Attention: Yung prologue Ng story po nandon po next Ng chapter 8.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 1
Nova point of view
Pumunta ako sa likuran ng bahay para sunugin ang mga patay na dahon na katatapos ko lang walisin. Pagpunta ko doon nakita kong may mga dahon na namang nahuhulog.
"Hoy kayong mga dahon kayo! Dapat hindi na kayo namamatay para wala na akong wawalisin pa. Nakaka pagod kayang pa balik balik nalang sa pag walis."
Napatingin ako sa anino ko bakit naging dalawa? Ahahahaah?! Alam ko na! Nandito na naman ang bruha! Kukulitin na naman ako nito.
Nagpanggap akong walang napapansin. Nang maramdaman kong malapit na siya sa akin ay bigla ko siyang tinakot. Inunahan ko siya kaya bigla siyang napasigaw.
"Ahhhhhhhh! Bruha tinakot moko don ha?!" galit ang kanyang mukha habang nakakonot ang noo.
Oo nga pala, ang pangalan niya ay Crystal. Siya ay isang achiever student, maganda pero mas maganda ako. May dalawang biyasong ang pisngi niya ay este kamatis pala kaso may naiba sa kanya kasi sa ilong niya na parang dinaanan ng pison maliit pero kahit ganon yung mukha noon, kaibigan ko 'yon.
"Oh nga pala, napasyal ka ano naman ba pumasok sa kokoti mo?" Tanong ko sa kanya.
"Bat ako nagpunta dito? Nagpunta ako dito para sabihin to sayo na wala daw pasok bukas. Ayaw ko kasi na mascam ka ulit nila Dairen at Bhety." Ani Crystal
"Ay! Ang sweet Naman ng bruha ko." sabi ko sabay hug sa kanya
=============
Napadilat ako dahil sa sakit at init na tumama sa mukha ko. Si mama kasi, ang hilig magbukas ng binta tuwing umaga kahit hindi pa ako gising.
Nakaramdam ako ng napakasakit na kirot sa bewang ko.
"Aray! Mama Naman oh." sigaw ko na nasasaktan
"Bumangon ka na riyan kung ayaw mong kurotin kita ulit." sabi ni mama
"Oo na! Babangon na po." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko
Inayos ko muna ang mga unan ko at niligpit ko na rin yung mga kumot ko para hindi na magalit si mama . Ayaw niya kasi na maraming kalat na gamit.
"Bilisan mo na dyan naghihintay na papa mo sa kusina." Sabi ni mama sabay labas ng kwarta ko
==========
Third person POV
Bumaba na si Nova para kumain, ayaw niya kasi na hintayin pa siya nang kanyang magulang para kumain. Kaagad itong nagmadali . Di alam ni Nova na may surprise gift pala ang kanyang mga magulang para sa kanya.
"Good morning pa!!" bati ni Nova sa ama na may ngiti at sabay upo sa upuan.
"Good morning din sayo may beautiful daughter." Ani ama ni Nova
"Teka Pa? Diba may ibibigay ka sa anak natin?" Bulong ng kanyang ina sa kanyang ama
"Oo nga pala may surprise kami sayo. Pikit ka muna." Sabi ng kanyang ama na may ngiti sa mukha
BINABASA MO ANG
Behind The Mask
Mystery / ThrillerAng taong may itinatagong Hindi magandang pakay. The killer was hiding the mask itinatago Ang TOTOONG pagkatao at pumapatay.