caloy. Pagbalik ko ay ganoon pa din ang posisyon niya. Mukhang malalim ang iniisip. I handed her the other ice cream habang nilalantakan ko naman ang akin.

"Palamig ka muna," I joked.

Tumingala ito para tingnan ako, inabot niya ang ice cream at nginitian ako. "thank you par"

Umupo ako sa tabi niya saka siya inakbayan.

"Alam mo, you don't need to struggle alone. sabi ko naman sayo diba, nandito lang ako, you can always count on me kapag may problema ka."

Naramdaman ko ang paghapit niya sa bewang ko na mas lalong nagdikit sa'min sa isa't isa, naramdaman ko ang kung anong init sa mga pisngi ko.

"Salamat, par. Salamat talaga." puno ng sinseridad na sabi nito, napangiti na lamang ako at ipinagpatuloy na ang paglantak sa ice cream na binili ko at ganun din siya. Nakaakbay ako sa kaniya at nasa bewang ko naman ang mga kamay niya, we stayed like that for hours. Ni hindi man lamang nga namin namalayan ang paglubog ng araw.

---

Nagdesiyon kaming magpunta ng UPTC para doon na magdinner, may kani-kaniyang lakad kasi ang teammates namin dahil free day namin ngayon kaya nga napadpad ako sa oval kanina, malamang ay maya-maya pa ang dating nila.

"San mo gustong kumain?" tanong ni Caloy sakin na ngayon ay inililibot ang mga mata niya sa bawat stalls na nadaraan namin.

"Gusto ko ng ramen, ikaw ba?" sagot ko.

"Alangan namang magkaiba tayo ng kainan par?" pambabara nito sakin. I slapped her shoulder pero tinawanan niya lamang ako.

I threw her deadly look at sinabing "Tinatanong ng maayos eh." pero gaya kanina ay tinawanan niya lang ulit ako.

Hindi na ako umimik pa, instead mas binilisan ko ang paglalakad ko creating enough distance between us.

"Init ng ulo mo ah, meron ka?" tatawa-tawang tanong nito mula sa likod ko. I just rolled my eyes. Ewan ko sayo Caloy!

"Estrañero, may tagos ka!" bulong-sigaw ni Caloy. Uh. Hindi ko na lang pinansin, bahala siya dyan! Asan na ba kase yung Ramen House dito? baka gutom lang ang mokong na 'to at matahimik pag nalamanan na ang tiyan.

Patuloy lamang siya sa pang-aasar at hindi naman na ako nag-abalang patulan pa siya. I just need to find that goddamn Ramen House.

"Hey, Ayel!" I stopped in my track ng marinig ang boses ng sinumang tumawag sa pangalan ko. Ganun din ang babaeng nasa likod. Mula sa di kalayuan ay may natanaw akong kumakaway at naglalakad palapit sa kinaroroonan ko.

"Anton?" I said in recognizing the guy coming our way.

Huminto ito ng nasa harap ko na siya, he's smiling widely at me. I could say na gwapo ang lalaking nasa harap ko ngayon with his plain white shirt, a black short and tom's cut shoes and clean cut hair. "It's nice to see you here. Kamusta?" tanong nito.

"I'm good, ikaw?" that was the most casual answer I could think of right now. Nakaramdam ako ng kung anong init sa pisngi ko ng mapansin ang pagtitig niya sa'kin.

"I'm good, actually kauuwi ko lang ulit from US and i'm happy to see you right now, matagal din kitang hindi na kita."

"Really? Kamusta na nga pala sina tita?" tanong ko, sa katunayan ay naiilang ako, although kaibigan ko naman ang lalaking 'to, it's just that i'm with Caloy right now at baka ano pa ang isipin niya.

"They're indeed fine, gusto mo ba silang makita? you can go with me if you want to?"

I'm just about to say no at sa susunod na lang dahil kasama ko si Caloy ngayon pero naunahan niya na akong magsalita.

"Sorry to interrupt your reunion guys, pero nagwawala na yung tiyan ko, shall we go now, Ayel?" hindi ko alam pero kahit ganoon ang sinabi ni Caloy ay seryoso ito at matamang nakatingin sa lalaking nasa harap ko.

"Yeah sure," baling ko kay Caloy at nginitian ito saka muling bumaling kay Anton, "Sa susunod, promise bibisitahin ko sina tita."

"That's a promise huh? I'll see you then" sabi nito at niyakap ako. Umalis din siya sa pagkakayakap ng tumikhim si Caloy, bumaling siya rito at humingi ng pasensya saka nagpaalam na aalis na.

"Akala ko sasama pa siya sa'tin eh." walang ganang saad ng babaeng kasama ko habang seryoso pa ding nakatanaw sa dinaanan ni Anton kanina.

"Ano naman kung sumama siya? He's a friend a after all." sabi ko at nagpatiuna ng maglakad.

"YOUR friend, I don't even know that guy." sabi naman nito at sumunod na rin.

"Edi kilalanin mo." iritang tugon ko dito.

"Tsk. Really huh?" walang ganang sagot nito kaya't hindi na ako nag-abalang sumagot pa.

Narating na rin namin sa wakas ang Ramen House at gaya ng inaasahan ko. Natahimik nga si Caloy ng dumating na ang orders namin. We ate in silence at ng matapos ay napagpasiyahan naming dumaan muna sa Coco para bilhan ng pasalubong ang teammates namin.

"May bibilhin ka pa ba?" tanong ko kay Caloy pero wala man lamang akong sagot na natanggap mula sa kaniya. Nilingon ko siya, seryoso itong nakatingin sa kung saan, out of curiosity ay binalingan ko din ng tingin ang pinagmamasdan niya.

To my surprise, I saw two familiar people wearing their yellow varsity jacket, na sa likod ay may logo ng kanilang school, FEU.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Caloy, she's wearing an unfamiliar expression. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaction niya seeing those two.

"Caloy?" I tried to retrieve her attention and thanks God I did.

"Let's go home." malamig na saad nito, kinuha niya ang mga kamay ko at ginaya ako sa exit, kung saan namin sila nakita. Noong nakalapit kami, I saw in my peripheral vision kung paano nila kami nilingon at sinundan ng tingin.

What's happening here?

Tayo Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon