Kabanata 9

243K 8.3K 3.3K
                                    

Double update!!! Goodnight!💖

xxx

Kabanata 9

I woke up with an excruciating pain in my head. It was throbbing, fragments of different scenes comes rushing in my head.

"Ma'am, ayos lang kayo?" Alissa came when she saw me struggling, mahigpit ang hawak ko sa hawakan sa hagdanan habang pababa.

"Y-Yes," Umayos ako ng tayo at tumingin sa kanya. "I just...maybe tired. Nagdouble shift kasi ako."

"Tulungan na kita, Ma'am." Aniya. I nodded, humawak ako sa braso n'ya at inalalayan ako pababa sa hagdanan.

My dog instantly went to my side when he saw me, he whimpered when he saw me struggling, nakasunod s'ya sa akin at nang umupo ako sa sofa ay nagtungo s'ya sa paahan ko at tumahol.

"Mimi?" I shifted my gaze and saw Sirius from the kitchen, nakapanternong pantulog pa s'ya at magulo ang buhok.

"Hey, baby..." I called. He ran towards me, inalalayan ko ang braso n'ya nang sumalampak s'ya sa sofa at gumapang palapit sa akin.

"Mimi? You fine po?" He murmured.

My heart thumped. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Yes, Riu. Mimi is fine." Bulong ko.

"No..." Umiling s'ya, his little hands went to my cheek, he caressed it softly, napapikit naman ako sa tuwa sa haplos n'ya.

"I'm good, baby. I love you." Bulong ko.

"Love you, Mi!" He smiled cheekily.

"Uhm, Ma'am? Si Sir Caspian po nandito na." Sumulyap ako kay Alissa at nagsalita.

"Papasukin mo," Tumango s'ya at lumabas, marahang binuhat ko si Sirius at inilagay sa hita ko bago marahanh humalik sa pisngi n'ya.

"Baby, kiss Mimi." I said. He instantly kissed my cheek, napangiti naman ako at humagikhik s'ya.

"Mwuah!" He murmured and kissed my cheek again. "Pagaling, Mimi."

"Opo," Bulong ko at ginulo ang buhok n'ya.

"Morning, Reev...Riu." I heard a baritone voice.

"Panget!" Napatawa ako nang umalis si Sirius sa hita ko at mabilis na tumakbo papunta kay Caspian.

I shifted my gaze and saw how Caspian carried him on his arms.

"Panget? Bakit panget? Gwapo kaya ako." He chuckled and kissed his cheeks.

I saw my dog made his way towards Caspian, he barked and Caspian lowered his body to patted the dog's head.

"Morning, Cas..." Bati n'ya sa kapangalan.

Caspian, my dog barked at him. Tumawa si Cas at muling binuhat si Riu patungo sa akin.

"Morning, Reev..." He stopped when he saw me, ang ngiti sa labi ay nawala at napalitan ng pag-aalala, his forehead creased, umupo s'ya sa sofa habang kalong si Sirius at pinagmasdan ako.

"Are you alright?" He asked.

"Hmm," I nodded.

"No! Yayay si Mimi!" Sirius said. Umiling ako kay Cas, mas kumunot ang noo n'ya at marahang dinama ang leeg at noo ko.

"You're hot, Reev!" He hissed.

"I know," I smiled. "Matagal na."

"Tss, no." His jaw clenched, marahang ibinaba n'ya ang bata sa kandungan at nagsalita. "Baby, go to Ate Ali first, Mimi is sick."

Promise To A StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon