Finally, I still can't believe and ayaw ko man, a story has to end. Thank you so much for making it this far, Archers! I always love your comments for it inspires me everytime. Thank you for being with me through this heartbreaking journey of Caspian and Reev.
After this I don't know kung makakasulat ako kaagad since I'll be very busy but anyway, I owe you this, Archers! Let's say our farewell to our bida-bida couple!
Play "You are the reason" by Calum Scott when you reached that part.♥
xxx
Kabanata 30
"Why are you taking me here?" I asked Caspian when I noticed we were walking in a very familiar restaurant.
"It's our favorite," Aniya at humawak sa baywang ko. He assisted me to go inside the restaurant.
I saw how the employees panicked, kagaya 'nung nakaraan ay dumiretso sila sa kabila at nag-isang linya.
Then suddenly, they bowed in unison. Ngumuso ako at nakita kong napangiti si Caspian roon at nagsalita.
"There's no need to do that," Aniya. Nagsitayuan ng maayos ang mga empleyado at sabay-sabay na nagsalita.
"Good evening po, Sir Caspian." Sabay-sabay nilang sinabi.
"Good evening," Caspian's baritone voice said. I looked around and saw the customers looking at us.
"Si Mandy?" Aniya. I smiled at that at sabay kaming napalingon nang may lumitaw na babaeng biglang nagmamadali na nagtungo sa gitna at tumungo.
"Good evening, Sir!" Aniya.
"Good evening, Mandy." Caspian said. Napaayos ng tayo si Mandy at tumingin sa amin at napaawang ang labi n'ya nang makita ako.
My lips lifted and a smile left my lips when she looks so shock looking at me.
"M-Ma'am Lars," Aniya.
"Hi, Mandy. How are you?" Marahang tanong ko.
"Y-You can remember me? I-I mean...Sir..." Sumulyap s'ya kay Caspian na nangingiti roon.
"Yep, she knows you now." He answered.
Her mouth parted dramatically, napatili s'ya at natawa ako nang takbuhin n'ya ang pwesto ko at hinigit ako ng yakap. I was laughing as she hugged me by my side.
"Namiss kita, Ma'am!" She exclaimed happily. "Finally!"
"I miss you too, Mands! Pati na rin itong resto." Marahang sinabi ko. Lumayo s'ya sa akin, I saw how her eyes gazed on my stomach and glance at me.
"You're pregnant?!"
"Yeah," I smiled happily.
"Oh my God!" Hindi makapaniwalang napasinghap s'ya at napatingin kay Caspian. "Hala, Sir! May kasunod na kaagad si Sirius!" Aniya sa boyfriend ko.
"You know Riu?" I asked her.
"Yes, Ma'am. Palagi 'yan silang dalawa nandito ni Sir kapag may pasok ka sa ospital at s'ya nagbabantay." I smiled genuinely at that. "Pero, Ma'am! Oh my God talaga! Ang ganda-ganda mo na lalo!"
"Hindi naman!" I chuckled and hugged her more.
"Everyone," Naghiwalay lang kami sa pagyayakapan ni Mandy nang magsalita si Caspian.
"This is Polaris," Aniya sa mga tao. Medyo hindi ako sanay sa pagtawag n'ya sa akin sa ibang pangalan ko. "This is my girlfriend,"
"Ayiee!" Mandy whispered. Natawa naman ako at nailing.
"Good evening, Ma'am Polaris!" Masayang bati sa akin ng mga empleyado.
"Good evening din," Marahang sinabi ko at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Promise To A Stardust
Fiksi UmumLost Island Series #2: "Why do you keep on running after the moon when the stars are staying and waiting for you to see its light?" Broken promises, faded memories and dreams turned to dust. That's how you summarized Polaris Reeva Reyes' life. She...