Kabanata 24

292K 9.6K 5.2K
                                    

6 chapters to go! A Rollercoaster it is.

xxx

Kabanata 24

"Reev, sa condo ko muna tayo, hmm?" Bulong sa akin ni Caspian habang nakaupo kami sa backseat ng sasakyan n'ya.

"Bakit? May iba pa ba tayo tutuluyan?" I asked curiously at him.

"Hindi pa kasi tapos 'yung..." He stared at me and sighed. "Basta, uhm, doon muna tayo sa condo ko magstay. I'm sorry if that's what I can do for now."

"No problem," I nodded at him. "Your condo unit was good, malaki na 'yun para sa atin."

He smiled a little and nodded, nakita kong inayos n'ya ang pagkakahiga ng natutulog na si Sirius sa hita n'ya bago unti-unting inabot ang kamay ko sa hita ko.

I stared at him, confused, dinala n'ya iyon sa labi n'ya para saglit na patakan ng halik at pinisil bago ibinaba sa hita n'ya, hawak ko pa rin.

I stared at the driver's seat where Warrion is driving to Caspian's condo unit, pagkalabas pa lang namin sa ospital ay kaagad na nagdesisyon ang mag-ama na lilipat na kami ng bahay kaya hindi na ako nagsalita. My son is ecstatic, sobrang saya n'ya nang malaman ang paglipat namin and I can never wipe that smile on his lips.

Nasa likuran ng sasakyan si Alissa na natutulog rin at nang bumaling ako ulit sa harap ay nagtatalo nanaman si Warrion at ang babaeng kasama n'ya.

"I said I can do it alone!" The woman whinned irritatedly.

"No," Mariing sabi ni Warrion. "Your father asked me to keep an eye at you."

"Kaya ko ang sarili ko!" The woman almost whispered, enraged. "Hindi ko kailangan ng proteksyon mo!"

Hindi umimik si Warrion, I saw how his grip tightened on the steering wheel, kunot ang noo.

"Napipilitan ka lang, diba?" The woman said. "Quit! Hindi ko pinipilit na nandito ka, ayaw mo naman diba? Go!"

I bit my lip at their fight, nang sumulyap ako kay Caspian ay nakita kong natatawa s'ya sa dalawa sa harapan at nang makita akong nakatingin ay sumulyap s'ya.

He pulled me softly, marahang sumandal ako sa upuan at inilagay ang ulo ko sa balikat n'ya at pumikit.

I felt his hand on my cheek, saglit n'yang hinaplos ang balat ko at ibinalik ang kamay n'ya sa kamay ko at pinagsaklop iyon.

A soft caress on my cheek and I am awake, sa pagmulat ko ay halos manlabo ang mata ko at kung hindi lang marinig ang tawa ni Sirius ay hindi pa ako magigising ng tuluyan.

"Yehey! We have house na!" My son exclaimed. Naramdaman ko ang paggalaw ni Caspian kaya marahan akong umayos ng upo at nakitang lumuhod si Sirius sa upuan at humarap sa ama n'ya.

"Papa! Dito po tayo tira po? Ang big dito! Parang 'yung sa TV, Papa!"

"Uh-hmm," Caspian chuckled. "Yes, son, pero hindi pa 'yan. Papa's unit is at the top floor's, magugustuhan mo 'yun."

"Do I get to have my room?" Sirius asked him.

"Yes, little boy. Papa customized it for you." Caspian said sweetly, napangiti lang ako sa usapan ng mag-ama, nang makita ako ni Riu na gising ay mabilis s'yang lumapit sa akin at ngumiti.

"Gising na po ikaw, Mimi? Nasa house na tayo ni Papa!" He exclaimed happily. I nodded and smiled a little, marahang tumungo at hinalikan ang pisngi nito.

Nagbukas ang pinto ng van, kaagad akong umayos ng upo at kaagad na lumabas si Caspian roon. He lifted his son off the car kaya lumapit ako roon, Caspian extended his hand for me, kaagad ko naman iyong inabot at inalalayan n'ya ako pababa ng sasakyan.

Promise To A StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon