Chapter 12

192 7 2
                                    

"Ayel!"

Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa sobrang gulat. Napatingin ako kay Jessma na nakatayo sa harap ko habang nakakunot ang kaniyang noo.

"nakakatulala ka na naman? Sa tuwing makikita kita lagi ka na lang ganyan" Umupo siya sa tabi ko.

"Ginulat mo ko" reklamo ko.

"Ganun na ba kalalim yang iniisip mo na almost a minute na akong nakatayo sa harap mo di mo pa rin ako napansin?" ngumuso ito na animo'y nagtatampo.

"Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Do I look like I'm joking? Am I a joke to you Ayel?" madramang saad nito dahilan para tingnan ko siya ng masama.

"Joke lang!  Pero oo! ang tagal kong nakatayo sa harap mo,  di mo man langa ko napansin" mas lalong humaba ang pagkaka-nguso nito. "Hulaan ko,  si Caloy na naman no?" she smirked at me.

Napabuntong hininga naman ako. "Ano pa nga ba?" parang balewalang saad ko. Natawa naman siya,  yung tawang nang-iinsulto.

Kaibigan ko ba talaga ang gagang to?

"Awang awa na talaga ako sayo" sabi nito. Pinanood ko siyang kumuha ng bato at ihagis ito sa dagat, it jumped thrice into the water bago ito tuluyang lumubog.

"Stop it, Jess. Wala akong malubhang sakit para kaawan mo no." inis na saad ko pero tinawanan niya lang ulit ako.

"Wala nga ba? Eh hindi ba malubha na yang ka-martyran mo?" she teased md, and I don't know for some reason I got offended.

Without uttering any word ay iniwan ko siya at napagpasiyahan na bumalik na lang sa hotel para gawin ang mga school works na dinala ko rito sa Cebu.

I was on my way to the elevator when I noticed someone's following me. I slowly turned back to know who it was and found out that it was Caloy. Napakamot ito ng batok niya ng tingnan ko siya.

"Hey" I whispered.

Nagsisimula na namang maghuramentado ang puso ko. The view of her really makes my heart beat faster than the usual.

"Aakyat ka ba? Can I come?" she asked. Tumango naman ako. "Of course, it's our room to begin with" I said na ikinahaba naman ng nguso niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa elavator. Pinindot niya ang button patungo sa floor ng kwarto namin while on the otherhand I kept myself busy with my phone.

"Ayel"

Napatingin ako kay Caloy na kasalukuyan ngayong nakatitig din sakin. "Yes?" Tanong ko. She just gave me a sweet smile before she looked away while shaking her head as if trying to erase a thought.

Weirdo.

Nakarating kami sa kwarto ko at si Caloy, pangiti-ngiti pa din. Dumeretso ako sa kama ko kung saan naroon ang mga gamit ko,  Caloy on the otherhand sat on the edge of her bed while still looking at me.

"Baka naman matunaw ako niyan sa titig mo?" I teased as I placed my laptop in my bed and opened it.

"Sino namang nagsabing tinititigan kita?" She denied. Umayos pa ito ng lagkakaupo at nag-iwas ng tingin. Napangiti naman ako when a silly idea came out in my mind. I lazily lay down on my bed saka siya nilingon. "Caloy, can you do me a favor? Please?" I whispered just enough for her to hear.

"Hmmm? Anong favor?" she said still looking away.

"Lapit ka dito dali" I commanded. Lumapit naman agad siya so I signalled her to sit beside me which she obliged whole-heartedly.

Tayo Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon