Dedicated to WYBHXIEXIE
Halos kalahating oras natapos si Isaac , pinagpawisan ang buo niyang katawan, humihingal at bakas ang pagod sa mukha .
Agad ko naman siyang inalayan at pina inom ng tubig gamit ang water bottle ko.Sumandal si Isaac sa puno habang umiinom ng tubig. Nagulat ako ng ibinuhos niya ito sa ulo niya hanggang sa buong katawan niya at dahan dahan na hinubad ang uniform-polo niya . Napalunok ako at napanganga habang nakatingin sa katawan ni Isaac . Oh my god Hailey wag kang matukso . Wag mo siyang pansinin . Tinatapik-tapik ko ang mukha ko at tumaligod kay Isaac .
"Amm.. Isaac umuwi na tayo malapit nang magdilim." Mahihong sabi ko at nag simulang naglakad papalayo sa kanya .
"Hailey sandali..." Napakurap ako at napatigil. Hailey huminahon ka wag kang praning sabi ko sa sarili ko. Ito kasi ang unang beses na makitang ganyan si Isaac sa harapan ko."Naiwan mo ata sa akin ang water bottle mo" iniabot niya sa akin ang bote . Pinikit ko ang mga mata ko habang pabalik na pumunta sa kinarorounan niya at inabot ang bote. Saka dali daling lumayo sa kanya . Hay naku Hailey.
Nagtataka naman si Isaac sa ikinilos ko .
"Are you okay?" He ask . "Okay lang ako Isaac wag mo akong pansinin" sagot ko habang awkward na napangiti sa kanya. Tumango si Isaac at natawa sa akin habang isinuot ang extrang t-shirt na dala niya . Lagi siyang may dala nito sa tuwing nag eensayo siya .May biglang kumuha sa atensyon ko , ang poster ng isang lalaking wanted na nakadikit sa isang puno. Siya ang dahilan kung bakit nagpupursiging mag ensayo si Isaac .
Dahil siya lang naman ang nagkipnap ng nakababatang kapatid ni Isaac . Hanggang sa ngayon hindi parin siya nahuhuli o nakita man lang. Wala paring balita kung saan siya nagtatago. Naniniwala si Isaac na darating ang araw na makakaharap niya ito .
........
Di ko na namalayan ang oras sa kaiisip sa mga nangyari kanina . Nasa kwarto parin ako nakahiga sa matigas na kama .
"Hailey.. lumabas kana diyan kumain na tayo" tinawag ako ni Mama. Mabilis naman akong tumayo at inayos ang buhaghag kong buhok.
Paglabas ko sa kwarto nakita ko si Hizu na tumakbo papunta sa akin ."Ate ... Ate..Ate..Hailey" wika niya habang hinihingal .
"Oh? Bakit Hizu?" Nagtatakang tanong ko.
"The golden egg of a dragon begins to hatch!" . Wait what? mapipisa na ang golden egg? Ito na ang hinihintay namin. Sa unang pagkakataon masisilayan na namin ang dragon .
Sa ibang bayan lang kasi makikita ang mga dragon na nabubuhay , sa bayan ng Fhilbania , Kheyria , Rovitt at Desike. Kaya isang pambihirang pagkakataon ang makakita ng isang dragon tulad namin na nakatira sa ordinaryong bayan.Agad namin pinuntahan ang bakuran sa likod ng aming bahay, dito namin tinatago at inaalagaan ang golden egg ng isang dragon.
Inilagay namin ito sa isang maliit na kulungan na gawa sa bakal. Makintab ang egg shell nito kasing kintab ng ginto. Narinig namin ang dahang dahang pagpisa ng itlog na tila umiilaw ang mga bitakbitak nito hanggang sa lumiwanag ito ng malakas.
The hatched golden egg brings a dazzling light.
Napapikit kami sa sobrang nakakasilaw na ginintuang ilaw tila, pinuno ng ilaw ang buong bakuran namin . Na patakip naman ako sa mata ko gamit ang braso ko.
