Chapter 9

329 15 5
                                    

inilibot ko ang mga mata ko sa lugar na kinatatayuan namin ngayon. I can't help but to be mesmerized by the view and the cold wind touching my skin, the city lights and the field of stars, all in front of us.

sobrang bilis ng tibok ng puso ko, para akong malalagutan ng hininga. how did she know this place?

"what can you say about this place?" Caloy asked

Nilingon ko siya, "sobrang...ganda" bulong ko, she smiled.

"Mabuti na lang nagustuhan mo, go on feel the view. Ayusin ko lang yung food natin"

Tumango ako. Sumenyas siyang baba muna para kunin yung mga pagkain namin sa kotse niya. Muli kong binaling ang atensyon ko sa ganda ng lugar.

Nasa itaas kami ng isang burol at oo gaya ng naiisip niyo, may isang malaking puno rin kung saan nakakabit ang nag-iisang ilaw na nagpapaliwanag sa lugar katulong ng mga bituin at buwan, sa ilalim nito merong bench na gawa sa bato. At mula rito, matatanaw ang animoy nagkikislapang mga ilaw mula sa nagtatayugang gusali sa maynila at maging ang malawak na kalangitan, making this place even more magical.

"Yel, Kain muna tayo"

Napalingon ako kay Caloy, malaki ang ngiti niya habang nakatingin sa'kin, napansin ko na nakaayos na rin sa nakalatag na kumot ang mga pagkain namin. Tumango ako dito at lumapit at umupo sa nakalatag na kumot.

"Kaya naman pala pang-waluhang tao yung pagkaing binili, may paganito pala" sabi ko, tumawa naman siya at umupo gaya ko.

"Tagal na kaya kitang gustong dalhin dito, and i guess this is the perfect timing since mukhang naii-stress ka na sa thesis niyo".

"sinabi mo pa, surang-sura na ko sa laptop ko pati na rin sa mga papers na paulit-ulit ko naman ng nababasa"

"kaya pala natutulala ka na sa harap ng laptop mo" then she laughed.

Yung kanina ba tinutukoy niya? Well, Caloy kasalanan mo yun. Tambay ka kasi ng tambay sa isip ko. Letse ka! Kapag nainis ako sayo ikukulong na talaga kita sa puso ko!

Hindi ako sumagot. Pinanood ko lang siya. Nawawala na naman ang mga mata niya habang tumatawa at ako? Nagwawala na naman ang pesteng puso ko.

"Nga pala, nag-text si ate Pia" sabi nito ng huminto na siya sa pagtawa. I gave her a what-about-it look. May kinuha siya sa bulsa niya, her phone. "Mag-ready daw tayo for 3 days out of town trip sa Batangas, look" she placed her phone in front of me para mabasa ko yung text.

"Muntik ko ng makalimutan. Teka, alam na daw ba nina coach?" tanong ko ng itabi na mi Caloy yung phone niya.

"Ewan ko pa, kilala mo naman si ate Pia, malakas yon kina ate joyce. For sure, mapapayag niya sila coach"

"Oo nga pala, she's the baby boss" i joked

"Sumbong kita kay ate ah!" pagbabanta ni caloy.

"Sumbong ka, sa'ting dalawa ako naman paborito niya. She won't get mad at me" pagmamalaki ko. Kumuha ako ng manok at nilantakan iyon habang pinagmamasdan ang tanawin sa harap namin.

"Wow, tiwalang tiwala ah? Tawagan ko kaya?" pagbabanta ni caloy, nagpanggap itong kukunin ang phone niya pero hindi ko na lang siya pinansin at pinagtuunan na lang yung manok na kinakain ko.

Hindi na rin naman nagsalita si Caloy, maybe she noticed how i'm enjoying the food. Kumuha din ito ng kaniya at kinain.

Sa buong oras na kumakain kami, tahimik lang ang buong paligid. Tanging ingay ng mga kuliglig at pagnguya lang namin ang maririnig, plus the cascading of the wind on the trees. Nakaka-relax, nakakawala ng pagod.

Tayo Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon