Chapter 2

269 7 0
                                    


Ayel's POV

2 am and still here I am, struggling to finish my paper works for school.

"Argh!" I groaned as I scratched the paper in frustration, I crumpled it and threw it absentmindedly kaya't hindi ko na alam kung saan ito napadpad. Itinuktok ko ang ulo ko sa study table ko at bumuntong hininga, antok na antok na ako but I couldn't sleep dahil kailangan ng ipasa ang paper works na ito bukas, masyado pa namang terror ang prof namin. Konting mali, hello sa nanganganib na grades na. damn

Kinapa ko ang mug ko at akmang iinom na sana ng mapagtanto kong wala ng lamang kape ito. Uhuh, napailing na lang ako. 3 cups in a night huh?

Nagdesisyon akong bumaba at magtimpla ng unang kape ko for today, well it's a new day already. Patapos na akong magtimpla ng may marinig akong kung ano sa labas, hindi ko alam kung dala ba ng kape kung bakit nagtaasan ang lahat ng balahibo ko. Sino ba naman kaseng sira ang mag-iisip na tumugtog ng gitara ng ganitong oras?

Hindi ko alam pero bitbit ang mug ko na may lamang mainit na kape, dinala ako ng mga paa ko sa labas ng dorm.

Malakas ang hangin na tinatangay nito ng shoulder length na buhok ko. The cold breeze sends shiver down my spine pero isa lamang ang napagtanto ko, hindi multo ang tumutugtog ng gitara dahil mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko si Caloy na ngayon ay nakaupo sa damuhan at nakatingala sa kalangitan habang nagi-strum sa hawak niyang gitara.

Its been one week noong nagdinner kami sa UPTC, isang linggo na rin noong umuwi siya ng madaling na araw na nakainom at magsimulang magbago ang pakikitungo niya sa amin. She has been so cold sa dorm man o maging sa practice. Madalas ko rin siyang makitang nakatulala, I tried to talk to her but instead listening to my words ay mas inisolate lamang niya ang sarili niya mula sa'min. Hindi ko alam kung anong problema niya...but one thing is for sure, it causes her pain at ito ang kinatatakutan ko.

Kusang gumalaw ang mga paa ko at dinala ako sa tabi ni Caloy. Sa mga oras na ito, sobra akong nagpapasalamat na muli siyang makita ng malapitan. Kitang-kita ko ang ekspresyon ng mga mata niya ng magtama ang mga mata namin. Malungkot.

Binitiwan niya ang gitara at nag-iwas ng tingin. Umupo ako sa tabi niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. I can feel how tired she is.

"Bakit ka nandito?" binasag ko ang katahimikan na maaring humadlang sakin para malaman ko ang totoo niyang pinagdadaanan.

"Nagpapahangin lang"

"Really? Alas dos na ng umaga ah?"

"Hindi ako makatulog"

"Bakit hindi ka makatulog?"

"May iniisip lang" bakas na ang iritasyon sa boses niya. See? masyadong mainitin ang ulo niya nitong mga nagdaang araw.

"Anong iniisip mo?" i'm trying my best to keep the conversation going. I need to know everything, dahil ayokong nakikita siyang ganito.

"Bakit ba ang dami mong tanong?! I'm fine! kung iniisip mong hindi ko 'to kaya, you're wrong I can handle thi! Don't bother yourself because of me, i'll be okay."

Akma na siyang tatayo but I stopped her. "Tell me everything!" I demanded. Tiningnan niya lamang ako ng hindi makapaniwala.

"Stop being so annoying, Ayel! Nanay ba kita?!" tumaas ang boses nito dahilan para mabitawan ko ang damit niya. Pinulot niya ang gitara saka tumayo at iniwan ako doong mag-isa.

I was left dumbfounded. Kumawala ang pekeng tawa mula sa bibig ko, I'm trying my best to hold on the tears. Nasaktan ako eh. I'm just trying to help her, sorry ha kung ang annoying ko. Sino nga ba ko para mangialam? eh bestfriend niya lang naman ako. damn it!

---

Hindi din ako nakatulog ng gabing iyon. May naidulot din namang mabuti sa'kin ang sinabi ni Caloy dahil natapos ko ang paper works na ipinasa ko kaninang umaga. At ngayon, nasa gymnasium na kami ng buong team para sa receiving drill namin.

