Chapter 11

216 3 2
                                    

"Ayel! Ano bang mukha yan? Kanina ka pa hindi umiimik ha? Ayos ka lang ba?"

Napalingon ako sa katabi ko. Isang nag-aalalang mukha ni ate Pia ang bumungad sa akin. Nginitian ko siya.

"Okay lang ako ate Pia, medyo inaantok lang." paliwanag ko pero mukhang hindi siya kumbinsido.

"Kaninang pagdating niyo sa airport ganyan ka na,  hanggang ngayong malapit na tayo sa Balesin ganyan ka pa din. What's bothering you? Maybe I can help?"

Napangiwi ako. Ate Pia is consistent and a persistent person,  if she wants to know something, mangungulit at mangugulit siya malaman lamang ang sagot sa curiosity niya. Kaya imbis na pahabain pa ang diskusyon, mabuti pang sabihin ko na lang. After all, it was ate Pia, sa lahat ng tao sa loob ng sasakyang to,  isa siya sa mga taong makakaintindi sa pinagdaraanan ko.

Nasa likod kaming bahagi ng coaster. Na kanina ako lang mag-isa ang umuukopa. Pinili ko kasing iwasan si Caloy kanina kaya dito ako dumeretso,  and thanks God dahil noong nagbabalak na siyang magtungo dito ay saka naman siya hinatak ni ate Nicole para makatabi. Most my of team-mates were asleep too. Kaya kung sasabihin ko man kay ate Pia ang bumabagabag sa akin ngayon, it will surely remain to the both of us.

"Ate..." My voice were trembling.  Nervousness is filling up my chest. Aside from Jessma, sigurado akong wala pang ibang nakakaalam ng totoong nararamdaman ko,  not even Marian and Isa kahit na sila ang pinakamalakas mang-asar sa akin.

"Go on. Spill it,  makikinig ako." then she gave me an assuring smile.

"Ate Pia, Mahal ko na si Caloy" pinikit ko na ang mga mata ko matapos kong ibulong ang mga katagang iyon. Naghihintay ako sa sasabihin niya but minute had passed ay wala pa rin akong naririnig na kahit na anong reaksyon. I opened my eyes and there I saw the not-so surprised face of ate Pia. She's just there sitting beside me while giving a knowing stare. Dahilan para muling mamuo ang kaba sa dibdib ko. What the heck?

"Wala ka man lang bang sasabihin ate?" takang tanong ko

Pero imbis na sumagot ay prenteng sumandal lamang siya sa upuan habang nakaukit ang isang ngiting animo'y waging-wagi.

Hinawakan ko ang braso niyan at bahagyang niyugyog,  "Ate naman! Akala ko ba tutulungan mo ko? Say something!" pangungulit ko rito dahilan para tingnan niya ako.

"I was actually waiting for this confession of yours the whole time,  sa totoo lang" sabi ni ate Pia habang binibigyan ako ng makahulugang ngiti, pero imbis ma matuwa ay dumoble ata ang bilis ng tibok ng puso ko.

Anong ibig niyang sabihin? Does she mean I'm too obvious? Fvck!

"Ate..." Mahinang sabi ko as I pulled my hair in frustration. This can't be,  oh my god!

"Huy! Ano bang ginagawa mong bata ka?! Wag mo ngang sambunutan ang sarili mo!" suway ni ate Pia dahilan para mahinto ako sa pagse-self pity ko.

"Ate,  pano mo nalaman? I mean,  am I too obvious?" wala sa sarilig tanong ko. Kung halata man,  that means there's a possibility that Caloy knew something.

"I don't know anything, pero na-obserbahan ko,  you look at her a little longer, you smile a little too wide in front of her, and you laugh a little to loud with her corny jokes Hahahaha I observed everything, sweety. Ikaw lamang ang nag-confirm the moment you spilled it. Kaya wag kang masyadong mag-alala dyan"

"Pero kase ate..."

"Shhhh" tinakpan niya ang bibig ko, "you're secret is safe with me,  don't worry yel"

"Pero,  ano bang balak mong gawin? She has Celine already. Hindi mo naman siguro gustong manira ng relasyon diba?"

that caught me off-guard. para akong sinabuyan ng malamig na tubig. Ano nga bang gagawin ko?

Tayo Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon