Text

3.1K 79 44
                                    

Alam nyo ba yung feeling na isang araw, bigla ka na lamang tinext ni Crush?? Diba nakaka-kilig?! Kasi Kahit simpleng “Hi” or “Musta?” lang nya, kontento ka na? Syempre! Crush mo ata yun..

.

.

.

.

.

.

Na-experience ko na yan eh. At dahil dito sa simpleng text, nagsimula ang love story ko… Gusto nyo bang i-kwento ko sa inyo? Pwes, sa gusto at sa gusto nya, ikukwento ko!! ^_^

-------------MY STORY-------------

“Jess, tingnan mo si Enzo oh! Naka-tingin sayo!” bulong sakin ng bff kong si Andrea. Napatingin naman ako kay Enzo na nasa table na hindi naman kalayuan sa table namin. Nasa loob kasi kami ngayon ng canteen.

“Andie, hindi naman sya naka-tingin sakin” at totoo naman yung sinasabi ko. Hindi talaga sya naka-tingin sakin. Nakikipag-usap sya dun sa isang kabarkada nya.

“Jess! I swear nakita ko syang nakatitig sayo!”

“Hay naku Andie, baka naman nag-hahallucinate ka lamang. Kitang-kita ko naman na nakikipag-usap sya sa mga kabarkada nya eh”

“Sige. Ayaw mo maniwala eh. Kain na nga lang tayo” at ayun, itinuloy ko na lamang ang pagkain.

Ako si Jessmine Ishedille Flores o mas kilala sa tawag na Jess. 16 years old, 4th year high school. Volleyball player at soccer player. Sabi nila medyo boyish daw ako pero maganda naman daw ako kaya ayos lang. By maganda ba means mukhang tao? Well, whatever -_-“

I have this huge crush on Enzo Reinnier Mendez, ang anak ng school director. Who wouldn’t? Gwapo, matangkad, maputi, maganda ang pangangatawan, mabait, gentleman, matalino, Basketball starplayer at higit sa lahat.....SINGLE!!

Since first year high school pa lamang kasi kami, crush ko na sya. Nung first day kasi ng classes, nabungo nya ako so tumilapon yung mga books ko. Nag-sorry sya sakin at tsaka nya pinulot yung books ko for me at inihatid nya pa ako  sa room namin. Naalala ko pa nga noong pagpasok ko sa room, ang daming girls na naka-tingin sakin. Doon ko nakilala si Andie kasi sya ang pinaka-unang naging bestfriend ko. Ikinuwento nya lahat sakin ang mga nalalaman nya tungkol kay Enzo.

Napag-alaman ko noon na mahilig si Enzo sa mga girls na mapuputi, maganda ang kalooban in short, mabait. Kung hindi daw mamasamain ay gusto nya rin yung mga babaeng magaganda at yung tipong sexy. Ang ibig sabihin nya sa sexy eh yung hindi payat, hindi mataba. Katatamtaman lamang. Basta may laman! Then mahilig sya sa sporty and athletic girls.

PERFECT NGA EH! PARANG AKO LAMANG YUNG TINUTUKOY NYA!!

Ang sabi pa sakin ni Andie, never pa daw nagka-girlfriend si Enzo at bibihirang magka-crush. Nung itinanong ko naman kung bakit, hindi nya daw alam. Basta yun daw yung alam nya.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon