Dear Readers, eto pong story na ito ay tungkol kay Louise, ang bestfriend ni Rielle sa kwento ko dito na The Contract. Hindi po sya nabanggit dun sa the Contract kasi naka-focus po yun sa love story ni Lance at Rielle. And by the way po, eto na po yung story matapos ang operation ni Rielle… Hope you like it ^____^
============================================================
Ang buhay ko? Well eto, walang masyadong espesyal bukod sa trato sakin ng ibang mga istudyante sa Ridge High University. Well, isa akong captain ball ng volleyball girls at you can say na sporty ako at athletic. Kung tatanungin nyo ako kung anong trato sakin ng mga students sa Ridge High, para akong isang celebrity. They always treat me nice and makes me feel important. Maybe it’s just because of my looks and my family’s wealth. Hindi naman talaga nila nakikita ang tunay na ako.
But then, this terrible accident happened 2 months ago at nasa state-of-shock parin ako hanggang ngayon. Pano kasi, my brother was killed by some unknown people na may galit sa family namin due to business issues at sa harapan ko pa sya binaril. Ngayon, palagi na lamang akong tulala at minsan eh parang ewan na kasi lagi lang akong naka-tingin sa malayo. Pero sa ngayon, hindi muna ako nagpapa-apekto kasi baka pag nagpa-apekto ako eh mabaliw ako…
Ang gandang baliw ko naman ^__^
Well, ngayon, nandito ako sa bahay ni Rielle at binibisita sya. Nakalabas na kasi sya sa ospital matapos ang kanyang heart surgery at akalain mo nga naman noh? Ang minimithi nyang lalaki na si Lance Anthony Briones na dati ay boyfriend lang nya by contract, ngayon ay real boyfriend na?! San ka pa?
Sabi ko na nga ba eh. No boy can resist her charms ^___^
“Best, okay ka na ba?” tanong ko naman sa kanya
“Of course okay na ako! Lalo na ngayong boyfriend ko na ang dream boy kong si Lance ^___^”
“Hmmp! Loka ka talaga! O syi sige, uuwi muna ako. Baka sakaling may Magandang magawa sa bahay namin…”
“Papasundo ka ba sa driver nyo?”
“Syempre, alam mo naman si mama diba? Since that incident 2 months ago, she always makes sure na safe ako...”
“Well okay. Text text na lang tayo ha >_^”
“Okay…” at ayun, tumayo na ako at inihatid nya ako papuntang pintuan nila.
Nasa porch na kami ng bahay nila nang dumating ang isang yellow na Mercedes benz ang huminto sa tapat ng porch ng bahay nina Rielle at lumabas mula doon sina Lance at si Rio.
Si Rio Adrian Kane. Ang Fil-American na bestfriend ni Lance na isa ring heartthrob sa Ridge High University. Kaklase ko si Rio, infact, seatmate ko sya. Sina Rielle,Lance at Rio lamang ang bestfriends ko sa school. Sila lamang ang napagsasabihan ko ng mga problema ko. Lalo na kay Rio kasi halos araw-araw, kami na lamang ang mag-kasama at nagkukwentuhan dahil nga setmates kami. Kahit may suot na salamin si Rio, marami parin ang nagkaka-gusto sa kanya. Kung bakit? Kasi gwapo parin sya kahit may salamin sya. Pero maniniwala ba kayo na halos hindi nya tinatanggal ang salamin na yan? Sabi nila mas gwapo daw sya kapag nawala yang mga salamin nya kaya naman maraming nagtatangka na alisin yan.
“Aba, nandito pala si Louise eh ^___^” sabi ni Lance samin ni Rielle.
“Yes boyfie!! Dinalaw lang ako ni Bhest ^___^” sagot naman ni Rielle. At bago pa nila ituloy ang paghaharutan nilang dalawa, magpapakilala na ako.
Ako si Louise Kaycee Montes. 16 years old at single na single. Aba syempre noh! Wala akong time para sa lovelife ngayon. Lumapit naman sakin si Rio at inakbayan ako.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionIto po ay collection ng mga oneshot stories na ginawa ko ^__^ Sana po ay magustuhan nyo ang aking mga stories.. And yes, lahat po ito ay puro romance^^