Dedicated po ang story na ito sa isa sa mga fans ko na walang sawang binibigyan ng good feedbacks ang mga stories ko… @EdleyJoyceAlconcel, this story is for you ^_^
---------------------------------------------------
Naranasan mo na ba ang mainis ng sobra dahil sa isang tao na walang ginawa kundi ang sundan ka? Imagine nyo ha, simula ata first year high school pa lamang kami, sinusundan nya na ako. Eh how much more ngayong 4th year high school na kami? At mas lumala pa sya ngayon, kung dati ay puro love letters lamang ang ibinibigay nya at pinipicturan ako kapag may special occasion, ngayon ay todo sunod sya Kahit saan ako magpunta…
Maloloka na ako sa kanya!
At ngayon, eto ako, nasa hallway ng school namin at naglalakad ng mabilis kasi sinusundan na naman nya ako. Nakaka-inis na toh ha!
“Pwede ba tigilan mo nga ako Jiro! Kapag hindi mo pa talaga ako tinigilan sa pagsunod sakin, ipapa-guidance kita! Stalker ka!” at heto pa rin ako, naglalakad ng mabilis at hinahabol nya parin.
“Hindi ako Stalker noh, ADMIRER ako noh! Malaki ang difference nun!”
Aba! At sumasagot pa ito ha!
“Whatever! Layuan mo na nga ako!” hay naku! Hinding-hindi na ba talaga nya ako titigilan??
Bago ko ituloy ang pagkukwento, ako nga pala si Tiffany Michelle Navarro pero mas kilala bilang si Mitch. 16 years old, volleyball player, debate team member at isang consistent honor student. Maganda naman ako, Maputi, may kaya ang pamilya, medyo may katangkaran at syempre, talented ^_^
At ang aking stalker---- este ADMIRER pala ay si Jiro Anthony Perez. Honor student, isang fafalicious hunk, basketball player, swimmer, gwapo, matangkad, medyo tan ang balat at syempre, popular! Pano ba naman kasi eh anak ng school director. So it means, mayaman ang pamilya nila.
Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-dami ba naman ng high school girl population sa school namin eh ako pa ang napili nyang bwisitin araw-araw. At take note, talagang pinangalandakan pa nya sa buong school na gusto nya ako at tinatakot nya rin yung ibang mga manliligaw ko. Nakaka-inis talaga!
“Mitch my loves! Wag mo naman akong takbuhan! Hindi na kita mahabol eh!” aba! At talagang sumigaw pa ang kumag na ito ah! Grrrr! Nakaka-inisna talaga ha! At anu yung tawag nya sakin, Mitch my loves?! Ewwwwwww!
So ayun, binilisan ko na lamang ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa classroom namin at ini-lock ko yung pinto para hindi sya maka-pasok and as usual, ang mga classmate namin eh nang-aasar na naman.
“Yiiiieeeh! Ayan na naman ang Dalawang yan! Inaraw-araw nang ginawa ng diyos pero kada umaga, ganyan sila!” sabi nung isa kong kaklase
“Oo nga! Mitch, sagutin mo na kaya si Jiro!” dagdag pa nung isa
“Ewwww! Ayoko nga! Never!”
“Hay naku Mitch! Huwag kang magsalita ng tapos kasi baka sa huli ay kainin mo yang mga sinasabi mo!” sabi ni Dianne, ang bff ko.
“Dianne naman eh! Mas kinakampihan mo pa si Jiro kesa sakin!”
“Syempre naman noh! Basta pogi, ipapagpalita kita ^_^”
*Boooogsh!
“Aray ko naman Mitch! Napaka-brutal mo talaga! Joke lang naman yun! Hindi mo naman kailangang mang-batok eh!” hehe oo, binatukan ko sya.
“Pwes masamang biro yun!” bigla namang nag-bell kaya umupo na kami sa mga upuan namin, katabi ko nga pala si Dianne sa upuan ^_^
Pumasok na sa loob yung teacher namin at as usual eh kasama na naman niya si Jiro. Ganyan naman kasi araw-araw eh, hahabulin nya ako, papasok ako ng classroom, ilolock ko ang pinto at ayun…. BOOOOOOOOOOOM! Mapapagalitan na naman sya kasi nasa labas pa sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/2032642-288-k739501.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionIto po ay collection ng mga oneshot stories na ginawa ko ^__^ Sana po ay magustuhan nyo ang aking mga stories.. And yes, lahat po ito ay puro romance^^