Kabanata 29

257K 8.8K 6.4K
                                    

Kabanata 29

"Reev? Kumusta? Maayos naman ba si baby natin?" Halos matawa ako sa taranta ni Caspian nang lumabas ako sa clinic ng OB-gyne at sinalubong n'ya ako.

"Hmm, healthy." I smiled.

"Really? Ano daw sabi ng doktor, babe? May bawal ba sa'yong pagkain?"

"Wala naman, ingat lang sa stress since weak ang baby." I said.

He pouted, hinaplos n'ya ang bilugan kong tyan at iniakbay sa akin ang kamay habang naglalakad kami.

"Bakit kasi bawal na ako pumasok sa loob?" He pouted, pointing the clinic's door.

"Basta," I laughed. Inilagay ko ang kamay ko sa baywang n'ya at tumingkayad para halikan ng pahapyaw ang labi n'ya. "Secret,"

"Anong gender ba, Reev? Para bibili na ako ng gamit n'ya. Tapos na kasi 'yung kwarto, gamit nalang--"

"Wala namang ginawang kwarto sa condo mo, huh?" I said. He stopped, I saw how he chuckled nervously and glance at me.

"Secret, Reev." Aniya.

"Oh? Secret, huh?" Tumaas ang kilay ko.

"Yes." He grinned. "Kung may secret ka, secret rin 'yung akin." Ganti n'ya.

Ngumisi ako at nagkibit-balikat sa kanya.

"Basta magugulat ka sa gender ng anak mo," I said, hinting him with the truth.

"Girl?" He guessed.

"Hmm," I grinned and shrugged.

"Boy?" Hula pa n'ya ulit.

"Hmm," I answered again and shrugged.

"Hmm," ginaya n'ya akong magkibit-balikat at sumimangot bago tumalim ang tingin sa akin.

"Luh? Si Reev, bida-bida!" He snorted. "Ganda ka, Reev? Ganda ka?"

Sumimangot ako at sinamaan s'ya ng tingin. I saw him stopped, biglang ngumisi at tumawa-tawa at niyakap ako.

"Syempre, maganda ang Reev ko." Hirit n'ya. "At bida-bida ka kasi bida ka sa puso ko."

I groaned, sinuntok ko ang braso n'ya at tatawa-tawang humawak roon ang loko at sumulyap sa akin.

"Ikaw, bida-bida ka ba?"

"Kasi bida ang saya sa akin?" Aniya.

"Hindi, di 'yun pick up line, sinu-sure ko lang kung bida-bida ka." I said coldly.

I saw how his mouth parted at me, sumimangot ako at sinipa ang paa n'ya bago nag-martsa paalis at sumigaw-sigaw nanaman s'yang parang tanga roon at humabol.

"Babe ko! H'wag mo kong iwan!" He screamed like a maniac in there and caught me. Umirap lang ako at napailing sa kanya.

"Bakit mo ako sinasaktan, Reev? Ang sakit ng heart ko." Madrama n'yang sabi at humawak sa dibdib n'ya. My brow raised, siniko ko ang tyan n'ya at sumagot.

"Baka gusto mong...?" I shot my brow up.

He froze, I saw how he stood straight and went beside me and bowed his head.

"I'm sorry, Reev. Sorry, I love you. I love you, hindi na mauulit." He said like a cute puppy. Hindi ako kaagad sumagot, inabot n'ya ang kamay ko at pinisil bago tumungo ulit.

"P-Pagbabayaran ko 'yun, pangako. I'll make it up to you every single day of my life. I will always make you happy. H'wag mo bawiin 'yung pagbati natin, Reev. Sorry na." He said softly.

Napatawa na ako sa kanya at ginulo ang buhok n'ya.

Nag-angat s'ya tingin at napasinghap ako nang makitang nangingintab ang mata n'ya sa luha.

Promise To A StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon