Chapter 13

294 6 8
                                    

"Caloy, baba lang ako ha? Mag-shower ka muna, I'll take some food when I get back para makakain ka" Paalam ni Ayel kay Caloy na kasalukuyan na ngayong nakaupo sa kama niya. Tumango lamang ito kaya't lumabas na rin si Ayel.

Naiwan si Caloy na mag-isa pero imbis na sundin ang ibinilin ni Ayel ay nanatili lamang siya sa kaniyang kama habang nakatingala sa puting ceiling ng kanilang kwarto.

Nahihilo pa rin siya dala ng alak na ininom niya kanina pero baliwala ito sa sakit na nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya. Being alone in that empty room makes her remember every damn reason kung bakit siya naroon sa ganoong sitwasyon.

She reached for her phone in her pocket and dialled Celine's phone number. Nagri-ring lamang ito but Celine never pick up her phone dahilan para mas lalong bumigat ang kanina pang mabigat na nararamdaman ni Caloy. Pero hindi ito sumuko, she dialled it again. Waiting and wishing she'll pick it up and everything will gonna be okay.

"Please, babe. Answer your phone, please" Caloy begged as if she could hear her. Hindi nito namalayan na tumutulo na naman ang mga luha sa mga mata niya. She's too hurt,  too numb to notice it.

"Nakausap mo na ba siya?" ito ang agad na bungad ni Nicole kay Ayel.

Kararating lamang nito mula sa kanilang kwarto ni Caloy. She sat beside Jessma na gaya ng iba ay kumakain ng tahimik.

The aura in the table is so much different from the usual aura of the UPWVT. Tahimik sila ngayon, hindi magulo, naghihintay sa mga maaring malaman nila mula kay Ayel.

"Hindi pa ate," sagot ni ayel.

"Ano na naman bang pumasok sa kukote ng batang yon? I almost lose my sanity noong matapos naming libutin ang bayan at hindi pa rin namin siya makita---" hindi na natapos ni Pia ang sasabihin ng sumingit na naman si Nicole.

"Tapos malalaman lamang naming nag-inom siya?!" Mini-murder na ni Nicole ang steak na kinakain niya dahil sa labis na prustrasyon.

The other girls kept silent. Maging kasi sila ay clueless sa pinagdaraanan ni Caloy.

"Palampasin niyo na muna ate, kakausapin ko naman siya mamaya, let's just finish our food para makapagpahinga na,  mahaba pa ang araw natin bukas"

and with that, lahat sila ay nagpatuloy na sa pagkain.

Ayel finished her food immediately at nagpaalam ng babalik sa kwarto nila dala ang pagkain para kay Caloy.

Mabilis namang nakarating si Ayel sa kwarto nila pero wala siyang Caloy na nadatnan sa kwarto nila.

Muling sumibol ang kaba sa dibdib ni ayel. She immediately checked the bathroom pero wala siya dito hanggang sa mapansin ni ayel ang hinahanging kurtina na tumatakip sa balkonahe ng kanilang kwarto, mabilis siyang nagtungo roon at halos mabunutan ng tinik sa dibdib ng makita niya doon ang taong hinahanap niya.

"Caloy!" tawag niya sa atensyon nito.

"Yel? Ang tagal mo naman,  kanina pa kita hinihintay,  nagugutom na ko" Caloy pouted her lips.

Nabigla si Ayel. Is this the same Caloy that I left earlier? Nako! Kinuha ba ng Alien ang totoong Caloy ko?! Isip isip ni Ayel but she almost smack herself for thinking such silly ideas.

"Dapat kase sumunod ka na! Nakapag-shower ka na ba?"

Inilapag ni Ayel ang mga dala niyang pagkain sa white table na narito sa balcony at umupo sa isa pang upuan,  bale ang set up nila ay si Caloy,  yung bilog na table at si Ayel.

"Yup,"

"Nga pala, galit ba sina ate Nics sakin? I'm really so---"

"Shhhh,  kumain ka nga muna. Hindi ba sumasakit yang ulo mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tayo Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon