To all readers, this one shot story is a KathNiel story :")
Fan po kasi ako ng KathNiel at syempre para naman may magawa akong story tungkol sa kanila..
First KathNiel story ko po ito so sana basahin nyo^^
===================================================================
----------------------*
Ano nga kaya ang feeling nung crush mo sya then may gusto din sya sayo? Ang sarap siguro ng ganun noh? Pero sa kaso ko, malabong mangyari yun.
Ako si Kathryn Chandria Bernardo. 16 years old. Mabait,morena,friendly, sabi nila maganda daw ako, may kaya ang pamilya dahil may restaurant kami,mahilig akong mag-sulat sa diary ko pero higit sa lahat, isa lamang akong simpleng tao.
Si Daniel John Padilla. 17 years old. Gwapo,mayaman,matangkad,maputi,magaling magbasketball,gitarista,habulin ng girls,SCHOOL HEARTTHROB at ang aking ultimate crush.
Summer kasi ngayon at next year ay first year college na kami. Nandito ako sa may park sa subdivision namin kung saan nakatira din si DJ. Napadaan ako sa may basketball court at nakita ko sina DJ at barkada nya na nagbabasketball. As usual, eto na naman ako, nakatingin sa kanya mula sa malayo. Kuntento na naman ako sa ganitong paraan eh. Hindi naman ako yung tipo ng babaeng sobrang ipangalandakan na may gusto sa kanya.
Actually, walang ibang nakaka-alam ng feelings ko kundi ang aking bestfriend. Ang aking diary...
Siguro iniisip nyo na masyado akong isip bata kasi sa laki ko ng ito eh nag-didiary pa ako. Well, hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil wala naman akong mapagkwentuhan ng mga saloobin ko dahil busy ang parents ko sa negosyo naming restaurant.
"Miss ulo moh!!!" may narinig akong sumigaw mula sa likuran ko pero huli na dahil natamaan na ako ng bola sa ulo.
"OUCH!!!" napa-upo naman ako sa sobrang sakit. May narinig naman akong tumatakbo na papalapit sakin.
"Miss okay ka lang ba?" napatingin naman ako dun sa nagsalita...
Si Daniel
>/////////< anu ba naman yan! Nakaka-conscious naman ito! Nakatingin pa sya sakin!
Tinulungan nya akong tumayo.
"Sorry ha miss, natamaan ka pa tuloy nung bola. Sinigawan ka naman namin pero parang hindi mo narinig. Ang lalim siguro ng iniisip mo" then nginitian nya ako.
Oo, kung alam mo lang, ikaw ang laman ng utak ko...
"Ah hindi, okay lang yun ^_^"
"Ako nga pala si Daniel, Daniel Padilla" then inilahad nya yung kamay nya sakin. Kinuha ko naman iyon at nakipag-shake hands ako sa kanya.
"I'm Kathryn, Kathryn Bernardo"
"Sige, see you around Kathryn^__^" then bumalik na sya dun sa may mga kaibigan nya. Ako naman ay umuwi na. PAg-uwi ko, hinanap ko agad si Diary at nagsimula ng magsulat dun...
May 03, 2012
Dear Diary,
After 3 years of loving him, nakausap ko na rin sya ng personal! Well, kahit saglit nga lang pero kahit pa! Swerte pa rin pala yung natamaan ako ng bola nya sa ulo! Biruin mo, hinawakan nya yung kamay ko nung tinulungan nya akong tumayo >/////< Ang sweet nya talaga! Kaya pala maraming naiinlove sa kanya! Pero, i wish na sana, kahit minsan ay mapansin nya ako... Hay naku Kath, wag ka na umasa but i still love you kahit hindi mo ako mapansin.
Love,
Kath <3
-----------KINABUKASAN-------------
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionIto po ay collection ng mga oneshot stories na ginawa ko ^__^ Sana po ay magustuhan nyo ang aking mga stories.. And yes, lahat po ito ay puro romance^^