Hanggang sa unting unting nawawala ang ilaw. Bumungad sa amin ang isang maliit na ginintuang dragon kasing laki ito ng isang tuta at hindi pa bumubukas ang mga mata nito.
"It's so adorable while it's sleeping"
"It's that a male or a female?"
"Ate Hailey anong ipapangalan mo sa kanya?" Tanong ni Hannah sakin.
"Well alam ko na kung ano ang ipapangalan sa kanya"
"Hachiko"
Agad kong binalot ng puting lampin ang dragon at marahang kinuha mula sa incubator machine.
Aba parang nanay na ako nito ah.
Lahat kami ay nakasentro ang tingin sa dragon bakas sa aming mukha ang pagkamangha lalo na't kulay ginto ito. Maliban nalang sa aking ama na kinitaan ng interes ang nilalang na hawak ko. Imbes na dragon ito, ang tingin niya rito ay pera. Dragon na ang katumbas ay bilyon-bilyong pera.
Pinaalala niya noon sa amin na ang ginintuang itlog ng dragon lang ang makakalutas sa aming kahirapan. Ngunit alam niyang tutol kami rito.
Hindi namin ipinagbibili ang dragon kanino man kahit magkano pa ang katumbas nito para sa amin isa itong biyaya na di matutumbasan ng pera't alahas.
Kaming magkapamilya lang ang nakakaalam na may nakatira o inaalagaan na dragon dito sa bayan mahirap na baka pagkaguluhan kami at parusahan dahil nag alaga kami ng bawal sa bayan.
Sabi ni Mama ang dragon raw ang magbibigay sa pangalawang buhay ko.
Hanggang ngayon di ko parin naintindihan ang misteryong ito."Hailey anak... balang araw malalaman mo rin ang tunay na pagkatao mo." Sabi ni Mama habang tinapik ang balikat ko. Kung ano man ang sinasabi ni Mama hindi parin ako magbabago, hanggang sa huli ako parin si Hailey , Si Hailey na kilala ng lahat.
Ramdam ko ang liksi ng dragon sa mga kamay ko parang nagsimula na itong magutom. Kaya hinile ko na lamang ito para makatulog. Di ko alam kung makakatulog ba talaga ito. Wala rin kasi kaming magawa gabi na at hindi kami makakabili ngayon ng pagkain ng dragon.
"Hachiko is so adorable" narinig kong sabi ni Hannah sa gilid ko.
"Ate.. Hailey can I see the dragon?" pakiusap naman ni Hizu sa akin .
"Oo naman... Heto na siya" binaba ko si Hachiko para masilayan ito ni Hizu.
Si Hizu talaga ang kulit-kulit. Siya ang palaging nagbabantay nito noong itlog palang ito, sa tuwing pag uwi niya sa klase at weekend walang araw na mabibisita niya ito saka inaantay kung kailan mapipisa. Kaya nang napansin niya na unti unting itong napisa agad niyang pinaalam sa amin ito.
Ang gintong balat ng itlog maari namin itong isangla. Agad naman itong kinuha ni Papa mula sa incubator at isinilid ito sa maliit na bag ni Hizu. Pinapasok na kami ni Mama sa bahay at doon dalhin ang dragon.
Babalik sila ni Papa pagkatapos isangla ang golden eggshell ng dragon.
.......
(Author's note)
Si Hannah ang babaeng kapatid ni Hailey. Isang taon lamang ang agwat ng kanilang edad.
Si Hizu ang bunso sa magkakatid.
Hi nga pala sa mga silent readers!
#Rise of the Guardians : Lovenville
All right reserved 2019
BINABASA MO ANG
Rise of the Guardians : Lovenville
Fantasía(This story is TANGLISH) Ang mundo ng Magista kung saan nabubuhay ang mga hindi pangkaraniwang nilalang , taglay nila ang mahikang bumabalot sa kanilang kaharian . Nahahati ang mundo sa siyam na kaharian Archangel, Fhilbania , Kheyria , Toxord...