Naranasan nyo na bang ma-inlove sa sarili nyong best friend? Kung oo, sige, condolence para sating dalawa… Mahirap nga namang magmahal ng isang kaibigan… Kasi Kahit palagi mo syang nakakasama, nakaka-usap at nakakatawanan, hindi parin maiiwasan na kung “LOVE” ang pag-uusapan, iba ang sinasabi nyang pangalan.
Alam ko naman yun eh pero hindi ko parin mapigilan ang sarili kong mahulog para sa kanya. Masama ba? Katangahan na ba ang tawag dito? Marahil oo… Hay…
Pero ganun naman talaga kapag nagmamahal diba? HAnda kang magpakatanga para sa kanya…
Kasi…
Mahal mo sya…
Ako si Justin Chester De Guzman o mas kilala bilang si Chester. 16 years old at 4th year highschool sa *toot* university. At ang babaeng pinaka-mamahal ko? Ayun, inlove na inlove sa bestfriend ko… ang masaklap pa, talagang sakin pa sya nagpapatulong. Eh kasi, kababata nya daw ako at kaibigan eh ako namang si tanga, Pumayag naman dahil mahal ko sya. Tanga lang noh?!
Gusto nyo bang malaman kung paano nag-simula ang napaka-haba kong lovestory? Sige na nga.. ikukwento ko na sa inyo. Sa gsto nyo at sa gusto nyo ^_____^
10 years before.....
Nandito ako ngayon sa terrace ng bahay namin. Naglalaro ako ng gameboy ko (hindi pa kasi noon uso ang PSP)
Habang naglalaro ako ng gameboy ko, biglang may humintong truck sa tapat ng bakanteng bahay na katapat ng bahay namin. Hmmmm... Ano kayang meron dun?
Kaya ako, si kakulitan, ay lumapit doon at tiningnan kung anong nangyayari doon. Maya-maya pa ay may lumabas na isang magandang batang babae doon at nginitian ako. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakakita nang ganoong katamis na ngiti. Dahil medyo mahiyain pa ako ng mga panahong iyon, ginawa ko ang kaisa-isang Gawain ng mga cute na 6 year-old na mga batang lalaki. Tumakbo ako papunta sa tabi ni Mama at nagtago sa likod ng palda nya. Oh diba? Lalaking-lalaki ako ng tayong yan!
Lumapit naman sakin yung batang babae at hinigit ako papalapit sa kanya.
“Mama!” tawag ko kay mama pero nginitian nya lamang ako at tuluyan na akong nahigit nung batang babae. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa tumigil kami sa isang tabi ng damuhan at nahiga.
“Ang cute mo naman bata! Anong pangalan mo?” tanong nya sakin
“C-chester”
“Wow! Ang ganda naman ng pangalan mo Chester! Ako nga pala si Ianna. Ianna Nicole! Hehe! Gusto ko paglaki ko, ikaw magiging boyfriend ko ha!” nakangiti nyang bati sakin.
“HA?! Ayoko nga! Bata pa tayo eh!”
“Kaya paglaki natin eh!” tapos ipinulupot nya yung kamay nya sa braso ko. Ako naman ay nagsimulang tumakbo pero hinabol nya parin ako. Sa wakas ay sumuko narin ako sa kakulitan nya kaya bumalik na kami sa bahay nila. Nakita ko doon yung mama nya at mama ko na nag-uusap.
“Ang cute talaga nilang dalawa noh Mare? Sabi ko sayo bagay sila eh!” sabi ni Mama
“Sus Emily! Bata pa ang mga yan pero sana nga sila ang magkatuluyan para dumami pa ang lahi nating magaganda ^___^”
“IKR mare! Hay naku, i want cute Little grandchildrens!”
“ME too!” at nagsimula na silang tumawang dalawa.
“Ikaw Chester! Kayo din naman ang magkakatuluyan ni Ianna kaya I advise you to be nice to her” sabi sakin ni mama
“Ewww! Ayoko nga mama! Never akong magkakagusto sa kanya noh!”
Pero hindi ko alam…. Dadating din pala ang panahon na kakainin ko ang mga salitang yun dahil simula nang tumuntong kami ng highschool, lalo syang gumanda at naging popular sa mga lalaki sa aming school.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionIto po ay collection ng mga oneshot stories na ginawa ko ^__^ Sana po ay magustuhan nyo ang aking mga stories.. And yes, lahat po ito ay puro romance^^