"shit!" bulalas ko ng hindi ko ma-receive ng maayos ang bolang ibinato ni coach. Napailing na lang ako saka bumalik sa likod ng pila.

"Hoy ayel, natulog ka ba kanina?" nahinto ako ng marinig ang tanong na iyon kay Ali na nasa unahan ko. "Wala ka kase noong magising ako ng madaling araw, tapos nauna ka pang nakarating dito sa gym kaninang umaga"

"Kailangan ko kaseng tapusin yung paper works ko kaya ayun," simpleng tugon ko but Ali's face got crumpled as if she's not satisfied to my answer and still waiting for another reason, so I did "Tsaka hindi din ako inantok, naka-apat na kape kasi ako kagabi."

"Hala? Baliw ka ba?!" hindi makapaniwalang tugon ni Ali which gained attention from our teammates but of course she's an exception. Nagtatanong ang tinging ibinabato ng mg ito lalo na ni Isa.

"Tss, Don't give me that look! mag-focus nga kayo!" suway ko sa mga ito na agad din naman nilang sinunod.

"Subsob na subsob sa acads ah? kamusta naman kaya ang lovelife?" nasamid ako sa sarili kong laway sa pang-aasar ni Isa. Nakakaloko ang ngising ibinibigay nito sa'kin kaya't agad ko syang binatukan.

"Sinabi nang mag-focus eh!"

"Oo na! Oo na!" she said in defeat at bumaik na sa pwesto niya kanina.

Natapos ang training namin, we we're all exhausted dahil sa pahirapang receiving at spiking drill na ginawa namin kanina, although setter kase ako ay pinapapalo din ako ni coach Okumu para daw may bala pa ako in the actual game, wala naman itong problema sa'kin dahil originally ay spiker din naman ang posisyon ko noon.

"Ano bang problema mo? I told you, hindi ko sinasadya!" umalingawngaw sa buong gym ang malakas na hiyaw na iyon ni Isa.

Napabalikwas ako at agad na hinanap ng mata ko ang pinanggagalingan ng pagtatalo.

"Bakit ba kase ang clumsy mo? Kelan ba kayo matututong maging sensitive ha?! Damn it!" galit na galit na ibinato ni Caloy ang hawak niyang bote ng gatorade.

"Nag-sorry naman ako ha?! You're being unreasonable Caloy!"

"Hindi sa lahat ng oras maayos ng sorry ang pagkakamali, the damage has been done." malamig ang tono ng pananalita na iyon. my teammates were gathered together, tila takot sa maaring kahinatnan ng sagutang ito.

"Ano bang pinuputok ng butsi mo ha?!" bakas na rin ang galit sa boses ni Isa at matalim ang titig na ibinabato sa kaibigan.

Sasagot pa sana si Caloy pero inunuhan ko na siya. "Stop that bullshit now!" I commanded, wala akong pake kung madamay ako sa gusot nila tutal mukhang yun naman talaga ang gusto ni Caloy, ang makaaway kaming lahat.

"Stop meddling in our business, Ayel." bumaling ng tingin si Caloy sa'kin, "Stop minding everyone's business dahil sa totoo lang, you're not helping."

Pakiramdam ko ay may kung anong kumurot sa dibdib ko. The aching feeling is suffocating and with that words, I know any moment right now ay babagsak ang luha ko but I tried to conceal it with a fake a laugh. "Really? Then stop putting your business around para hindi ka pakialaman! Caloy, hindi sa lahat ng oras magagawa naming intindihan ka. Huwag kang mandamay sa problema mo, solohin mo kung gusto mo, just don't bring that trash attitude in front of us."

Nahinto siya sa sinabi ko. Animo'y naiintindihan na niya ang sinabi ko, she cleared her throat, straightened her body and look at me with an apologetic look saka niya kunuha ang training bag at agad na umalis sa lugar na iyon.

My teammates and I were left in silence. Pino-proseso ang mga nangyari, Isa is in her teary eyes samantalang ako ay pinipilit tatagan ang sarili ko.

"She's back at it again." ito ang mariing sinabi ni Isa saka malungkot akong nginitian.

"Tama naman si Ayel, she needs to be in place. We're in a team after all, kung gusto niya pang maglaro kasama natin, then better fix her attitude."  pahayag ni Ali na bumasag sa katahimikan.

"No, she needs us." bulalas ko at itinago ang lahat ng disappointment ko sa isang ngiti.

Tayo Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon